Batayan ng pagpapahalaga:Natural Law at Divine Moral Law.

0 36
Avatar for rakshata
4 years ago

"Kung wala ang pulis, ang batas-trapiko ay hindi na gaanong pinapansin."

"May pulis nga, may traffic pa rin."

"Paano naman kasi 'yung driver, ayaw maglagay sa pulis, eh yun lang naman ang hinihintay ng pulis. Malas lang nong driver, marami naman traffic violators, hindi lang nahuhuli. "

Sa kasalukuyan, hindi na nga ba uso' yung sumunod sa batas? Ibig bang sabihin nito ang batas ay hindi nakatutulong sa pagkakaroon ng kaayusang panlipunan? Ang sampung utos ng Diyos ay ibinigay kay Moses sa bundok ng Sinai para sa mga Israelita. (Deut. 5:6-21) Hindi naging madali para sa mga taong ito ang pasailalim sa mga kautusan.

Paano nga ba dapat ginagamit ang batas? Gaya ng pahayag ni San Pablo, "ang kautusan ay mabuti kung ginagamit sa wastong paraan." (Tim 1:8)

Makatutulong marahil kung aalamin ang kahulugan ng batas. Ayon sa Summa Theological ni Sto. Tomas, "ang batas ay isang alituntunin ng katwiran na itinakda ng may kakayahan at nasa kapangyarihan alang-alang sa kapakanang panlipunan."

DALAWA ang katangian ng batas: Una, nakaugat ang batas sa isang pananaw, at pangalawa, ito'y nagpapayahag ng mga batayang pagpapahalaga. Halimbawa nito'y, huwag kang magbintang, paggalang sa katotohanan, huwag kang papatay - -ito'y paggalang sa buhay ng tao.

Samantala, ang moral na batas ay nagbibigay ng pamantayan para sa pagpapasya kung paano ang tao ay dapat kumilos. Ito rin ay tumutulong sa moral na pag-unlad ng tao tulad ng paghubog ng budhi. Nagbibigay rin ito ng katatagan at palagiang kaayusan sa buhay ng tao. Hindi dapat ipagkamali ang moral na batas sa legal. Legal ang isang batas kung hindi ito sumasalungat sa alinmang batas pambayan. Malinaw na nasasaad ang mga moral na pamantayan sa Bibliya. Sapagkat ang mga tao sa panahon ni Moises ay labis na sumunod sa vatas o naging legalistic. Ang panlabas na pagsunod sa titik ng batas ay naituwid ng Magandang Balita na ipinangaral ni Hesus.

Ang Natural Law naman ay nagpapahayag ng karunungan ng Diyos sa kanyang nilikha na katangiang-likas ng mga tao. Ito'y kabuuan ng mga karapatan at tungkulin na tuwirang nagmumula sa katangiang-likas ng tao (CCC, 1954-60). Ito'y hindi dapat ipagkamali sa panlipunang pamantayan kaugalian, palagay o batas pambayan. Nakaukit sa budhi ng bawat isa ay batas na likas. Nakasulat sa puso ng tao ang kaayusang niloob ng Diyos sa tao. Ito rin ay may taglay na tuwirang moral na pagpapahalaga at turo na maaaring pangkalahatan patungkol sa lahat ng taong may mabuting kalooban. Sapagkat marami ang nagiging makabatas kailangang tignan ang natural law sa sumusunod na aspeto:

Ang moral na pamumuhay ay nakabatas sa katotohanan at paggawa nang mabuti at hindi bulag na pagsunod sa batas; ito ay makasaysayan at nararanasan, nauukol ito sa katangiang pantao ng pakikipag-ugnayan sa sarili, sa lipunan at sa kanyang pag-unlad. May kaugnayan sa tiyak na katangiang-likas at bunga ng malayang pagkilos at, ito'y pansarili.

Sa kabuuan, masasabing ang natural law ay makatutulong sa tao na gumawa ng mabuti at umiwas sa masama, dahil unibersal ang natural law, hindi nagbabago.

2
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments