maganda ang sikat ng araw ngayon, maganda ring maglaba at madali makatuyo ng labada. Have a great day ahead noisers....
@nessie in October 2021
Mainit na Naman ang panahon, tapos mamaya bigla na namang bubuhos Ang ulan. Nakatuyo na nga ako ng nilabhan ko kanina, kasi sobrang init dito sa among Lugar. Ingat po sa mga lalabas ng bahay magbaon ng payong dahil masakit sa balat Ang sikat ng araw. Tapos mamaya bigla namang bubuhos Ang ulan. ingat po....
Nagising ng may ngiti sa mga labi, paglabas ng silid tulugan ay nakitang malinis at maayos Ang bahay , may nakaayos na masarap na almusal at nakasampay na mga labada. Ayyy, panaginip lang Pala hahaha..... bangon na at umpisahan na Ang gawaing bahay. Good morning everyone!!!! Have a great weekend ahead....
Antok na Ang lola, aga ako tutulog ngayon. Di kasi nakapag power nap kaninang hapon at may nagpipintura dito sa bahay. pakiramdam ko pagod ako, hindi Naman ako Ang nagpintura kanina. goodnight noisers!!!
Gandang morning mga kanoise. Nag aabang ako ng potpot na naglalako ng pandesal, para sa aming almusal. Request ni hubby ay liver spread Naman daw Ang ipalaman sa pandesal. Blessed Sunday everyone!!!! Have a nice day.......
Ang Bagong alagang halaman sa rooftop,kalabasa. sana maging malago, mausbong at mabunga Ang tanim naming kalabasa, sarap ng usbong at bulaklak niyan.
Gandang gabi mga kaingay, kakatapos lang naming kumain ng hapunan. Pahinga lang ng kaunti at maghuhugas Naman ng pinagkainan, yun lang Ang disadvantage ng walang anak na babae, sa akin lahat ng gawaing bahay, pero Sabi ko nga mag kakaanak din ako ng babae pag nag Asawa na Ang anak ko. Advise ko lang sa mga anak ko magtapos muna ng pag aaral at maghanap ng maayos na trabaho saka sila mag Asawa. Mababait Naman mga anak ko, Wala pasaway sa kanila kahit puro lalaki sila.
Umagang kay-ulan mga kanoise, unli dilig ng halaman, happy at masigla na Naman sila. Sa mga lalabas ng bahay magdala po Tayo ng payong. Keep safe and stay healthy noisers.... Have a nice day....
Gandang gabi po.... Hapunan na po.... ulam namin ay Yung natira kaninang tanghalian, tipid tipid mode po, tinamad na din kasi magluto. Happy eating po.....
Sumilip ako sa bintana pagkagising ko, madilim pa sa labas, usually kasi maliwanag na pag pagbumabangon ako, medyo nanibago lang. Napaaga ang bangon ni inday. peprapare na Rin ng almusal at may periodical test si bunso, para makakain Bago mag exam. Good morning everyone!!! Have a nice day ahead......
almusal Tayo mga kanoise, aga ng almusal namin, 7 am kasi sched ni bunso kaya sasabayan na namin ni hubby kumain. Ang itlog at dilis bow..... favorite yan ng family sa almusal kaya madalas magluto ng ganyan sa Umaga he he he.....
Nagpunta ng palengke, Napagod, Hindi nakapagluto, kaya bumili na Lang ng lutong ulam sa karinderya. Tayo nang mananghalian mga kanoise, then pahinga pagkatapos kumain.
Maulang hapon mga kaingay, lamig ng panahon, nakakatamad kumilos sarap mamaluktot sa bed. Maya Maya na ako babangon, namnamin ko muna ang lamig ng panahon, para pagbangon ko diretso prepare na ng hapunan he he he. good afternoon noisers.
Habang nasa grocery ako kahapon napansin ko Ang Isang tsinelas na nakayellow tag, aba at more than half the price Ang discount, kinuha at binili ko para sa sarili ko. Pag uwi ko sa bahay nagcheck ako sa shoppee kung magkano ang ganoong klase ng tsinelas. Laki Pala ng natipid ko. Good morning everyone!!!
may nabili ako kahapon sa palengke na tawilis, boneless na. Piprituhin ko siya, lalagyan ng asin, paminta at arina para maging malutong Ang pagkaprito. Yan Ang uulamin namin para sa pananghalian mamaya.
Magandang tanghali mga kanoise, naluto ko na Ang tawilis papartneran ko ng suka na may pinitpit na bawang , tapos may natira kaming sabaw ng nilaga nung nakaraang Araw pa na nasa ref, iinitin ko na lang para may sabaw kami. Happy lunch po sa ating lahat.
malamig pa Rin ang panahon bagamat di na umuulan dito sa Lugar namin. meryenda Tayo mga kanoise, kape, hopia at macaroons.
Umagang kayganda mga kanoise. maaliwalas na Ang langit, pero malamig pa Rin sa pakiramdam, sarap pa mamaluktot sana sa higaan, but need to wake up na to prepare some breakfast. Di pa tapos periodic test ni bunso. Have a nice day ahead.....
Luto luto na Tayo mga mamshie ng ating pananghalian. Ako nagsalang sa airfryer ng chicken for the kids, sa Amin ni hubby Ang talong at okra na isusunod Kong isalang sa airfryer tapos may natirang ulam kagabi na adobong pusit iinitin ko na Lang mamaya pag kakain na ng pananghalian para mainit pa Ang sabaw pagkain namin.
Lunch na po Tayo mga kanoise. Happy eating sa ating lahat... Good vibes lang po...
nagprepare ako ng ham with cheese burger para sa recess break ng aking bunso. Ngayon Ang last day ng kanyang periodic test sa school, kailangan di magutom para di malimutan Ang inaral Niya kagabi. Dalawa Ang inihanda ko at para Kay hubby Ang Isa work from home kasi siya. Tubig Ang kapartner na panulak. good morning everyone!!! Have a great day ahead......
At dahil Friday ngayon, nagluto ako ng munggo para sa pananghalian, nilahukan ko ng dahon ng ampalaya at chicharong baboy, hindi Rin isda Ang kapartner nya kundi inihaw na liempo. Maya Maya kainan hintayin lang matapos online class ni bunso. Happy lunch po sa ating lahat..
Gusto ko pag aralan Ang paggamit ng metamask, at EBEN. Sa ngayon kasi coins.ph at Coinbase Ang crypto wallet na maalam ko pa lang na gamitin. Nanonood ako ng mga video tutorials sa YouTube pero di ko pa gaano maintindihan, sana soon matutunan ko na Rin siya paano gamitin.
Saturday rest day, sa karamihan ng mga may trabaho especially sa mga daddies, ngunit sa mga mamshie ito Ang washing day at house chores day. Kayat mga mamsh bangon bangon na at mag umpisa na Tayo sa ating mga gawaing bahay. good morning pipol!!!!! Have a great weekend ahead.......
mangga po para panghimagas. may nagdaang nagtitinda ng mangga kanina, nakita ni hubby at napabili siya. Pagkatapos kumain masarap panghimagas Ang manggang hinog. Kain na po Tayo ng pananghalian. good afternoon po!!!! happy lunch po sa ating lahat.....
meryenda pagkatapos ng siyesta paanong di Tayo mananaba niyan. Anyway sa panahon ngayon ng pandemya kailangan talaga mating palakasin Ang ating resistensiya, kailangan natin ng wastong tulog at pahinga, at masustansiyang pagkain at pag stay at home, para ating maiwasan ang covid-19 virus. good afternoon everyone!!! stay healthy and keep safe always.
nagkape ako kanina, hapon na, kaya siguro di pa ako antukin. DI na talaga kasi ako nagkakape ng hapon eh dahil nga nahihirapan ako antukin sa gabi, kaya lang kaninang hapon nagcrave ako sa kape. eto ako ngayon gising pa Buti na lang walang pasok bukas, pwede magising ng tanghali na. gandang gabi po.....
Umagang Kay ulan mga kaingay. Bigla ako nagising kasi may ingay ako naririnig, buhos Pala yun ng ulan, Sunday blessings ika nga. masigla na naman mga halaman at may tubig ulan na naman sila. good morning everyone!!!
Monday morning mga kaingay. Kape muna Tayo Bago umpisahan Ang Araw . Maaliwalas Ang kalangitan ngayong umaga walang pagbabadya ng pag ulan, pero ingat pa Rin sa mga lalabas ng bahay dahil Ang panahon ay paiba iba. magbaon ng payong para "I am ready", pag nag iba Ang ihip ng hangin.
Eto yun eh, eto talaga yun eh, he he he. Ang walang kasawaang itlog at dilis para sa almusal. Kain Tayo mga kaingay. Good 🌅 ng everyone!!!! Have a great week ahead.....
Maganda ang sikat ng araw dito sa Lugar namin. Ingat po sa mga Lugar na maulan pa din Hanggang ngayon. Flex ko lang din mga halaman naming tanim sa rooftop mga gulay, gaya ng kalabasa, sitaw, okra, kalamansi, alugbati Meron ding saluyot, sili, kamias at kulitis. Meron din pong mga halaman na namumulaklak. Libangan po yan ng kasama ko dito sa bahay.
Saging lang Ang may puso, Este may puso ako saging. Aadobuhin ko ito at lalagyan ng konting bihon para sa pananghalian mamaya, gagayatin ng maliliit saka lalamasan ng asin at pipigain para maalis Ang dagta saka ko iaadobo.
Lunch na po Tayo mga kaingay. Napadami Ang lagay ko ng bihon sa puso ng saging Ang hirap kasi maghati ng bihon pag di pa siya nailulubog sa tubig kaya nilagay ko na Lang lahat Yung Isang kimpal. Happy lunch po sa ating lahat.
Ayan na nga po Ang ulan at may kasama pang pagkulog at pagkidlat na sinabayan pa ng malakas na hangin, samantalang kanina lang ay tirik na tirik si haring Araw. Ingat po tayong lahat
Malamig ang simoy ng hangin ngunit may kalakasan nga lamang dahil may bagyo, wala Naman po typhoon signal dito sa aming Lugar, ngunit malakas ang hangin na may kaunting pag ulan. Ingat po sa mga Lugar na tatahakin ng bagyo, naway matunaw na Ang bagyo at nang di na makapaminsala. Gandang gabi po.
Steamed hotdog for breakfast, favorite ng mga kiddos. Masarap partneran ng ketchup, laging nirerequest ng mga bata lalo na ni bunso. Good morning po mga kaingay!!!!
stick-O, nung bata pa ako, nakakabili lang ako nito paisa isang stick lang, tuwang tuwa na ako noon. Ngayon Ang mga bata hindi makuntento kung Isang stick lang Ang bibilhin mo para sa kanila, kailangan Isang jar Ang bilhin mo, kaya nila maubos Ang Isang jar ng stick-O ng Isang duupan lang.
Malamig na hapon mga kaingay. Masarap mamaluktot sa higaan dahil malamig ang panahon, napahaba Ang siyesta. Masarap humigop ng mainit na kape pagbangon ng higaan. Kape po Tayo mga kaingay.
Adobong sitaw para sa hapunan na pinartneran ng crab stix, may natira ding sabaw ng paksiw na isda kaninang pananghalian, ayos na Ang hapunan. kain Tayo mga kaingay.
Umagang kayganda mga kaingay!!! umpisahan Ang Umaga ng may ngiti sa mga labi ng Ang ating maghapon ay maging masaya, bagamat Ang panahon ay di maganda, paunlarin Ang ating sarili. Kape Tayo mga kaingay.
Kanina sa palengke nakakita ako ng sariwang dahon ng ampalaya, namiss ko Ang dahon ng ampalaya na ilalagay sa ginisang sardinas. Pag uwi sa bahay ito Ang niluto ko para sa pananghalian. Happy lunch po sa ating lahat...
Nagising ako dahil may narinig akong ingay ng umaaandar na jeep. Maaga kasi bumibiyahe Ang jeep ng kapitbahay namin, Lalo na pag sa probinsiya Ang destinasyon nila. Bumibili kasi sila ng mga itik na buhay tapos lilinisin nila at kakatayin saka nila ibebenta sa palengke. iyan Ang kanilang pinagkakakitaan. Bumangon na ako ng tuluyan upang makapagkape na at makaghanda ng almusal ng aking mag aama. Gandang Umaga mga kaingay!!!!
kape Tayo mga kaingay habang nakasalang Ang sinaing at nagluluto ng pang ulam. Gandang Umaga.
Breakfast na po Tayo mga kaingay. Medyo mataas Ang BP ni hubby kaya nilutuan ko siya ng pritong talong at okra na tinimplahan ng konting asin at durog na paminta, nakakatulong daw ito makababa ng BP pero may kape pa din siya, di Niya kaya Ang walang kape, mamaya Maya iinom na Lang daw siya ng pineapple juice. Kay bunso Naman ay cereal, ayaw daw Niya Yung gulay, tapos Yung itlog ipalaman daw Niya sa tinapay mamayang recess time Niya at lagyan ko daw ng cheese. Have a…
Habang nag oonline class si bunso, di mapakali Ang kamay nya, gusto lagi may ginagawa Ang kamay habang nagdidiscuss si teacher. Nakikinig Naman siya, kasi pag tinanong Naman siya alam nya Yung lesson na dinisscuss ni teacher, nakakarecite siya at ok din Naman mga exam result nya. Kaya hinahayaan ko na Lang siya, kaysa makatulog siya habang nagdidiscuss Ang teacher. eto ang Isa sa nagawa nya habang nag online class sya. Nakagawa siya ng small house using a colored stick note…
My version of escabetche ahaha, Wala Pala ako nabiling bell pepper kahapon sa palengke, kaya walang kulay green Ang aking escabetche, nilagyan ko na Rin ng pineapple tidbits pandagdag sa flavor kumbaga ay dagdag-bawas sa ingredients ahaha. Masarap Naman siya. Happy lunch po sa ating lahat.
Friday na Naman, Ang bilis ng araw. di natin namamalayan patapos na Naman ang Isang Linggo. Friday payday Pala ngayon, marami na namang mga sale ngayon online, Panay Panay na Naman Ang tunog ng cp dahil sa natifications ng mga online shop ngayon. Ako, walang pang online shopping, may sakit kasi si father sa probinsiya, sustentuhan ko muna siya pambili ng gamot at pampacheck-up nya. Sana maging maayos na Ang lahat sa kalusugan nya. Gandang Umaga po.
Ang ilan sa mga bulaklak sa aming munting Hardin sa rooftop. Kaygandang pagmasdan ng halaman at bulaklak, malamig sa paningin at nakakaalis ng stress. Have a nice day.......
Hapong Kay ulan mga kaingay. medyo madilim na dito sa Aming Lugar at umuulan ulan pa Rin. Nakatago si haring Araw sa mga ulap na parang nakikipagtaguan. Masaya mga bata kasi ay Wala Silang online class bukas at pahinga nila. Gandang hapon po .
Good evening noisers!!! Kain na po Tayo ng hapunan. Nagluto si pamangkin ng pork sinigang, project nila sa school, tagavideo si bunso habang nagluluto si pamangkin . Ang video ay isusubmit ni pamangkin sa teacher Niya online. Iyan na ulam namin ngayong hapunan. Happy dinner po.
Weekend ngayon, at pag Sabado marami Ang nakaschedule na maglaba ng kanilang mga damnit, Lalo na yaong mga nagtatrabaho. Pag Sabado maaga ako nagsasalang ng labahin sa washing machine kasi Maya Maya medyo mahina na Ang tubig dito sa Lugar namin, para makatapos ako maglaba Bago humina Ang daloy ng tubig sa aming gripo. Humihina Ang tubig dito sa aming Lugar tuwing Sabado at Linggo, iniisip ko na Lang marami kasi ang sabay sabay na naglalaba kaya ganoon. Gandang Umaga!!!…
Medyo maulap Ang kalangitan ngayong umaga. Kanina pagbangon ko ay basa Ang kapaligiran indikasyon ng pagulan kaninang madaling Araw. May pagbabadya pa Rin ng pag may ulan ngayon depende sa ulap na aking nakikita, naway nakatuyo pa Rin Tayo ng ating mga labahin. Have a great weekend ahead...
Luncheon meat po Ang breakfast for today. Kain na po para may energy Tayo sa paggawa ng mga gawaing bahay. good luck po sa mga momshi na Ang Saturday ay house chores day. he he he.
Birthday ni pamangkin ngayon, nagluto si mother in law ng carbonara at hamonado, Yung carbonara naubos na kanina kasi iyon Ang meryenda namin, mamaya Naman sa hapunan Ang hamonado. Magluluto Naman ako ng patola na may miswa para may sabaw kami.
Ganito Ang view na Makikita sa rooftop ng bahay namin pag ganitong madilim na. Maraming ilaw sa mga building Ang iba ay kumukuti-kutitap, Kaygandang pagmasdan. Good evening po.
Antok na ako, bukas Naman ulit, naninibago pa ako sa Bagong update pero masasanay din Tayo. Mauna na ako matulog sa inyo mga kaingay. Goodnight po......
Masigla si haring Araw ngayon, Ang tindi ng sikat Niya ngayung Umaga, asahan na Ang mainit na panahon ngayong Araw. Tutok na Naman sa bentilador at Aircon Ang mga tao nito. Gandang Umaga po Mapagpalang Linggo sa ating lahat...
Busy na Ang halos lahat ng mga momshie sa pagluluto ng pananghalian, Lalo at Linggo ngayon Araw ng pamilya, nasa bahay Ang mga miyembro ng pamilya. Dito sa Amin, si mother in law Ang abala sa pagluluto pag Linggo, kasi nagpupuntahan sa kanya mga anak at apo, tuwing Linggo po yan. Gandang tanghali po mga kaingay. Happy lunch po sa ating lahat kasama Ang pamilya natin.
Pagkatapos kumain, palibhasa ay busog samahan pa ng init ng panahon, tunay Naman na nakakaantok. Parang hinihila ka ng antok na mahiga at matulog. Tutal ay nakapagligpit na at nakahugas na ng pinagkainan, Tara siyesta Tayo mga kaingay.
Gandang gabi mga kaingay. Lunes na ulit bukas, umpisa na ulit ng online class at module ng mga bata, magkukulitan na Naman si nanay at si anak, Lalo na pag si anak ay nasa kindergarten, grade 1 or grade 2, kailangan talaga tutukan ni nanay. Buti na lang si bunso ko ay nasa grade 4 na at konting alalay na lang Ang ginagawa ko. Pinapabayaan ko na siyang magreview mag Isa, at maggawa ng assignment mag Isa, nagtatanong na lang siya pag Meron siyang hindi naiintidihan. Good luck…
Magandang Umaga po!!! May pasok po ngayon Ang ating mga estudyante, umpisa na uli sila sa Isang Linggo nilang aralin online/module. Naway matapos na itong pandemic at makabalik na mga bata sa school. Have a wonderful week ahead po!!!!
Maulang Umaga mga kaingay. Almusal namin ay hotdog, kapartner ay ketsup. Kain po Tayo, Bago mag umpisa ng mga gawain sa Araw na ito, para may energy po Tayo.
Lunch time na po. Fish diet po kami ngayon ahaha. Pritong boneless bangus at paksiw na tamban. Para sa mga bata Ang boneless bangus, ayaw kasi nila kumain ng may tinik na isda kaya boneless na Ang binibili ko para sa kanila, Ayun kinakain Naman nila Basta boneless na. Tapos may natirang 2 piraso hotdog kaninang umaga. Ang paksiw na tamban Naman ay sa Amin ni hubby, mas gusto kasi ni hubby ay may sabaw kaya Ayan naisip ko na luto sa tamban, pero masarap din sana siya ihawin.…
Late night na Pala nalibang na Naman ako sa pagkocrochet, Basta naumpisahan ko mag crochet nalilingat na ako sa Oras, di ko namamalayan Oras na Pala para matulog, tinawag lang ako ni hubby, tulog na daw ako at maaga Ang schedule nila ni bunso bukas. Gandang gabi mga kaingay....
Magandang Umaga mga kaingay!!! Kain po Tayo ng almusal, kanin, pork tosino and kape.
Breaktime ni hubby, work from home kasi siya. Sandwich at purong katas ng dalawang dalandan na malalaki, satsuma Ang tawag nila sa palengke, nakakuha ng Isang maliit na basong katas. Nakakatulong din daw ito makababa ng BP, medyo mataas din kasi BP ni hubby. Recess time din ni bunso, pero ayaw nya Yung juice maasim daw, di ko kasi nilagyan ng asukal, kaya sandwich lang siya at tubig.
Adobong manok po para sa pananghalian at nagbigay si mother in law ng ginataang sitaw at kalabasa na niluto Niya. Gandang tanghali po... Happy lunch po sa ating lahat...
Gandang hapon po mga kaingay!!! Oras na Naman po ng mga nanay na magluto para sa hapunan. Kami po Yung tirang ulam kaninang tanghali Ang aming hapunan, kanin na lang Ang lulutuin. Magdagdag na lang ng instant noodles mamaya para may sabaw, naubos kasi Yung sabaw ng adobong manok kanina, puro laman Ang natira.
gandang gabi po mga kaingay, tutulog na po at maaga na Naman gising bukas at may pasok po. goodnight po sa lahat...
Aga po ng almusal ko, kape at hashbrowns po. Palengke day ko ngayon mga lods kaya maaga nag almusal at ng di abutin ng tanghali sa palengke. Dati po every two weeks ako nagpupunta ng palengke, ngayon na medyo bumaba na Ang covid-19 cases dito sa Lugar namin, weekly na ako namimili sa palengke. Good morning po!!! Have a wonderful day ahead.....
Dami Kong pagod kanina pagpuntang palengke, naglnis at nag ayos ng pinamili (isda, gulay, manok at Karne) masigla na Naman Ang ref at freezer namin, Puno na naman siya ng laman para sa Isang Linggo naming supply. Pagkatapos mananghalian kanina ay nahiga ako, siguro ay pagod kaya nakatulog agad, napaaga Ang aking siyesta. Gandang hapon mga kaingay.
Palitaw, suman at mainit na Tableau po, para sa maulang hapon. Nabili ko kanina sa palengke, para sa panghapong meryenda. Gandang hapon po. Meryenda po Tayo.
Umagang Kayganda po mga kaingay.... Paggising ko inabutan ko pa Ang buwan, Ang gandang pagmasdan ng moonset, blue Ang nakapaligid na kulay sa kanya. Naway maging maganda Ang ating maghapon.
Pagkatapos mamalengke kahapon, labahan Naman Ang kakaharapin ngayon, nagpalit kasi ng kubre kama, punda ng unan at kumot Ang mga junakis ko. Buti na lang may kapartner ako maglaba, maaasahan ko talaga ito eh sa Oras ng kagipitan ahaha.
Snack break muna Tayo mga kaingay, sabayan ko na sa meryenda Ang aking mag ama, recess time ni bunso at coffee break ni hubby, nakisabay na Rin po ako. Tara snack po Tayo.
Siyesta time na po. Kailangan ko na Rin ng power nap, mamaya na lang magsasampay ng nilabhan di na kaya ng power ko, hinihila ako pagpunta sa higaan.
ay ano yan!!! di pa ako nakakasampay ng nilabhan umulan na at may kasama pang kulog at kidlat, kumusta Naman kaya yon?
Sariwang katas ng dalandan para sa ating resistensiya. Kapag Ang tao ay tumataas Ang edad, di maiwasan na pati Ang blood pressure ay tumaas din, sanhi yan ng ating kinakain at ipipasok sa sa ating katawan. Nakaramdam ako kahapon ng sakit ng ulo na may kasamang Hilo, ng Kunin Ang aking BP ay medyo mataas. Pareho na kami ni hubby na medyo tumataas Ang BP, sign of aging eka nga, hehe. Snack time po ni hubby(wfh) at ni bunso (online class recess), sinabayan ko na Rin po sila,…
Meryenda ni bunso at Kay hubby Ang mainit na tsokolate tabirol, kahit mainit ang panahon. Tama na sa akin Ang mangga, magprutas lang daw muna ako Sabi ni hubby, pababain Ang BP hehehe.
Yehey, pwede na di bumangon ng maaga bukas at Wala pasok, pwede na medyo tanghaliin sa higaan. Nilulook forward talaga natin Ang Friday ng sa gayon ay pahinga Ang mga manggagawa at mga mag aaral kinabukasan. After dinner chichirya po Tayo.
Mapagpalang Araw po ng sabado mga kaingay. Kape muna Tayo habang nagpeprepare ng almusal para sa mag aama. Pag sanay ka na talaga sa paggising ng maaga, matic na yun na magigising at magigising ka ng maaga, yun na kasi ang body clock mo. Magandang Umaga po!!!
Nakaalmusal na po kami at pwede na mag ingay. Sausage at Tuyo Ang aming almusal, at may Nakita Ako sa ref na Tira Tira ininit ko at isinama sa Plato ng sausage at Tuyo, sayang din kasi.
Ani ko sa tanim namin sa rooftop, kahit pakonti-konti may nakukuhang gulay sa aming pananim na mga nakapaso. Magsisinigang ako sa para sa pananghalian, tamang Tama isasahog ko Ang gulay na naani sa rooftop namin.
Maulang gabi mga kaingay, biglang buhos Ang ulan kanina, Buti na lang at nasamsam ko na Ang aking sinampay Bago pumatak Ang ulan. Hapunan na Naman, ulam namin Yung natira kanina sa sinigang, nagdagdag lang ako ng pritong hita ng manok para sa mga bata. Magandang gabi po.
Champorado at Tuyo sa maulang Umaga, nagpaluto si bunso ng champorado at matagal tagal na din daw na di siya nakakain ng champorado, Buti at may Tuyo pa kami sa ref, sarap kapartner ng champorado. Mapagpalang Araw po ng Linggo sa ating lahat.... Magandang Umaga!!!!!
Magandang Umaga ngayong Araw ng lunes, umpisa na Naman Tayo sa online class at work from home. Kain muna Tayo ng almusal para may lakas Tayo sa ating mga gawain. Hotdog po para sa almusal.
siopao para sa meryenda. Kain Tayo mga kaingay. Magandang hapon!!!!
Ang aga ko nagising ngayong araw, ilang gabi na Rin kasi AKong hindi maganda Ang pagtulog sa gabi, iniisip ko Rin kung bakit ganoon, di na Naman ako umiinom ng kape sa hapon. Siguro nga'y kakaisip ng mga bagay bagay. Kailan kaya matatapos itong pandemic na ito ng Malaya ng makakilos Ang mga tao. Nang sa gayon ay makapamasyal at makalabas ng bahay na di nag aalala sa sakit na maaring mahawa o makuha. Magandang Umaga mga kaingay!!!
Magandang Umaga mga kaingay, malamig na Ang panahon kahit may sikat na ni haring Araw, badya na malapit na talaga Ang pasko. Oras na Naman ng paghahanda ng lulutuin para sa pananghalian ng pamilya. Ako ay nagpeprepare ng patola at miswa para sa sabaw na papartneran ko ng inihaw na liempo. Mapaparami na Naman Ang kain nito mamayang pananghalian hehehe.
Pagkatapos kumain ng pananghalian at mamahinga saglit aantukin ka talaga. Need na talaga ng power nap, pumipikit na Ang aking Mata. Magandang tanghali mga kaingay.
Palengke day ko ngayon, kaya maaga ako bumangon. prepare muna ng almusal ng mag aama at ligpit ligpit ng mga Kalat Bago magpunta sa palengke, para mamaya pagdating ko ay Yung pinamili ko na Lang Ang lilinisin at liligpitin ko. Panay boys kasi kasama ko dito sa bahay eh, kaya Wala asahan sa paglilinis ng bahay kundi ako. Magandang Umaga mga kaingay!!!! Mapagpalang Araw ng miyerkules sa ating lahat.....
Dami Kong pagod mga kaingay, Isang linggong supply kasi ang pinamili ko, paikot ikot sa palengke, naghahanap ng murang mabibili, para magkasya Ang budget. Pag uwi sa bahay, nilinis Ang mga isda, manok at baboy, pinarte parte ko na rin Bago inilagay sa frrezer para pag kumuha ako ay Isang parte Isang luto. Magandang tanghali mga kaingay!!!!
Napahaba Ang aking afternoon nap, siguro ay sa pagod ko kaninang umaga pagpunta ng palengke. Meryenda Tayo ng turon, bigay ni mother in law, iyan na lang natira, kumain na Yung mag aama, tinirhan ako ng Isa. hehehe. Magandang hapon mga kaingay!!!!
Hugasing pinggan at tasa: Salamat Lord sa pinggan, kubyertos at tasa na aking huhugasan, ibig pong Sabihin hindi nyo kami pinapabayaan at lagi kami may pagkain sa hapag kainan sa Araw Araw. Amen.... Kailan man at kahit saan man ako naroroon Hinding hindi ako magsasawang maghugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan. Ang ayaw ko mangyari ay Yung Wala na ako mahugasan kasi Wala na Pala kami kakainin, huwag Naman po mangyari . Magandang Umaga mga kaingay!!! Mapagpalang Araw ng…
Luto na Ang Ginisang ampalaya na may itlog, Ang ulam namin ngayong pananghalian. Lulutuan ko na Lang ng pritong manok Ang mga bata, iairfry ko na Lang para mabilis lutuin. tamang Tama yon pagkaluto lunch break na ni hubby at ni bunso. Magandang tanghali mga kaingay!!!!!
Late meryenda po Tayo, ginataang saging na may gabi. mas masarap sana kung may sago at langka pa, hindi kasi ako nakabili ng sago at langka sa palengke kahapon, pero okay na Rin masarap Naman. Magandang hapon mga kaingay!!!
Nagpaluto si hubby ng lugaw at tokwa para sa almusal dahil namiss na nya kumain ng ganito, kaya medyo late na Rin kami nag almusal. Start na din ngayon sembreak ni bunso, kaya okay lang na medyo tanghaliin Ang almusal. Yung dalawang binata ko Naman tulog pa mamaya pa yon babangon, paborito din nila Ang tokwa at lugaw, mapapawow yun paggising. Magandang Umaga mga kaingay!!!
Flex ko lang ulam na lulutuin ko ngayong pananghalian, bulanglang na gulay, Ani sa tanim sa rooftop except okra and kalabasa (Wala pa bunga tanim naming okra at kalabasa). lahukan ko lang ng tinapa, kamatis at sibuyas. Lutuan ko lang chicken mga junakis kasi di sila kakain niyang gulay. bakit kaya hirap pakainin ng gulay ng mga bata ngayon.
Good Morning mga kaingay!!! Pansit bihon para sa almusal, paggising ko may pinggan na may takip sa mesa sa labas ng pinto namin, ng buksan ko pansit Pala. Iniwan ni mother in law, umuwi kasi sila ng probinsiya at maliligo daw sila sa ilog kasama mga apo. Di kami nakasama kasi may exam sa school Yung dalawa ko college students, kaya nag iwan na lang sila ng pansit. Mapagpalang Araw po ng Sabado.....
paksiw na boneless bangus for our lunch nilagyan ko ng talong, mas masarap sana Ang ampalaya sa paksiw kaya lang nailuto ko na Ang ampalaya noong Isang Araw. nagprito din ako ng talakitok para sa mga bata. mas gusto nila prito kaysa sinabawang isda. Medyo maaga pa Naman mag ingay muna, Maya Maya kain Naman ng lunch. magandang tanghali mga kaingay!!!
Lugaw with egg mga kaingay para sa almusal. May natirang lugaw sa niluto ko noong Isang Araw at Nakita ko ito sa ref kanina habang nag iisip kung ano Ang lulutuin para sa almusal, ininit ko Yung lugaw saka ako naglaga ng itlog, Wala na kasing manok na sahog naubos na at puro lugaw lang Ang natira. Tara mga kaingay kain Tayo partneran natin ng kape. Magandang Umaga!!! Mapagpalang Araw ng Linggo sa ating lahat....
Ang init ng panahon nakakatamad kumilos, Ang gusto mo na lang wag umalis sa tapat ng bentilador. Meryenda Tayo mga kaingay, peanut butter po Ang palaman at Ang Kay bunso ay chocolate spread. magandang hapon po sa lahat.....
Christmas feels. Wala magawa si hubby, kaya nagkabit ng Christmas light para kahit pandemic eh mafeel pa Rin Ang Christmas spirit. Akala after Nov.1 pa ikakabit eh, before Nov. 1 Pala. Magandang Gabi po sa lahat.
Medyo umuulan ulan ngayong umaga, sa mga pupunta ng sementeryo huwag po kakalimutang magdala ng payong. Para sa akin okay lang na may pakonti konting ulan para medyo malamig ang panahon kaysa tirik na tirik si haring Araw na sobrang init, huwag lang lalakas ng malakas ang ulan at bahay Naman Ang kasunod. Kape Tayo ng mainitan Ang sikmura, Bago mag umpisa sa magprepare ng almusal.