Ang Diyos at ang Tao

0 11
Avatar for rakshata
4 years ago

Ang Lumikha ng daigdig ay ang Diyos. Dahil sa kapangyarihan niya, mga kamangha-manghang bagay ay nalikha niya na higit kaysa maiisip ng isang taong siya rin ang Lumikha. Mula pa rin sa awit 104 sa Banal na Aklat pinatutunayan ang maraming bagay na ating nakikita, nalalanghap, nadarama, naririnig sa paligid ay gawa ng Diyos na tagapaglikha. "Sino ba ang Lumikha ng bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos?" (Is. 40:21).

Ang Diyos nating lahat ay ating tagapagkalinga. Ang lahat ng ating pangangailangan ay kanyang ibinibigay. Ito'y malinaw na ipinahayag sa Salmo 23. "Ang Panginoon ang aking Pastol; hindi ako nagkukulang." Kung ang mga ibon at ang mga puno sa kaparangan ay nabubuhay ng walang nag aaruga ay kaniyang pinagpapala, tao pa kaya?

Ang kapangyarihan ng Diyos ay unibersal o pangkalahatan, mapagmahal at mahiwaga. Sa pamamagitan ng taglay na kapangyarihan, napalaya niya ang mga Israelita sa Ehipto. Laganap ang kaniyang biyaya, maging ang kapangyarihan niyang taglay ay di malalampasan gaya ng pahayag. "Ang aking isipan ay di ninyo isipan at nagkaisa ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, ang daa't isip ko'y hindi maaabot ng inyong akala." (Is. 55:8-9)

3
$ 0.00

Comments