Batay sa depinisyong ibinigay ng New Webster Dictionary, ang relihiyon ay kabuuan ng sistema ng paniniwala, pagsamba at pagpapahayag ng pagtanggap ng tao na may Diyos na Tgapaglikha. Marami ang relihiyong lumalaganap, iba't iba rin ang paraan ng pagsamba ayon na rin sa aral at alituntunin. Sa mga taong " hinipo ng Panginoon", tanggap nilang daan ang relihiyon o pananampalataya patungo sa pagkakamit ng kaligtasan na para sa marami ay nagkakaroon ng kahulugan ang buhay nila.
Ayon kay San Agustin, may tatlong katanungan tungkol sa buhay, ang bawat tao kaugnay ng pananampalataya. Una, ano ang maaari kong malaman? Pangalawa, ano ang dapat kong gawin. Pangatlo, ano ang aking maaasahan?
Sapat na ba ang kaalaman mo tungkol sa Diyos na kinikilala mong tagapagligtas? Ano ana ang nagawa mo upang mapagyaman ang iyong pananampalataya? Gaano kahalaga ito sa pang araw-araw na pamumuhay?
Ang pagtatamo ng kaalaman sa paniniwala ng ibang relihiyon ay makatutulong sa higit na pag-unawa sa kahulugan ng buhay.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga relihiyon at pilosopiyang mapagbabatayan ng pagkilala sa pagpapahalaga at kabutihang-asal:
Hinduismo
Itinuturing na pinakamatandang relihiyon sa India na itinatag ng mga Indo-Asia. May kinikilalang tatlong Diyos ang mga Hindus: Brahma o Tagapaglikha o One Spirit. Visnu, ang tagapangalaga. At Siva, ang tagapagwasak.
Mga paniniwala:
a. Ang buhay ay pansamantala lamang.
b. Naniniwala sa reinkarnasyon, transmigrasyon at karma.
c. Kaligtasan at matatamo sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aaral at mabuting pakikipag-ugnayan.
2. Budismo
Itinatag ni Siddhara Gautama sa India. Anak ng isang raha, nakapag-asawa at nagkaanak sa gulang na tatlumpo. Si Gautama ay naghanap ng kasagutan sa paghihirap, sakit at pamimighati ng tao. Iniwan ang marangyang buhay sa palasyo at sa loob ng pitong taon ay nanatili sa kagubatan. Sa kabila ng dinanas na pagtitiis ay di pa rin nakadama ng kaligayahan at kapayapaan. Pagkatapos ng pananatili sa ilalim ng isang puno, nagkaroon ng pang-unawa sa kahulugan ng buhay at kamatayan. Ayon sa kanya, ang kaligtasan ay matatamo ng tao sa pamamagitan ng pag-unawa at pananalig sa apat na Dakilang katotohanan (noble truth);
a. Ang buhay ay puno ng kahirapan at sakripisyo.
b Ang kahirapan ay bunga ng kanyang makasariling pagnanasa.
c. Ang kahirapan ay mawawakasan kung mapipigil ang mga sariling pagnanasa.
d. Ang Nirvana ay mararating sa pamamagitan ng "Eightfold Path" - wastong paniniwala, kilos, pananalita, damdamin, pagninilay, paraan ng pamumuhay at pagsisikap.
3. Confucianism
Itinatag ni Confucius, pinakadakilang pilosopo ng Tsina sa loob ng 2,000 taon, ang kanyang mga aral ay naging batas ng bansa at sinamba siyang parang Diyos. Ang mga aral niya ay dapat maging modelo ng mga nakaugaliang paggalang sa pamilya na ayon sa paniniwala niya ay dapat maging modelo ng sa wastong pakikipag-ugnayan. Ilan sa katangian at aral nito ay:
a. Upang maging maligaya, binigyan-diin ang pagsunod sa Golden Rule - Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin din sa iyo.
b. Upang matamo ang karunungan, kabutihan, pagkakaisa - ang tao'y kailangang mapagsiyasat.
c. Itinuturo na hindi lamang pansariling kapakanan ang pauunlarin, kundi pati ang sa kanyang kapwa.
4. Taoismo
Ang pilosopiyang ipinangaral ni Lao Tze ng Tsina. Taoismo o Daoism - salitang Intsik na mula sa tao o Dao na ang ibig sabihin ay The Way o ang daan. Kung sa confucianism, ang buhay ay dapat may tiyak na alituntuning sinusunod, sa Taoismo binibigyang-diin ay kapayakan sa pamumuhay.
5. Islam
Itinatag ni Mohammad sa Mecca, Saudi Arabia. Tinatawag nila ang kinikilalang nag-iisang Diyos na Allah. Ayon kay Mohammad, siya ang naatasang tagapaghatid ng mga aral sa mga PAGANO. Koran o Quran ang Banal na Aklat sa kinapapalooban ng mga paniniwala ng Islam gaya ng pagpapahayag ni Allah kay Mohammad. Nakapaloob pa rin sa Koran ang limang pangunahing tungkulin ng bawat muslim at ang mga alituntunin na dapat maging gabay sa kanilang moral at panlipunang pamumuhay.
Mosque ang tawag sa bahay-dalanginan at tuwing tanghali ng Biyernes ay araw na sila'y sumasamba na pinamumunuan ng Imam. Sa limang ulit na panalangin, ang muslim ay nakaharap sa siyudad ng Mecca na itinuturing na banal na siyudad. Hindi sila sumasamba sa mga bagay-bagay o imahen ng hayop o tao.
6.Kristiyanismo
Ang tagapagtatag ay si Kristo sa Israel. Ang mga aral ay nakapaloob sa Sampung Utos ng Diyos na unang inihayag kay Moises. Nahahati sa dalawa ang sampung utos: Pag-ibig sa Diyos at Pag-ibig sa kapwa.
Ang mga Kristiyano ay naniniwala sa:
a. Ama na nasa langit, kay Hesukristo na banal na anak na nagkatawang-tao, at ang Espiritu Santo.
b. May dalawang pangunahing paraan ng pagsasabuhay sa kapwa:
Una, pagkawang-gawang pangkatawan (corporal act of mercy),
at pangkaluluwa ( spiritual act of mercy)
Ikalawa, moral na kabutihang-asal; dito nakapaloob ang apat na pangunahing kabutihang-asal (cardinal virtues) gaya ng kahinahunan, katarungan, katatagan ng loob at pagtitimpi. Kasama na dito ang tatlong teolohikal na kabutihang-asal gaya ng pananampalataya, pag-ibig at pag-asa.
Ang paghahanap ng kasagutan at kalutasan sa mga suliraning nararanasan sa buhay ay hindi sa pamamagitan ng pagpapalit ng relihiyon, higit na makabubuti kung ito'y aalamin, uunawain at isasabuhay.
Ibat iba man Ang relihiyon na ating nakagisnan dito sa mundo,paniniwala,o Kung ano pa man yan para sa akin,kahit ano pa Ang iyong pinaniniwalaan Kung Ang iyong pakay ay kabutihan at Hindi kasalanan ay maayos mo maitataguyod Ang iyong buhay sa mundo,iisa lang Naman Ang sinasamba natin Ang dyos na may likha sa ating lahat.Binigyan Ng maraming pangalan Ng ibat ibang relihiyon pero iisa lang Ang kahulugan,kundi Ang ating amang makapangyarihan na so (Jesus Kristi)na may likha sa ating lahat.