[POV] Dapit Hapon: The End of a New Beginning

0 8
Avatar for noisytoothie
2 years ago

Dapit hapon (The end for a new beginning)

Sa tuwing ako'y napapadpad sa aking mga naisulat

Larawan mo'y kusang lumulutang, tila ba sirang plakang naka ambang

Sa aking pagligpit, at sa planong kalimutan ka

Iyong mga salita'y sa akin wala ng saysay

Alam kong sa huli kong pakikipag usap saiyo

Magpupumilit ka na ituloy and dating TAYO

Magpapaka anghel sa harapan ko't magbabalak ng panibagong delubyo

Na siyang sisira sa anumang natitira sa anyo ko

Sa aking pag alis sana matutunan mo kung gaano kasakit

Mga pagmamahal mo na tila ba'y puno ng galit at pait

Nang nakaraang ni minsay di ko mawari

Kung ako ba ang sanhi o mga maling desisyong iyong nais maituwid

Paalam sa mga alaalang unti unti ng naglalaho

Nang dahil saiyo ubos na ang luhang nakatago

Tanging kasiyahan ang natira sa puso

Hanggang sa muli, huwag ka ng babalik sa piling ko


May the poem I wrote restore your peace and sanity. I only wish you happiness, but with a twist. I hope you learned your lesson from the situation we were in. Our fate is such that no matter what we do, it always ends in a chaotic ending that we never expected.

I will be eternally grateful for all of your love and support. And I'm hoping that by this time, you'll be able to let me go and enjoy what I've earned.

Sunset is the beginning of something new. It's beautiful isn't it?

2
$ 0.37
$ 0.37 from @TheRandomRewarder
Avatar for noisytoothie
2 years ago

Comments