Just got home, from bundok ng Tanay, nakapagrelax at unwind, iba talaga nagagawa ng puro green Ang paligid at Ang malamig na klima. Yun lang di nakaligo ng ilog kasi ay medyo malakas Ang agos nito gawa ng ilang Araw na pag ulan. Bukas ay umpisa na ulit Ang pasok ng mga anak at work ni hubby kaya back to reality na Tayo. Have a good evening mga kaingay......
@nessie
Joined 5 December 2022 · 236 posts
a mother, a wife, a crother and crafter.
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Happy rainy weekends mga kaingay...... Sa mga riders na nagbalak umakyat ng bundok (marilaque Tanay area) ingat po Tayo at maputik at madulas po Ang kalsada, kami ni hubby tomorrow morning Ang akyat namin sa bundok ng Tanay. It's very relaxing pag Panay green Ang nasa paligid dagdag pa Ang malamig na simoy ng hangin, na may paglangoy pa sa ilog or falls. Our destination tomorrow is "Pook Tanglawan" a campsite located at Brgy. Cayabu, Tanay, Rizal. You can Waze the place going in there, or you can browse their FB page: Pook Tanglawan.
Time check,,,, 11:42 midnight di makatulog, good luck sa akin kasi may estudyante ako papasok ng as early as 7am bukas. piliting matulog hahaha. good night everyone!!!!
Magandang Umaga mga kaingay!!! madilim Ang kalangitan, medyo nabawasan Ang alinsangan, maganda lang sa pakiramdam Ang ganyang panahon. Breakfast po Tayo kape at nilagang saging na Saba.
mag three months ko din Pala di nabisita tong account ko, nabusy kasi si mother, nang magkasurge kasi ng omicron ng January lahat kami dito sa bahay nadale, salamat sa diyos at nakarecover kami lahat, dagdag pa na may ipinapagawa sa probinsiya kaya every weekend umuuwi at nagchecheck ng development ano na Ang mga nagawa. magandang Araw sa lahat...
May pasok na bukas Ang mga trabahante, at ilang schools, balik na uli Tayo sa new normal life. tapos na Ang Christmas vacation, kumusta po Ang Christmas vacation natin? Sana'y mabeauty at healthy pa Rin Tayo, kahit medyo nastress ng kaunti sa budget. At sana'y lahat Tayo ay nagfollow sa health protocol na itinakda due to covid-19 pandemic. Stay safe and healthy po sa ating lahat this 2022...
Just got home from 5 days getaway. Tambak na labada Ang uwi galing 3days vacation from Nueva ecija + 2days staycation from Cayabu, Tanay, Rizal. sa Dami ng labahin, mukhang kailangan ng maagang pahinga, para maraming lakas bukas sa paglalaba. goodnight noisers.
My kind of Christmas gift to my pamangkins and relatives. We will go to my hometown this afternoon, to celebrate early Christmas with my relatives, then go back to manila by the 24th to celebrate Christmas Eve with my hubby's relatives Naman. Merry Christmas po!!!!!


Maaga pa Rin nagising kahit napuyat sa 12.12, may pamasko na kami. Malaki Rin Ang madidiscount Pala talaga pag alam mo gamitin Yung mga vouchers at coins before placing an order. Almusal Tayo mga kaingay, partneran natin ng kape.

Maaga ako nagluto ng meryenda, para pag naghanap sila ng meryenda nakaluto na ako. iidlip kasi ako para tumagal AKong gising till 12 midnight, nag aabang po sa 12.12 goodluck po sa atin mamaya.


Breakfast is ready in our table, kain po Tayo to start the day. Scrambled eggs po para maiba Naman palagi po kasi sunny side up pag nag prito ako ng itlog, as bunso requested scrambled eggs Naman, partneran uli natin ng dried dilis at kape na walang creamer.
Been busy doing this project for the past weeks. Sweatshirt po sana ito eh, kaso parang kukulangin ako sa yarn Wala pa siyang long sleeves, sana may mahanap AKong yarns sa stack ko na babagay idugtong sa sleeves. Blessed Sunday everyone....... Good rainy morning!!!!!
Buhay mag Asawa sa mag Asawa sino ba talaga Ang dapat na nagdedesisiyon sa pamilya, Ang ama ba, Ang Ina, o dapat ba pareho. paano kung Isa lang palagi Ang nasusunod at Ang Isa ay naging tagasunod na lang. Ganoon ba talaga Ang Buhay may Asawa, kailangan magtago at magkimkim na Lang ng sama ng loob Ang Isa para sa ikabubuti ng mga anak. Parang hindi patas, pero paano Ang mga anak na maaapektuhan, kaya siguro marami na lang Ang nagkikimkim ng sama ng loob para sa kapakanan ng mga anak.
HAPPY WIFE IS A HAPPY LIFE Kapag Ang Isang Ina o Asawa ay Masaya at kuntento sa kanyang Buhay may Asawa/Ina, asahan na Ang Buhay ng pamilya ay laging Masaya at maligaya. Dahil Ang Ina Ang ilaw ng tahanan na siyang tumatanglaw upang magliwanag Ang buong pamilya, kapag Ang ilaw ay pundindo at di na maliwanag asahan Ang dilim ay sasakop sa pamilya. Huwag nating hayaan na Ang ilaw ng ating tahanan ay maging pundindo. Panatilihin Ang maliwanag na ilaw sa ating mga tahanan. Magandang Gabi mga kaingay!!!
Umpisa na Naman ng Bagong Araw para sa Isang buong Linggo. Maaliwalas Ang kalangitan at maganda Ang sikat ng araw. Nakarecharged Naman Tayo sa nakaraang dalawang Araw na pahinga, kayat simula na Naman ng ating mga gawain. Bakit kaya Ang tao ay di nawawalan ng problema, kahit Anong pilit Ang gawin nating maging Masaya sa paningin ng ibang tao, lalabas at lalabas Ang iyong nararamdaman. Hindi ito maitatago ng mga ngiti sa iyong mga labi, Makikita ito sa iyong mga mata. Magandang Umaga ng Lunes sa lahat!!!!
Ready na Ang lunch, just waiting for hubby and bunso for their lunch break. Ensaladang ampalaya partner with fried chicken, a perfect combination for me.hehehe. Naparami Ang biniling ampalaya, kaya may paksiw na bangus with ampalaya pa, saan ka pa di ba? hahaha Have a nice everyone...

Let's eat dinner, ginisang ampalaya with eggs. Good for diabetic persons and one of my favorite dish too, and hubby is diabetic so I always cook this kind of dish. Good evening everyone!!!!
After eating lunch, here we are eating watermelon seeds and Mani while resting after washing the diner. And I think I need a power nap because of a tiring morning in the market where I roam around to look for goodies to buy that fits on my budget. Good afternoon noisers....
Wednesday is my market day ... Once a week, I go to the market to buy our supply for the whole week. .I'll cook breakfast first. I'll also add more rice for later so that we'll have rice for lunch. .ligpit ligpit din Before leaving, para pagdating are Those who bought from market will be cleaned and ligpitin. Kape Tayo mga kaingay. Good Morning !!!! Have a nice day ahead ....
Good evening friends, I'm sleepy now, It's time to go to bed to gain energy again for tomorrow's duty and to start The New Day. goodnight and sleep well to all of us ..
Nabusy ako ngayong Umaga mga kaingay, naglaba at nakasampay na ako at Yung dating sampat ay tinupi ko Naman tapos nagluto kaya ngayon lang ako nakadalaw dito at nakapagpost. Chicken with pork adobo for lunch, hintay na Lang ng lunch break ni hubby at ni bunso. Magandang Umaga po sa ating lahat.
Magandang tanghali po sa lahat mga kaingay. Pork liempo nilaga po para sa pananghalian, dinamihan ko ng gulay kasi mas gusto ko Ang gulay kaysa sa pork hehehe. Masarap din humigop ng mainit na sabaw sa makulimlim na panahon. Kain na Tayo mga kaingay.. Happy eating po sa lahat....
Almusal muna Tayo mga kaingay Tuyo at pusit na may atsarang papaya at kape, para may energy Tayo sa pagtupad ng ating mga gawaing bahay at pagtutok sa online class/module ni anakis. Magandang Umaga po ulit...
Umpisa na ulit Ang online class ni bunso, unang Araw sa Isang linggong pakikipagbuno na Naman sa mga aralin at module. Magandang Umaga po!!!! Have a great week ahead!!!
meryenda po Tayo, palitaw na may bukayo toppings at bitso-bitso, luto ni mother in law, pumunta kasi sila ngayon ng sementeryo dalaw Kay father in-law ngayon pa lang kasi sila makakapunta ng sementeryo, ganyan ang baon nila para may pagkain sila doon. magandang hapon mga kaingay...
Isa ito sa mga libangan ng tatlo ko anak, kapag medyo stress na sila sa online class at online games nila, ito Ang kanilang nilalaro, stress reliever nila ito. Pag nagkakatuwaan pa sila, nagpapabilisan pa sila sa pagbuo niyan, inoorasan Ang Bawat Isa saka magkakantiyawan, siyempre di patatalo si bunso sa dalawang kuya. hehehe. lagi may katwiran pag nalalampasan Ang Oras nya. hehehe.
Maaga nagising medyo masakit Ang balikat at batok, nagka stiff neck yata ako pero slight lang Naman, nangawit siguro, tinaasan ko kasi Ang unan ko kagabi, nanibago. Kape Tayo mga kaingay, naubusan Pala kami ng creamer, Nakita ko Ang gatas ni junakis, ito na muna Ang inilagay ko sa kape. Magandang Umaga!!!! Mapagpalang Araw ng Linggo sa ating lahat...
Meryenda Tayo mga kaingay, graham mango float, masarap Ang marami mango Yung may asim ng kaunti pang Alis umay sa tamis ng gatas. Sarap ng combination ng lasa nya, kahit maparami Ang kain mo di ka mauumay. Magandang hapon mga kaingay!!!

Gisadong gulay at chicken flakes adobo para sa pananghalian mga kaingay. Nagrequest si bunso chicken flakes adobo para daw libre na siya paghihimay Wala na Buto, subo na lang siya ng subo, hehehe. Nilaga ko muna Yung pitso ng manok sa sibuyas, bawang, pamintang buo, dahon ng laurel at kaunting bawang, tas hinimay ko, saka ko iginisa sa bawang sibuyas, Toyo, suka, hinayaan ko muna kumulo ng kumulo saka ko inilagay Ang hinimay na manok, tas hinaan lang Ang apoy para di dumikit sa kawali. Favorite yan ng mga anak ko. Wala na kasi Buto, subo na lang sila ng subo. hahaha. Magandang tanghali po.
Kabilis lumakad ng araw, Sabado na Naman, Araw na hinihintay ng mga workers at estudyante upang sila ay makapahinga Mula sa limang Araw na pakikipagbuno sa trabaho/aralin. Araw na sila ay makakapagrelax at makakasama ang pamilya makakalaro Ang mga anak ng buong Araw. Magandang Umaga po.!!! Happy weekends po sa ating lahat...