Buhay: Kaloob ng Diyos

0 10
Avatar for rakshata
4 years ago

Bawat nilalang ng Diyos ay katangi-tangi. Ispesyal ang pagkakalikha niya sa tao sa paraan at panahong siya lamang ang nakakaalam. Anumang siyentipikong paliwanag ang ibigay kung paano ang isang microscopic cell ay lumaki sa sinapupunan ng isang babae na sa takdang panahon ay isisilang ang maituturing na kamangha-mangha pa rin na sa bawat araw na paglaki ng fetus ay may nagaganap na paglaki ng bawat bahagi ng katawan, na naaayon sa gampanin nito sa isat' isa.

Hindi pa man isinisilang ang isang tao, may nakatakda na siyang tatahaking buhay. Sa pahayag ni San Pablo sa mga taga-Efeso sinasabing "tayo's nilikha sa pamamagitan ni Cristo Hesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa nang mabuti na itinalaga na ng Diyos para sa atin noon pa mang una".

Kayat ang araw ng pagsilang ng tao ay araw ng pasasalamat sa Diyos pagkat pinagkalooban siya ng buhay na Siya lamang ang makapagbibigay. Ang pagkakalikha sa tao ay bunga ng pag-ibig niya at mula sa pag-ibig na ito tayo'y tinawag na mga Anak ng Diyos.

Napakapalad ng tao sa kanyang pagsilang. Malinaw itong binigyan-linaw sa pahayag ni Isaias, ang propeta.

"Kayo'y inaruga ko mula sa inyong pagsilang. Ako ang inyong Diyos. Iningatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya't tungkulin kong kayo ay iligtas." (Is 46:3-4)

Bawat buhay ay mahalaga. Ganap at mabuti pagkat kaloob ito ng Diyos Ama na lumikha ng lahat ng bagay. Ito'y nasasaad sa sulat ni San Pablo sa mga taga=Roma. Itinatangi niya ang tao ng higit sa iba niyang nilalang. Nilikha ang tao na kalarawan niya. Ginawa niyang tagapamahala ang tao ng lahat ng nilikha niya sa Daigdig. (Genesis 1:26)

Upang higit na maunawaan at mapahalagahan ang buhay na kaloob ng Diyos, ang buhay na ito'y marapat na gawing kalugod-lugod, mabuti at banal.

1
$ 0.00

Comments