Covid-19

0 12
Avatar for rakshata
4 years ago

Ito ay base lamang sa pananaw ko at sa kung anong napapansin ko tungkol sa pandemya.

Gusto ko ang pamamalakad ni Pangulong Duterte, wala akong masasabi sa kanya. Mahirap lang talaga ang kinakaharap natin ngayon at Oo, sang ayon ako sa sinabe nya na kulang ang pondo natin o baka nagkakamali ako sa pananaw ko pero dito sa lugar namin, napakaraming positibo na apektado at nakakapagtaka kung totoong may pondo pa tayo para sa pagkain at tulong medikal sa mga sumasagupa sa pandemya? Bakit kailangan maging maluwag ang mga pasilyo, kalsada, eskinita kung alam naman natin na maaari tayong mahawa anumang oras o baka dahil kaya niluwagan ng Pangulo ang mga iilang lugar sa bansa natin ay iniisip nya na bukod sa kulang na ang ating pondo ay mamamatay din tayo sa kagutuman.

Naaawa ako sa iilang kababayan natin. Walang makain, walang masilungan, hindi nila alam kung ligtas ba sa kanilang mga sinisilungan ngayon at sana, hiling ko ang pagkakaisa natin. Kung kaya natin magbahagi para sa iilan, alam ko na pare pareho tayo na makakaalis din dito.

Napakahirap ngayon. Magtulungan tayo. Wag natin sisihin ang isa't isa o ang Pangulo o kung sino mang Lider ang namamalakad sa mga distrito natin. At kung meron man? Hayaan na lang natin ang panahon ang maningil sa kanila. Maging positibo tayo ngayon.

Magtulungan tayo mga kapatid.

6
$ 0.00

Comments