Bakit?

5 43
Avatar for noisytoothie
3 years ago

"Kung ang edukasyon ang susi sa kahirapan, bakit ang mga edukado ang nagnanakaw sa kaban ng bayan?"

Ito pa ba ang bayang aking sinilangan?

Bayang, simula musmus pa, akin ng tinirhan?

Humubog sa aking munting kaisipan?

Ngunit bakit parang may konting bara sa aking lalamunan?

Mula sa araw na ako'y nangangapa

Hanggang sa panahong ako'y lumalaki na

Munting isipan, tila lumalawak na

Nagigising sa katotohanan, kaya nga ba?

Iba't ibang isyu, paroo't parito

Koraspyon at diskriminasyon sa publiko

Ano na nga ba ang hinaharap ko?

Bayan pa ba, or isa nalang na imahenismo?

Kahirapan, korapsyon, droga, illegal na gawain, at iba pa. Hindi na lingid sa ating musmus na kaisipan ang ganitong kaganapan sa ating bansa. Kung sino pa ang may pinag-aralan, sila pa ang nanggaganyan at kung sino pa ang may nasa posisyon, sila pa ang nang-aapak ng dignidad at pagkatao ng kanilang kinasasakupan.

Diskriminasyon, pang-aalipin, panghuhusga, at pangdedehado. Nakakalungkot isipin na kung sino ang namumuno, sila ang gumagawa ng mga ganitong bagay. Hindi pa ako sa sarili ko nakakaranas ng ganitong sitwasyon, subali't madami akong nababasa at nakikita sa mga social networking sites.

Kawalan ng katarungan. Nakarinig na ba kayo or nakaranas ng minsang maakusahan kahit hindi ikaw ang gumawa ng kasalanan subalit ikaw pa rin ang naparusahan? PERA ANG HUSTISYA ngayon. Basta may pera ka, basta nasa posisyon ka, LIGTAS ka.


Magandang hapon ka read.cash fam. I was inspired to do this topic because of a priest's homily last Sunday. Ito na yung mapait na katotohanan sa ngayon.

PS. All my contents are my own personal opinion.

4
$ 0.38
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
$ 0.04 from @bheng620
Avatar for noisytoothie
3 years ago

Comments

Everyone's entitled to his or her opinion po so don't worry 'bout it po plus here in the Philippines po since we r on a democracy, we got a freedom of speech po though u still needs to choose n use your words wisely po

$ 0.00
3 years ago

Yes po, hehe That's what I'm afraid of. Baka may masabi akong hindi maganda hahaha

$ 0.00
3 years ago

Think twice nlng po before u speak po to be safe po

$ 0.00
3 years ago

yes po Ate <3

$ 0.00
3 years ago

Opo 😊

$ 0.00
3 years ago