Tayo ay magtanim

0 3

Hi guys! Kamusta kayo. Share ko lang sa inyo tong mga pananim namin ng asawa ko. Nag-umpisa kaming magtanim nung naglockdown. Actually ideya ito ng aking misis. Gustong gusto nya magtanim kami . Syempre di kami nag-eexpect na mabubuhay agad kasi sabi ng lola ko kailangan daw green thumb ata yun.

Basta di ko kasi alam kung tama ba yung nasabi ko dito. Correct nyo nalang po kung mali.

So ayun bago kami magtanim may mga halaman na ding nakatanim dun sa bakuran namin gaya nung talbos ng kamote at dragonfruit.

Dragonfruit daw po ito

Ang mga dinagdag lang namin dun ay bellpepper, monggo,kangkong, ampalaya, alugbati at okra.

Medyo madami ho ba ? Marami ho kasing bakanteng paso dito kaya gusto namin lahat ng bakante eh malagyan kasi sayang naman ho diba.

Una po eh yung monggo. Di pa po ito namumunga pero okay naman po sya. Di pa sya namamatay. Sabi po kasi dun sa napanood namin two months daw ho bago mamunga ang monggo. So parang nakaka one month pa lang po kami.

Monggo

Pangalawa po naming tinanim ay yung kangkong. At until now naman po eh buhay sya. Madami na rin ho syang mga dahon.

Pangatlo po eh yung alugbati. Nakakatuwa kasi ang ganda ng pagtubo nya.

Pang-apat po eh yung ampalaya. Naghagis lang po kami nung buto nun sa lupa tapos makalipas ang ilang araw eh may tumubo na po agad at ngayon ay malago na din. Pero di pa din ho ito namumunga.

Panglima naman po ay yung bellpepper. Maliit pa lang ho sya ngayon. Di po namin alam kung mabubuhay po ba sya. Pero sana ho mabuhay kasi sayang din naman po.

Pang-anim po ay ang okra. Kakatanim lang po namin two days ago pero nakakatuwa kasi may mga sumibol na sa kanya.

May tanim din po pala ang lola ko na aloe vera tapos naglipat lang po kami sa ibang paso kasi punong puno na po dati nitong paso. Naglipat kami nung mga maliliit pa at nakakatuwa kasi dumadami na po sila ngayon.

May gusto pa po kaming idagdag na pananim. Balak namin magtanim ng sitaw kasi may nagbigay po sa amin ng buto nito. Tapos dadagdagan pa namin ng kalamansi at kung ano pa po ang maisip naming mag-asawa.

Kayo po pwede rin ho kayong sumubok magtanim. Nakakawala din po ng stress at nakakaexcite. Pansin nyo po ba na puro gumagapang na halaman ang naitanim namin? Kami din po ngayon lang namin napagtanto.

Yung mga alugbati po pala at kangkong ay hindi sya buto. Kundi yung mga nabibili natin sa palengke na lulutuin na. Yung mga tangkay po nun ang aming itinanim. Nanuod lang ho kami kung paano at ayun okay naman po sya.

Yun lamang po ang share ko ngayon. Maraming salamat po sa pagbabasa. Ingat po tayo parati.

1
$ 0.00

Comments

wow sir hehe dami niyong pwedeng makain dyan hehe pahingi naman po ng lupa sir hehe tska ng aloie vera sir itatanim ko din po dito sa amin hehe

$ 0.00
4 years ago

Hehe taga saan ka po ba maam? Yung lupa po maam wala na pong sobra eh. Pero yung aloe vera naman marami pa.

$ 0.00
4 years ago

sa marikina po ako sir hehehehe larang malayo po kayo sir eh hehe

$ 0.00
4 years ago