Ang Pag-ibig

3 21
Avatar for rakshata
4 years ago

Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig ay para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting. Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga; kung mayroon man akong lahat ng kaalaman at malaking pananampalataya, anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin.


Ang pag-ibig ay matiyaga at may magandang loob. Hindi nananaghili, nagmamamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa. Hindi ito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-ibig, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas.


1 Cor 13:1-7

6
$ 0.00

Comments

Pag ibig,pag asa at pananampalataya.

$ 0.00
4 years ago

Ang Pag-Ibig ay madalas natin makita ngunit hindi natin ganoon kadalas maramdaman. Marami uri ng Pag-ibig maaari natin itong maipakita sa pagpapahalaga sa bawat isa o kahit kanino man. Ang pag_ibig doesnt define anything it defines everything! Without love we are nothing.. 😁 haizt pag-ibig walang saktong formula ngunit itoy nagbibigay pag-asa.. oh san na ba ako napunta... bunga sgro ng init ng panahon makaligo na nga...

$ 0.00
4 years ago

Pagibig, ito ang nagbubuklod sa tao. Pagibig ang nag uugat ng halos lahat ng bagay.

$ 0.00
4 years ago