Bilang isang bansang demokratiko,
bawat Pilipino ay may karapatang pinanghahawakan at pinaniniwalaan –
karapatang nagbibigay lakas ng loob upang mamuhay ng mapayapa
sa isang bansang puno ng magkakaibang problemang sosyalidad
Hindi lingid sa bawat tao ang karahasang nangyayari sa bawat sulok ng bansang ito.
Yung tipong hindi ka makakalabas ng bahay ng hindi iniinda ang panganib na dala
ng bawat segundong lilipas na sila ay nasa labas ng kanilang bahay.
Konting kaluskos, konting kahina-hinala, tayo ay natatakot.
Oo, mayroon tayong mga karapatan, subalit,
ilang porsyento tayo nakakasiguro na lahat ay magiging patas
at bawat katarungang hinihinaing ng isang tao ay mapagbibigyan?
Napakababa ng ating seguridad pagdating sa ating mga karapatan.
KARAPATANG MABUHAY.
Bawat tao ay may karapatang mabuhay
at walang sinuman ang may karapatan para bawiin ang buhay ng isang tao.
Subalit, bakit? Bakit may mga pagkitil sa mga inosente?
Iba ibang paraan ng hindi makatarungang pagpatay?
Ganito ba ang pagkamit ng karapatang mabuhay?
KARAPATANG MAKAPAG-ARAL.
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”
mga salitang namutawi sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
Oo, nakakapag-aral ang karamihan,
subalit paano naman ang walang kakayahan?
Mga batang sa lansangan lumaki at walang pag-aarugang natatanggap mula sa mga
nakaupo sa kanilang mga upuan.
Mga batang inaalila ng sariling mga magulang.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ito masolusyunan ng pamahalaan.
Ganito ba ang pagkamit ng karapatang makapag-aral?
KARAPATANG MAGKAROON NG MAAYOS NA TIRAHAN.
Madaming bata ngayon ang halos sa lansangan na lumaki at nanirahan –
walang maayos na higaan, walang bubong sa tag-init at tag-ulan,
walang pagkaing bubusog sa kanilang tiyan, walang buhay.
Batid ko ang hirap ng buhay sa panahon ngayon
subalit hindi ba dapat ay responsibilidad ng bawat magulang
na bigyan ang kanilang mga anak ng maayos na tirahan?
Bilang isa sa pinakapangunahing pangangailangan ng isang bata.
Ganito ba ang pagkamit ng karapatang magkaroon ng maayos na tirahan?
KAPARATANG MAGPAHAYAG NG SARILING DAMDAMIN.
Sa dami ng nangyayari sa mundo,
hindi maiwasan ng tao na magbigay opinyon hinggil sa isang napapanahong isyu,
subalit bakit?
Bakit sa tuwing ibinubuka natin ang ating bibig,
kaakibat ay pangbabatikos o pangbabastos?
Hindi tayo nabibigyan ng karapatan upang ating masabi an gating saloobin or opinyon.
Ganito ba ang pagkamit ng karapatang magpahayag ng sariling damdamin?
KARAPATAN LABAN SA PANG-AABUSO.
Child abuse ay isang sa pinakasuliranin sa panahon ngayon.
Mga walang kaalam-alam na bata ay nakakatanggap ng mararahas na dampi
mula sa isang mabigat na kamay,
mga batang palo at mura ang natatanggap araw-araw,
at mga batang iyak at pighati lamang ang tanging alam na gawin.
Ganito ba ang pagkamit ng karapatan laban sa pang-aabuso?
Ano na ang nangyayari sa mundo?
Hanggang papel na lamang ba ang karapatan ng isang Pilipino?
Hanggang pirma na lang?
Hanggang salita na lang?
Bigyan ng boses ang bawat Pilipino.
Bigyan ng tunay na karapatan.
Iparamdam at isakilos ang bawat batas na isinasatupad.
Bigyan ng kalayaan na makamtan ang karapatan.
Huwag ipagdamot ang dapat na makamit ng isang Pilipino.
Subalit,
lagi din nating pakakantandaan na sa bawat karapatan
ay may kaakibat itong PANANAGUTAN.
Hindi natin dapat abusuhin ang bawat karapatang ating nakakamit.
Bawat bagay ay may limitasyon.
Bawat karapatan ay isalugar at panindigan