May isang ama na ang isa sa dalawang anak ay humingi ng kanyang mana. Umalis ito at walang ginawa kundi aksayahin ang perang nakuha sa ama. Nang dumaranas na siya ng labis na paghihirap at halos wala nang makain naalala niya ang kasaganaan sa pagkain sa piling ng ama.
Nagbalik siya sa kanila na labis na ikinatuwa ng ama. Dali-daling pinabihisan niya ng magarang kasuotan ang nagbalik na anak. Binigyan ng sapin sa paa at singsing, simbolo ng muling pagtanggap sa kanya bilang miyembro ng pamilya.
Ang Diyos ay tulad ng ama sa parabula, Mapagpatawad.
Isang malaking salu-salo ang ipinahanda para sa pagbabalik ng anak. Nangibabaw ang pagmamahal sa anak, pagmamahal na may kalakip na habag.
Batay sa Matandang Tipan, nang mawala nang matagal si Moses, umakyat siya sa Bundok ng Sinai, gumawa ng huwad na diyus-diyusan ang mga Israelita. Nawalan sila ng tiwala sa Diyos. Hindi pa rin sila pinabayaan, naging totoo siya sa kanyang pangako.
Sa kasalukuyan, dahil marami na sa makabagong tao ang may "Hurry sickness", mabilis kumilos, kumain at magsalita. Wala nang panahong mag-reflect, mag-relax at lalong nakalilimot na magmuni-muni at magpasalamat sa mga tinatanggap na biyaya mula sa kagandahang-loob ng kanyang Manlilikha.
0
122