Laganap ang kanyang presensya sa bawat nilalang niya. Pinasisikat niya ang araw para sa lahat. Sa sandali ng ating kalungkutan, at kaligayahan madarama ang kanyang presensya, higit sa lahat sa sandali ng ating paghihirap na tanging ang kinakapitan ay ang ating pananampalataya. Totoong mapagmahal ang Diyos. Labis ang kagandahang-loob niya, pagkat mula sa kanya ang ating buhay. Wala siyang hinangad kundi tayo'y mapabuti. Marami nang milagro ang naganap sa buhay ng tao, na di gaanong napapansin, subalit walang ibang makagagawa ng mga di-inaasahang pagdating ng mga biyaya sa tao sa panahong di ito inaasahan. Mahiwaga ang kapangyarihan ng Diyos.
Sa pangyayaring nagaganap sa buhay ng tao, maraming tanong ang di nabibigyan ng sagot ng marami, gaya ng bakit pinapabayaan niyang maghirap ang marami? Bakit niya pinababayaan ang masasamang tao? Walang katapusang bakit na sa bandang huli, ang sagot ay nasa sa atin na rin. Gaya ng sinabi ni Balagtas sa Florante at Laura, "At sino nga kaya ang makatatarok sa mahal mong lihim Diyos na dakila? Walang nangyayari sa balat ng lupa na di may kagalingang iyong ninanasa. "Mahiwaga ang kanyang pamamaraan; pati si Moises ay nabigla nang piliin siyang maging Lider ng mga Israelita, maraming plano ang tao na di natutupad, dahil hindi niya" niloob". Kung ano ang dahilan tanging siya lamang ang nakababatid. Maraming milagro sa buhay ng mga bilanggo at "survivor" ng Holocaust ang naranasan noong unang Digmaan Pandaigdig. Sa kawalang pag-asa ng mga tao sa panahon ng kaguluhan, kalamidad, nadarama ang pagkilos ng kanyang mapagpalang kamay. Sa kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng lihim ng tao'y kanyang nalalaman. Lahat ay alam niya gaya ng isinasaad sa Awit 139 mula sa Bibliya.
Matagal na panahong nagdaan na napakabuti Ng ating puong maykapal sadyang mas madalas nating nakakalimutan Ang lumikha sa ating lahat Lalo na kung Tayo ay naiimpluwensyahan Ng iba at marami pang iba.Napakaraming nangyayari sa ating paligid,dumadami Ang mga magnanakaw,holdaper,manloloko,,Isa lang Naman Ang dahilan Kung bakit ganun sila,dahil nagmahal sila sa pera,dahil Wala din sila tiwala sa kabutihan Ng ating puong maykapal.Simula palang natin sa mundo Tayo ay may kasalanan na,tayong mga Tao Ang may obligasyon sa ating mga sarili Kung paano natin dalhin sa kabutihan Ang buhay natin Ng Hindi maligaw Ng landas ,Tao din Ang dahilan Kung bakit marami tayong katanungan na walang kasagutan,Yan Ang sinasabi nila,tanong ko sagot ko!dahil Tayo Ang may gawa!kahit kailan di natin masasagot Ang mga katanungan na yan Kung di natin Ito nagawa,nagawa mo Yan ikaw din Ang makakasagot Nyan,ikaw Mismo na sarili mo Ang makakapagbigay Ng kasagutan sa mga tanong mo,kaya wag mo itanong sa diyos Kung bakit dinaranas Ang mga problema,sa diyos walang impossible Basta lubos Ang iyong pagtitiwala lahat Ng iyong hiniling ay iyong makamit Hindi mo Yan namamalayan o makikita bigla mo nalang Yan mararamdam na binigay na nya Ang iyong kahilingan,wag mo itanong sa kanya Ang iyong making karanasan bagkus magpasalamat sa kanya dahil sa araw araw mong buhay na may malusog na pangangatawan at gumagalaw ka pa,Kung nakakaranas ka man Ng mga pagsubok Isa lang Ang ibig sabihin Nyan,nakakalimutan mo na sya kaya kailangan lumapit ka sa kanya,Ang manalig sa kanya ay simbolo lang na anak ka Ng puong maykapal dahil sya Ang lumikha sa ating lahat maraming salamat,itoy para sa aking opinyon lang,ingat sa author salamat sa iyong artikulo napakomento ako dito..napakabuti Ng diyos maniwala kayo bigyan natin sya Ng oras walang impossible sa kanya.