Ang Moral na kilos

0 84
Avatar for rakshata
4 years ago

Mapalad ang tao sa lahat ng uri ng nilalang ng Maykapal.
Taglay ng tao ang halos lahat ng katanigang mayroon ang Dakilang Lumikha na wala sa ibang kanyang nilalang.

Malaya ang tao na hindi tulad ng hayop at halaman. May puri at dangal na kawangis ng sa Diyos. May konsensiya para isipin kung ano ang Tama at Mali. May mataas na pag-iisip at moral.

Naiiba nga ang tao sa lahat ng mga nilikha....






Ano ang implikasyon ng mga naganap na pangyayari na naging headline ng halos lahat ng pahayagan sa halos lahat ng bansa? Maging sa sariling bakuran, ang tao ay hindi na rin ligtas sa karahasan.

Ang tao ay nahaharap sa mabilis na pagbabadong nahahanap sa paligid dulot ng teknolohiya. Gaano man kalayo ang pagitan ng dalawang tao ay maaari nang mag-usap na parang magkaharap sa tulong ng computer at cellphone o mag-usap sa pamamagitan ng Internet. Ang cellphone ay parang laruan na lamang ng mga kabataan, kapag sawa na ay papalitan ng mas makabagong modelo. Pati na girlfriend o boyfriend ay para lamang nagpapalit ng damit. Ang ugnayan ng tao ay napapalitan ng maraming paglilibangan ng tao. Gaya ng sinabi ni Lee Atwater sa magazine Life, noong Pebrero 1991, " Maaaring nasa sa iyo ang lahat ng bagay na nais mo ngunit makadarama ka pa rin ng paghahanap". Si Lee Atwater ay dating campaign manager ni President Bush ay nagkasakit ng brain tumor.


"The '80s were about acquiring - acquiring wealth, power, prestige. I know I acquired more wealth, power and prestige than most. But you can acquire all you want and still feel empty. What power wouldn't I pay for a little more time worth my family. What price wouldn't I pay for an evening with friends. It took deadly illness to put me eye to eye with that truth, but is a truth that the country caught up in it's ruthless ambitious and moral decay".

-Lee Atwater's Last Campaign - life feb. 1991





Hindi lang sa lipunang kanluranin nagaganap ang tinutukoy na spiritual vaccum na bunga ng pagkakaroon ng iba't ibang batayan ng pagpapahalaga at moralidad. May mga kilos ang tao noon na parang labis na ang pagkamagalang tulad ng paggamit ng "po" at "opo". Ngayon, halos wala nang gumagawa nito ngunit hindi pa rin maituturing na walang paggalang. Sa dami ng napatunayan ng tao tungkol sa magagawa at malilikha ng kanyang talento at kakayahan, ang pagpapahalaga niya ay maaaring mabigo. Bawat isa'y nagkakaroon ng sariling batayan ng pagpapahalaga, ang dating mali ay nagiging tama sa paglipas ng panahon o wala ng mali at lahat ay tama..


Mula sa aklat ni John F. Kavanaugh, "Still following Christ in a Consumer's Society", binanggit na hindi naman labis ang pagpapahalaga ng tao sa pera kaya halos lahat ng bagay ay binibigyang-halaga kundi wala raw pagpapahalaga na makapipigil sa kanilang pagiging mapaghangad.

Sa pagsulong ng makabagong teknolohiya ay patuloy naman ang tao sa paghahangad ng maraming bagay sa buhay, dahil pinadadali at pinabibilis ng makabagong gadget ang gawain at komunikasyon ng tao. Naiiwan o isinasang-tabi na ang maraming pagpapahalaga na makatutulong sa pag-unlad ng kanyang pagkatao.






Anim ang pangunahing pagpapahalaga ang makatutulong sa mga tao, na mapagbabatayan ng kanyang pagpili at pagpapasya sa buhay. Ang buhay ay pawang pagpili gaya ng paniniwala ng marami kaya't mahalaga na ang kanyang pagpapahalagang moral ay nakabatay sa pagkalahatang katotohanan o universal truth.


Una: Pag-ibig ng Diyos ( Love of God)

Katotohanan na ang pag-ibig ng DIYOS ay nararanasan nating lahat. Una siyang nagmahal sa atin. Pinatunayan ito ng propetang si Jeremias, "Sa simula pa'y iniibig ko na sila at patuloy kong ipinagmamalasakit" (Jer 31:3). Ang pag-ibig ng DIYOS ay walang kondisyon, hindi nang-uuri at lalong tapat. Pinakikinggan niya ng mga aba (Ex. 22.22). Siya'y Amang naghahanap sa naliligaw (Mt 18:10-14). Diyos siyang mapagpatawad (Mt. 18.21-35). Alam niya ang ating mga pangangailangan (Mt 6:8). At higit sa lahat pinatunayan sa atin ang ganap na pagmamahal ng ibigay niya sa atin ang kanyang bugtong na anak upang makamit natin ang buhay na walang hanggan (Jn 3:16). Ang maka-amang pagmamahal sa atin ay ipinahayag sa Isaias 66:13, " Aaliwin kita tulad ng pag-aliw ng ina sa anak". Maraming talinghaga o parabula ang magsasaad ng kabutihang-loob ng Diyos na patunay ng walang hanggang pag-ibig niya sa kanyang nilalang.



Ikalawa: Paggalang sa katotohanan (Love for Truth)

Saklaw ang buong pagkatao natin ng katotohanan. May katotohanan ang ating pag-iisip kapag ito'y naaayon sa tunay na pangyayari at walang mali. Ang katotohanan ng pananalita, kapag nagsasabi nang matapat ang tao ng kanyang iniisip at hindi nagsisinungaling, katotohanan ang ating ginagawa. Kapag ang gawa ay akma o tugma sa sinasabi'y hindi ito nagkukunwari. Ang paggalang sa katotohanan ay higit pa sa pagsasabi ng katotohanan. Ito'y paggalang sa dangal ng kapwa at mabuting pangalan sa pang-araw-araw na pananalita.

Mula sa Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko, ang katotohanan ay natatanging paraan ng "Pag-ibig sa kapwa". Ang makatotohanang pagsaksi ay magmumula sa malasakit sa katarungan. Hindi makatarungan na magsabi ng hindi totoo. Kung iisipin , mabigat at nakapipinsalang epekto ang pagsisinungaling halimbawa na lang ng "tsismis, pagkukunwari at pagpapakitang-tao. Ang madalas na daluyan ng ganitong kasinungalingan ay ang mga 'talk show", pahayagan, magazine at radyo. Alalahanin , ang katotohanan ay saligan ng makataong ugnayan ng mga tao pagkat ito'y nakabatay sa DIYOS - ang pinagmumulan ng katotohanan.




Ikatlo: Paggalang sa kasagraduhan ng buhay ( Respect for Human Life)

Sagrado ang buhay ng tao pagkat ito'y kaloob ng Diyos at ang tao'y ginawang kalarawan ng Diyos (Gn. 9:5-6). Ang Diyos ang nagbigay ng buhay natin kaya "hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao" (Gn. 17:28). Isa pa rin batayan ang utos ng pag-ibig na itinagubilin ni Hesus : "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo (Mt 5:43). At gayundin ang pahaya na: "Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid; at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala sa mamamatay-tao (1 Jn. 3:15).




Ikaapat: Paggalang sa Maykapangyarihan (Respect for Authority)

Walang katahimikan ang bagong pinaghaharian ng mga taong hindi kumikilala sa batas o sa mga maykapanyarihan. Balana nang maisipan ay gagawin dahil iyon ang gusto niya. Mahalagang may pinuno o taong may awtoridad na magbibigay ng huling pasya. Ang isang taong may awtoridad ay may pinanghahawakang kapangyarihan dahil sa posisyon o kakayahan niyang mamahala para sa ikabubuti ng kanyang nasasakupan o pinangangasiwaan. Nangangahulugan ito na siya ang may pananagutan sa mga taong ito. Unang-unang may kapangyarihan sa tao ay ang Diyos, ang Lumikha at Tagapangalaga niya. Matuwid lamang na siya'y igalang. Ang mga magulang na nagsilang at nagpalaki ng mga anak ay may kapangyarihan ring taglay sa pamilya.

Sa isang lipunan, ang mga taong opisyal ng pamahalaan ay maykapangyarihan na pangasiwaan at pasunurin ang mga mamamayan. May kakayahan siyang mapagbuklod, pag-isahin at maimpluwensiya ang karamihan, tumangkilik sa isang layunin at proyektong makabubuti para sa lahat.



Ikalima: Paggalang sa Sekswalidad ng Tao ( Respect for Human Sexuality)

Ang pantaong kasarian ay kaloob ng Diyos sa tao, Mula sa Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko, binibigyang-linaw na ang kasarian ay "kapangyarihang kaloob ng Diyos para sa pag-ibig at pagpaparami na matutunan ang dahan-dahang pagbuo nang buong ganap sa loob ng ating sarili" . Sa kasalukuyan, napakalakas ng impluwensiya ng TV, pelikula, magazine, komiks pagdating sa usaping sekswalidad. Masasabing may moral na kapinsalaan sa pamilya ang mga palabas at lathala na binibigyang-katuruan sa ugnayang-sekswal na hindi naaayon sa itinadhana para sa mag-asawang lalake at babae.

Sa kasalukuyan, binibigyang-kahulugan ang sekswalidad na isang mahalgang aspeto ng kabuuan ng tao na daan ng pakikiugnay niya sa kapwa. Inaasahang tulad ng buhay, ito'y lilinangin nang wasto.




Ikaanim: Mapanagutang Pamamahala sa mga Materyal na Bagay (Responsible Dominion over Material things)

Ang Diyos ang lumikha sa lahat ng bagay. Sa GENESIS, ang pananagutan ng tao ay itinakda na kasabay ng pagkalalang sa kanya. "Lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop (Gen 1:26). Mapanagutan ang pamamahala o pangangasiwa sa lahat ng nilalang ng Diyos ay humihingi ng matatag at matiyagang pag-aasikaso ng tao para ang mundong nilkha para sa atin ay maging kaaya-ayang tirahan. Upang ito'y maganap, sisikapin ng bawat tao na ang kapaligiran ay maging malinis, tahimik at maunlad, hindi sirain o maging dahilan na ang ibang buhay ay madamay. Sa illegal logging, ang kabundukan ay hindi na kaaya-ayang tirahan ng ibon at ibang hayop, ang pagpatay sa kabundukan para pagtayuan ng malalaking gusali o pabrika ay maaaring pagmulan ng polusyon sa hangin at tubig.






------



3
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments