Steam inhalation
Steam inhalation, marahil ay ikaw ay pamilyar dito o sa tagalog ay suob..
Nais ko lamang ishare ang aking karanasan sa unang beses kong pag subok sa suob.
Noong nakaraang sabado ay nakaramdam ako ng sipon at ubo,sa panahong ito, bawal magkasakit. Lalo na kapag may pamilya kang kasama mo sa araw araw.
Sa aking araw araw na pag browse sa aking social media account na Facebook,palagi ko nababasa ang tips ni Doc Willie Ong,alam ko kilala niyo sya at sino ba naman ang hindi?kahit hindi ko siya personally kilala ay alam kong napakabuti niyang doktor.
So ayun na nga,sa post nya nabasa ko ang Steam Inhalation o suob.
Heto ng step by step na ginawa ko:
Una,nagprepare ako ng tuwalya na makapal, kaserola na may lamang tubig, asin, at upuan.
Pangalawa, pinakuluan ko ang tubig sa kaserola (kalahati lang ang laman nito)
Pangatlo, kapag kumukulo na ang tubig ay ilagay ang asin at haluin hanggang sa tuluyan malusaw ang asin
Pang apat, patayin na ang kalan at hayaan muna ng isa o dalawang minuto ang kumulong tubig.
Hindi na ako nagprepare ng maliit na basin o batya kasi sa mismong kaserola ko na ginawa ang suob,sa iba po kasi nagsasalin sila sa batya,ako direkta na kasi sobrang laki ng batya namin dito sa bahay,haha😁
Pang lima, pinatong ko ng dahan dahan sa upuan na may sapin yung kaserola na may kumulong tubig at asin.
Pang anim, kunin ang tuwalya at ilagay sa bandang ulo, gagamitin ito upang makulob ang usok na iyong i inhale.
Pang pito, itapat ang mukha sa kaserola, huwag masyado malapit at huwag din masyado malayo,yung sakto lang at kaya lang ang init.. pwde din imulat mulat ang mata.
Pang walo,ayun po mag inhale ka na ng usok na nakulob sa loob ng tuwalya.
Gawin ito dalawa o tatlong beses sa isang araw. Ayun after ko po gawin yun,talagang pinawisan ako at ramdam ko ang ginhawa. Ang asin daw ay may malaking tulong para mabakbak ang madikit na plema..
Syempre po bukod dito,lagi po tayong kumain ng masusustansiyang pagkain,gulay at prutas at panatilihin hydrated lagi ang ating katawan,inom po tayo ng maraming tubig at mag ehersisyo.
Sa panahon ng pandemyang ating kinakaharap ay alagaan natin mabuti ang ating sarili upang maging malakas ang ating resisyensya at hindi tayo madali dapuan ng sakit hindi lang para sa sarili natin kundi para na din sa mga mahal natin sa buhay.
nakakatulong din sa mga taong mabibinat ginagawa ko dn yn kpg masama pkiramdam ko or my trangkaso