May isang propesyonal na labis na nahihirapan, nagagalit at nakadarama ng kasiphayuan sa nangyayari sa kanyang kapaligiran. Nang di na siya makatagal, pumunta siya sa adoration chapel at dito ibinulalas ng nadaramng damdamin. "Kahit saan ko ibaling ang aking paningin wala akong nakikita kundi paghihirap at pagdurusa ng tao. Hindi ka ba nag-aalala, marami na ang nagugutom, inaabuso, napapabayaan?"
Matagal siyang nanatili sa gayong damdamin hanggang makaramdam na siya ng kapaguran. Kaya sinabi niya. "Panginoon, umaasa akong bibigyan mo ng kalutasan ang lahat ng ito."
Sa kaibuturan ng puso ng lalaki, narinig niya ang isang tinig ng nagsabing, "mayroon na akong akong nagawa, ikaw."
Fr. Albert Bernal SSP, Mula sa Sambuhay, Feb. 6, 2005
Tahasan ang paninisi at paghahanap sa Diyos, ngunit ang kasagutan ay isang palaisipan. Maaaring ang karugtong ng sagot sa propesyonal ay : Ikaw, ano na ba ang nagawa mo para maibsan ang paghihirap ng tao?
Mula sa si;at mo Santiago, ipinahahayag ay ganito: " Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa." (San. 2:14)
Hinihingi sa atin ay "pagkilos" ng pananampalataya sa pamamagitan ng mapagmahal na paglilingkod sa mga nangangailangang kapatid. Pananagutan ng bawat isa na makilahok sa gawaing pangkatarungan, pagtatanggol, pangangalaga sa mga nasa panganib sa kapaligiran, kaya't nang lalangin ang tao, may iniatang ng pananagutan sa kanya : maging bahagi sa paglikha, hindi sa pagkitil o pagsira.
Ang buong buhay ng tao'y isang paglalakbay. Sa pagdaan ng panahon, may pinagdaraanan siyang mga karanasan. Isa na rito ang "pagkawala" o kawalan. Napapawalay siya sa mahal sa buhay, minsan siya ang lumalayo at nakararanas siya ng "paghahanap", nalilito at kung minsa'y may kakambal na takot. Sa ganitong kalagayan, iba't iba ang pamamaraan ng tao sa pagharap sa sitwasyon. Marami ay nahahatak na "lumayo" o magbago ng relihiyon. Para sa taong ito, hindi ganap ang paniniwalang natamo niya. Iba nama'y "namatay" ang pananampalataya sa panahon ng paghahanap. Karaniwan sa mga aktibistang nakikipaglaban para sa katarungan ay may kakaunting panahon naibibigay para sa panalangin at pagsamba. May sumasapi sa kilusang karismatiko na di na rin nagsisimba. Ang fundamentalist ay naniniwalang si Jesus ang Tgapagligtas ngunit di matanggap ang sinasabi ng malawakang pagmamalasakit pagkat literal ang pakahulugan.
itutuloy .........
0
15