Hanggang ngayon binabagag ako ng kalungkutan
lalo't pag ang alaala'y dumadalaw sa isipan
napakatagal na ri't lumipas ang ilang taon
kasa-kasama ko parin larawan mong naka KAHON.
katabi bago matulog minsa'y kinakausap,
binabasa ang mensaheng ka'y tagal noong sinulat
at nagbabakasaling kahit pano'y gumaan
ang mga pasakit at bigat na nararamdaman
wala paring nagbago! tulad pa rin ng dati,
dating mahina kung kaya't lagi mong sinasabi ..
na anak maging matibay ka at maging malakas
pag hinamon ng pagsubok dapat di ka umatras!
Wag makalimot sa taas at mag aaral mabuti
dahil darating ang panahong ikaw ang hahalili
sa sarili mong pamilya, anak mo at asawa
Ibigin gaya ng pag-ibig ko at wag kang magsasawa ..
Naalala mo ba Pa? ang kulitan at asaran ..
sa balon sabay maligo na medyo may kalaliman
yung araw na binuhat moko dahil nga nakapasa
tuwang-tuwa dahil sa mataas nakuha kong marka
lagi mokong sinasama upang tayo' magbuhat
ng inaning mga prutas na sa bigat di maangat
buti palagi kang andyan upang ako ay alalayan
Pagmamahalang meron salat man sa kayamanan
Ang ligayang kahit pera'y di kayang matumbasan
pilit nilalampasan balakid na nakadagan
ala-alang nag daan gumugulo saking isipan
kung sakaling matulog aking napapanaginipan
hindi maipaliwanag, di mapigilan ang emosyon
akala ko nandito ka isa lang palang ilusyon
akala ko ikaw ang yakap-yakap ko't hinahagkan
aking napagtanto lahat pala ng to'y nakaraan ..
Parang diko matanggap na wala na ang lalaki
na laging nagpapa-alala't laging nagsasabi
na anak gumising ka handa na ang ating agahan
halika sa aking tabi sabay na tayong mag hapunan
sa pagsipat ng umaga'y ititimpla ka ng kape
kasabay ng pagdarasal sa umaga at sa gabi
ngunit hindi mapakali ano itong nadarama
akala ko dimo iiwan, subalit NASAAN KANA?
akala ko ba'y sasamahan moko saking TAGUMPAY?!
alam mo bang buong gabing di nakatulog si INAY!
magdamag binantayan mata mo'y dina dumidilat
lahat pala ng kasiyahan may lungkot na kaakibat
ngunit parang di patas bat ikaw ang syang kinuha?
ng ating Panginoon hindi sapat ang mga luhang
pumatak sayong dibdib hanggang sa HULING SANDALI
Iingatan ang mga gintong aral na SA AKI'Y NALABI ..
A message for my Dad, and I miss him so bad 😥
This is Mon, I'm out!
12
31
+ 1
more contribution
Nakaka sad naman po ng poem mo. Pero hanga po ako sa inYo kasi ang galing nyo po gumawa ng poem