Ang Buhay na ipinagkaloob sa atin.

0 14
Avatar for rakshata
4 years ago

Hindi kailangang maging mayaman upang ang buhay na kaloob ay totoong maging mbuti at ganap. Palaging isaisip na hindi aksidente ang pagkalalang sa tao. Mahirap matarok ang kanyang pamamaraan, ngunit ang mahalaga, mabigyang halaga ang ginawa niya para sa tao.

Simple lang ang buhay na ibinigay sa tao. Kung naging masalimuot o kumplikado ito, tao ang lumikha nito. Tao ang nagtatakda ng mga alituntunin kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya kaya't madalas marinig ang mga ganitong pahayag:

"kasalanan ko ito. Wala na akong ginawang tama."

"bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko?"

"Dapat hindi ko ginawa iyon.."

Ang Diyos bilang manlilikha ay may kaayusan. Inihanda niya ang lahat para sa pangangailangan ng tao pati na ang wastong pakikipamuhay na nakapaloob sa kautusang "Ibigin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Ayon kay San Pablo, "ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't pag-ibig ang kabuuan ng kautusan. "

May pananagutan ang bawat nilalang na hindi lamang pangalagaan ang sariling kalusugan, may tungkulin siya na ang buhay na kaloob ng Diyos ay gugulin nang naaayon sa ikalulugod ng niya.

1
$ 0.00

Comments