Ang Gintong Buddha

0 14
Avatar for rakshata
4 years ago

Maraming templo sa Bangkok ang napuntahan ng mag-asawang Georgia at Jack Canefield ngunit ang templo ng Golden Buddha ang nag-Iwan sa kanila ng kakaibang impresyon. Lubhang nakakaakit ang Gintong Buddha na may 10 talampakan ang laki at may bigat na isa't kalahating tonelada. Nagkakahalaga ito ng 196 Milyon Dolyar.

Sa isang sulok ng templo, makikita pa rin ang isang eskaparateng salamin na may lamang malaking piraso ng putik na may walong pulgada ang kapal at labindalawang pulgada ang lapad. Sa tabi nito ay may nakasulat na kasaysayan nito. Ayon sa nakasulat taon 1957 nang ang isang monasteryo ay inilipat dahil ang lugar ay bahagi ng bubuksang Highway. Isang malaking Buddha na yari sa putik ang isa sa pinag-iingatang buhatin ngunit dahil sa bigat nito nagkaroon ito ng bitak.

Lalong nag-alala ang matandang monghe nang umulan, kaya't tinakpan ng trapal ang Buddha. Pagsapit ng hatinggabi, muling binisita ang estatwa upang tiyakib na tuyo na ito. Sa tulong ng flashlight 🔦 sinilip ng matanda ang bitak ngunit may napansing kakaibang liwanag na naglalagos dito kaya't kumuha ng martilyo at sinilsil at tiniktik ang bitak. Natambad sa matanda ang isang gintong Buddha nang mabiyak ang tipak ng lupang bumalot dito.

Maraming kasaysayan ang naniwalang ang Goldeb Buddha ay binalutan ng putik nang tangkaing sakupin ng mga Burmese ang mga Siamese. Sa kasamaang-palad, lahat ng monghe ay pinatay kaya't ang lihim nila'y hindi nabunyag.

Tulad ng Buddha na binalutan ng putik, ang tao ay may matigas na panlabas na kaanyuan ngunit sa loob nito'y may "Golden Buddha", isang "Golden Christ" o may ginintuang-puso na mulang pagkabata ay itinago. Gaya ng mga mongheng nakatuklas ng Golden Buddha, marapat tuklasin muli ng tao ang tunay na "kaningningan" ng kanyang totoo at natural na pagkatao. Kailangan niyang makilala ang totoong sarili o real self. Sino siya? Saan siya nagmula? Saan siya patutungo? Magbigay ng sariling halimbawa ng mga itinagong "real self".

3
$ 0.00
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments