Ang sarap mamuhay ng tahimik at simple sa buhay kasama ang pamilya. Ang ama mo, ina at mga kapatid. Kami ay tatlong magkakapatid at ako ang pangalawa nag-iisang babae kaya naman mas malapit ako sa papa ko.
Napapansin nyo kapag ang isang anak na babae ay malapitin sa kanyang ama?. At totoo po iyon kasi mismo po ako ay malapitin talaga sa aking ama hindi sa aking ina. Mas gusto kong kasama ang aking ama lalo na pag umuwi na sya galing sa kanyang trabaho maghapon.Sinasalubong ko talaga si Papa kasi namimiss ko sya. Ang aking ina naman ay nasa bahay lamang at nag-aalaga sa amin.
Kapag pinagalitan ako ng aking ina , agad naman akong kinakalinga ang aking papa na sana wag ng ulitin kung nagkamali man ako kaya nagalit ang aking nanay.
Kaya naman nuong nagka sakit si papa, gumunaw ang mundo ko. Hindi ko maipaliwag nung marinig ko ang nangyari sa aking ama nung bigla nalang sya syang nag collapsed sa labas ng aming bahay habang yung mama namin ay naglalaba sa likod mga bandang alas 2:00 ng hapon.
Nuong panahon na iyon ay nasa paaralan ako. May tumawag sa phone ko at nakapagsabi na dinala ang aking ama sa ospital. Dali-dali akong umalis at pumunta sa ospital na pinagdalhan nya.Naabutan ko na walang malay si papa at sabi ng doctor ay nasa kritikal ang aking ama na nagkaroon ng mild stroke.
Tatlong araw ng nagising aking ama pero malungkot na malalaman nya na hindi na nya maigalaw ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan. Ito ay sanhi ng pagka stroke na namay ugat na pumutok sa kabilang utak kaya ito ay bumara sa ugat nya kaya ang resulta sa kabilang bahagi ng katawan ay di niya maigalaw.
Isang linggo, kalahating buwan at mahigit isang buwan namalagi kami sa ospital para magbantay kay papa. Pagkatapos ng pag aaral ko maghapon ay uuwi nalang ako diretso sa hospital at doon na magbabantay pag gabi. May oras kaming magkakapatid na magbabantay kay papa habang si mama ay nagpapahinga skasi sa maghapon pagbabantay kapag pumasok na kami sa paaralan.
Isang buwan ng nakaalis ang papa ko sa ospital dahil kung magpapatuloy pa kami ay malaki na ang aming babayaran. Nang magkasakit na aking papa ,si mama na lahat ang gumawa sa pang araw -araw na pamumuhay namin. Kahit anong trabaho inako na ni mama para lang ako makatapos ng pag-aaral kaming tatlong magkapatid.
Pero sa hirap ng buhay, ako lang ang nakapagtapos ng pag-aaral at ang dalawa kong magkapatid ay nahinto. Hindi na kasi kaya ni mama na suportahan kaming tatlo. Kaya nung nakapagtapos ako ng pag-aaral ay humanap ako ng trabaho at salamang sa Diyos nakahanap ako nakatulong ako sa mama ko.
Nakaratay lang sa higaan si papa kung gusto niyang lumabas ng bahay ay isasakay lang lang namin sya sa kanyang wheelchair. Nakapagsalita si papa pero iba sa nuong hindi pa siya nagkakasakit.
Kahit anong pilit mong alagaan ang isang tao kung oras na po talaga na kunin siya ng Maykapal ay wala kanang magagawa pa. Itong buwan mismo ng Oktubre ay ala-ala ng papa ko. Ang buwan na ito ay namatay si papa. Masakit pero tinggap ko ng buong -buo dahil mahaba na ang pinagdaraanan ni papa.
Closing thoughts!
Mahalin po natin ang mga magulang natin dahil hindi po madali ang mawalan ka ng mahal sa buhay lalo na ang pinakamalapit sa iyo dahil sila lang ang handang makaintindi sa atin kung ano ang nararamdaman mo.
leadimage@unsplash
Yun papa ko nawala samin NG Aug 7, 2017. Mahirap tanggapin pero ganun talaga, mabubuhay tayo na kasama ang sakit na Di sila kapiling