Bahala na

7 25
Avatar for rakshata
4 years ago

Dating assistant cook sa isang restaurant si Mang. Tom. Titser ang asawa niyang si Tina sa isang pampublikong paaralan. Sapat sa pangangailangan ng mag-anak ang kita ng mag-asawa. Pagpasok ng 2003, humina ang kita ng restaurant at di nagtagal ay nagsara.

"Bahala na", hindi tayo pababayaan ng Diyos", sabi ng asawa kay Mang. Tom. Narinig ni Jenny ang pag-uusap ng magulang. Naalala niya ang dalawa pang kapatid. Magtatapos ng High school ang sumunod sa kanya. Siya naman ay first year sa College kungsakali. Ang bunso nil'ay nasa Grade IV.

"Kailangan nating tipirin ang nakuha kong separation pay. Pag-isipan natin kung paano natin ito magagamit nang tama", sabi ni Mang Tom.

Minsan nag-uwi ng puto si Tina para sa mga anak. Kumuha si Mang Tom at biglang nasambit, "Ano ba namang puto ito!".

"Bakit?" biglang tanong ni Tina sa asawa.
"Nabubulunan ako at hindi masarap!"
"Itay, bakit hindi ka magluto para sa amin marunong ka naman pala!" sabi ni Jenny.
"Aba, kapag natikman nyo ang puto ko hahanap-hanapin ninyo," biro ni Mang Tom.

Nagluto nga si Mang Tom dahil medyo naparami ang timpla, niluto na niyang lahat at sinabihan ang asawa. "Magdala ka sa school, patikimin mo ang mga kasama mo."

Pagbalik ni Tina mula sa school, tuwang-tuwa siya. "Alam mo puring-puri ang puto mo, sabi ko ikaw ang nagluto, hindi sila naniwala."

Pagkatapos ng isang linggo, may nag-order ng puto sa mga kaguro ni Tina na may birthday. Maraming nasarapan at may nagmungkahi kay Tina na magrasyon sila sa canteen.

Dito na nagsimula ang magandang kapalarang ng mag-anak. Hindi lang isang school ang pinagdadalhan nila. Tulong-tulong ang mag-anak, magaan ang kalooban ng bawat isa. Kaya't halos hindi nila nararamdaman ang pagod.

"Salamat sa Diyos, hindi niya tayo pinababayaan." Sabi ni Mang Tom.



Ang nangyari kay Mang Tom ay nararanasan rin ng iba. Marami sa kanila ay nawalan ng pag-asa, takot at sinisisi sa Diyos ang sinapit na paghihirap. Si Mang Tom, kumapit sa kanyang pananalig sa Diyos na hindi sila pababayaan nito. Ang sinabi niyang "Bahala na" ay isang pagpapaubaya at pagtitiwala sa Diyos Ama na makapangyarihan. Umaasa at hindi natakot.

Sa panahon ng pagkatuto, pag-unawa at pagtanggap sa mga doktrina ng ating pananampalataya, nakakaranas tayo ng lalong pagiging malapit natin sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin at iba pang gawaing nagpapabanal, nakatatanggap tayo ng mga grasya o pagpapala at nagkakaroon ng higit na makahulugang ugnayan sa Diyos. Lalo nating nauunawaan ang kahulugan ng buhay at paano mabuhay sa piling ng iba. Marami pa ang nagtatanong sa tunay na kahulugan ng buhay. May nagtatanong nito kapag nakararanas ang tao ng kahirapan, kalungkutan, paghahanap, kabiguan, at marami pang pagsubok.




Ang naganap na trahedya sa iba't ibang barangay ng Nakar, Infanta, Real, Dingalan, Quezon ay nagpabago ng pananaw sa buhay ng marami lalo ang mga naging survivors. Nalampasan nila ang iba't ibang antas ng kahirapan na kapag binalikan sa alaala ay hindi nila mapaniwalaang nalampasan nila ang pagsubok na iyon. Bagamat may pag-aalinlangan, nangingibabaw pa rin ang pag-asa, tiwala na lahat ay magiging maayos.

Ang pananampalataya ay regalong bigay ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kung pinahahalagahan ang regalo, ito'y inaalagaan, iniingatan. Gayundin ang pananampalataya, inaalagaan ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa salita ng Diyos, panalangin, sakripisyo at paggawa nang mabuti.

Ano ang kahulugan ng pananampalataya? Ito'y maaaring mangahulugan ng pagsuko na hindi ibig sabihin ay hindi ka na mag-iisip o kikilos na parang robot. Ito'y pagsunod tulad ng ginawa ni San Pedro. Maraming beses na inihagis ang lambat ngunit lagi silang bigo, ngunit sinunod nila si Jesus nang sabihing "ihagis muli ang lambat".

Buo ang tiwala ng taong may pananampalataya. Ipapaubaya sa Diyos ang pagkontrol sa pangyayari. Hindi mo ipipilit ang gusto mo. Sina Maria, Joseph, Abraham, Noah, Joshua... lahat sila ay sumunod sa kalooban ng Diyos.

Sa sandali ng ating pagsuko at pagsunod , darating ang sandali na mahahati ang isip sa dalawa: gumawa ng mabuti o gawin ang bagay na hindi kanais-nais. May mga hadlang na gaya ng takot, pride at pagkalito. Ang tao ay may ambisyong ibig abutin, may hangad na patunayang kaya niyang kontrolin ang kanyang buhay. Madalas, nabibigo at saka pa lamang matatanggap na mayroon pa rin kahinaan o limitasyon at hindi perpekto ang tao, pagka't siyay nilalang ng Diyos.

Hindi nakikita o nahihipo ang pananampalataya. Mahirap maunawaan ngunit nakikita ang bunga sa ating kilos, pananalita at pagsasabuhay.

8
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments

Bahala na si batman😂

$ 0.00
4 years ago

maraming salamat sa iyong pagkomento. nakatutuwang mabasa iyan! pagbutihan mo ang paggamit ng website na ito, ito ay libre lang.

$ 0.00
4 years ago

tama :)

$ 0.00
4 years ago

wow :) inspiring

$ 0.00
4 years ago

Inspiring story .

$ 0.00
4 years ago

Tama!kapag ikaw ay marunong manampalataya sa diyos Hindi malayo na ibigay Ang iyong mga hiling,Ang sinumang humiling sa kanya at manampalataya sa kanya ay pinakinggan nya,anumang pagsubok Ang danasin anumang suliranin Ang dumating Kung kaya mong magtiis at mag antay ay nakakatanggap Ng gantimpala galing sa kanya.Lahat Ng problema,suliranin,pagsubok lahat ay may solusyon.......Ang dyos Ang may Alam Ng lahat,lahat Ng Tao sa mundo dumadaan sa mga pagsubok,pagsubok na makakapagbigay Ng maraming kaalaman Kung paano Tayo magiging matatag,tiwala sa dyos,walang imposible sa kanya Basta buo Ang tiwala sa kanya...maraming salamat God bless you guys.

$ 0.00
4 years ago

Wag mawalan ng pananalig sa Diyos. At sa sitwasyong ating kinakaharap ngayon, higit na kailangan natin ang patnubay at mapagpalang kamay niya. Pagalingin niya ang mga mahihina at ang may mga sakit. Siya ang magpapagaling saatin.

$ 0.00
4 years ago