May isang mayamang saganang-sagana sa pagkain araw-araw at may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat at nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot ng mumo mula sa hapag ng mayaman. Namatay ang pulubi at dinala ng anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at nagdusa sa Hades. Tumingala ang mayaman at natanaw si Abraham kapiling si Lazaro. Nakiusap ang mayaman kay Abraham na sabihin kay Lazaro na isawsaw ni Lazaro ang dulo ng kanyang daliri, upang palamigin ang kanyang dila dahil naghihirap siya sa apoy. Sinabi ni Abraham na ang mayaman ay nagpasasa noong siya'y nabubuhay at si Lazaro'y nagtiis. Isang bangin ang nasa pagitan ng kinaroroonan ng mayaman at ni Lazaro. Nakiusap na muli ang mayaman na papuntahin si Lazaro sa kanilang bahay pagkat may lima pa siyang kapatid upang sila'y balaan upang di sila magdusa tulad niya. Muling sumagot si Abraham, "Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta. Kung hindi nila pinakinggan ang mga ito, hindi rin nila paniniwalaan ang isang patay na muling nabuhay."
Thank you sa pag share nito 😊