Lugaw with egg mga kaingay para sa almusal. May natirang lugaw sa niluto ko noong Isang Araw at Nakita ko ito sa ref kanina habang nag iisip kung ano Ang lulutuin para sa almusal, ininit ko Yung lugaw saka ako naglaga ng itlog, Wala na kasing manok na sahog naubos na at puro lugaw lang Ang natira. Tara mga kaingay kain Tayo partneran natin ng kape. Magandang Umaga!!! Mapagpalang Araw ng Linggo sa ating lahat....
2 comments
Timing yan malamig na umaga. Sarap naman yan mga anak ko gusto nila yan
dito din po sa Amin nagrerequest po sila na magluto ako pag gusto nila kumain niyan.