Ang kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos
Diyos Ama nati'y makapangyarihan, lupa't langit kanyang nilalang. Tagapagligtas ng santinakpan, pagibig niya sa ati'y walang hanggan....
Ang buhay ng tao ay sadyang mahirap. Tanging ang Dakilang Lumikha ang nakababatid ng kahiwagaan ng pagkakalikha sa tao.
Ang pagkakawangis ng tao sa Panginoon ay isang batayang nagbibigay katiyakan sa atin mula sa pagkakalalang na tayo'y kukupkupin sa takdang panahon ng ating buhay na kasama sa kanyang kaharian.
Ito ang kasiguruhan ng Diyos sa atin...
"Ama namin" ang unang dalawang salita sa panalanging itinuro ni Hesukristo sa mga disipulo. Ang tawag natin sa kinikilalang Diyos ay Ama o Abba sapagkat siya ang ating manlilikha. Tayo ay kanyang nilikha. "Ang diyos ang lumikha at nagladlad ng kalangitan!"
"Ang Diyos ay marunong na manlilikha". Ipinahayag ito sa aklat ni Isaias, ang propeta ng Jerusalem.
"Sino ang sumulat ng tubig sa dagat sa kanyang palad? Sino ang makasusukat sa lawak ng kalangitan?"
Is.40:12-17
Amen,i like this