LD 2: Promise

12 36
Avatar for mommykim
3 years ago
Topics: Promise, KPOP, Fiction

July 10, 2021

Kai

Director: And cut...perfect!!! Good job guys. You did well Shi Kyung ah & Bom-ah

Kami: Salamat Direk at natiis mo kami hanggang huli!!!

Director: Hindi naman kayo mahirap pakisamahan, mabilis kayong maka pick up sa mga eksena ninyo lalo na ikaw Kai, nag improve na talaga ang acting skills mo,kulang na lang talaga ang emotions mo kasi hindi ka pa madaling paluhain.

Ako: Wala pa kasi akong makuhanan nang paghuhugutan direk eh pasensya na po.

Director: Okay lang yan...Maghanap ka na kasi nang inspiration mo, hindi ka rin naman bata para hindi pa pwede magkagirlfriend.

Ako: Eh wala pa naman kasing dumating na masasabi nating pwede nating maging inspiration direk eh..

Direk: Ang daming nagkakagusto sayo eh

Ako: Eh wala na man akong gusto sa kanila eh

Direk: nah hala di ka talaga papatalo, sana talaga makahanap ka nang opposite nang ugali mo kasi napaka seryoso mo at parang ang dami mong sikreto.

Ako: di naman ako seryoso na tao direk ikaw talaga....

Direk: o sige sige na alam kong di ka papatalo

Ako: Sige po salamat Direk..

Napaisip ako dun ah, nasa tamang edad na rin kami para makahanap nang makakasama namin. Medyo hindi na rin passion para sakin ang pagiging sikat, mas gusto ko nang mamuhay nang tahimik, yung walang media na laging nakasunod sakin, pero kahit anong pagod at hirap ayokong iwan ang mga kagrupo ko kasi naging parte na sila nang buhay ko sa loob nang limang taon. Pero wala pa rin naman akong nakikilalang masasabi kong pwede na.

Maraming artistang magaganda pero wala ni isa sa kanila ang mga hinahanap ko na mga characteristics nang isang babae. Saan kaya nagtatago ang soulmate/destiny ko?

Habang nag mumuni-muni, biglang may nag back hug sakin.

Taemin: Kai-ssi na miss kitasoooooobbbbbrrrrraaaahhhhh!!!!!!! I love you na miss mo ba ako??????????

Ako: Taemin-nah, gago na miss rin kita Usher hhahaha, kelan ka pa bumalik galing Japan??

Taemin: Usher talaga?? Ngayon lang, dumiretso nako dito galing airport kasi last taping nyo na kaya pwede na tayong gumala. Tara na.

Ako: Eh may pa party kasi sila eh, victory party daw kasi mataas daw ang rating nang first airing nang drama.

Taemin: Wow, ang galing galing galing galing!!!!!(sabay clap clap clap) Sige dun na lang tayo para tipid at tsaka para makilala ko nang personal si Bom ang ganda niya sa TV pare...

Ako: Walanghiya ka talaga, tinitipid mo ako palagi eh, at tsaka hindi kayang abutin yung si Bom kasi mataas standards nun, eh ang liit mo di mo maabot yun!!!(heheheheheheheheh)

Taemin: Grabe siya oh, makapanlait ka, pasalamat ka at kaibigan kita kundi kanina pa kita nautakan.

Ako: joke lang yun pre, tara sa dorm dun ka na lang magpahinga para sabay na tayo pumunta sa party mamaya...

Taemin: Sige gusto ko yan may pagkain ba dun??? gutom na kasi ako eh

Ako: Request tayo kay Kyungsoo hyung na magluto para satin, lam ko naman di tayo tatanggihan nun eh,,

Taemin: sige sige tara na, sabay ka na sakin kasi dala ko sasakyan ko.

Ako: Okay

(6)

Jen
Office

Manager: Jhen ireport mo na lahat nang reports mo by 4pm ,included na sa lahat nang projects natin, send mo na rin sakin ang financial reports, personal account reports at yung mga expenses natin, labor and materials, kailangan natin matapos lahat by two weeks para wala tayong tambak na trabaho after nang team building natin. Magpaalam ka na lang sa kapatid mo na mag oovertime ka ngayun, at sabihan mo na rin na wag mag alala dahil ihahataid kita pauwi.

Ako: Naku wag na po maam nakakahiya po.

Manager: Okay lang yan kasi pareho lang yung dadaanan natin papuntang bahay. Sige na tawagan mo na habang maaga pa.

Ako: Yes Maam.

Tinatawagan si Eonnie

Sa kabilang linya: Hello Bunso napatawag ka may problema ba?

Ako: Ahh wala Eonnie magpapaalam lang ako na matatagalan ako nang uwi ngayun kasi marami kaming kailangan tapusin ngayun para wala daw kaming tambak na trabaho after team building. At sabi rin ni Maam na wag na po daw kayong mag alala dahil ihahatid niya raw po ako pauwi.

Eonnie: Naku nakakahiya naman sa Maam mo. Sabihan mo na lang na susunduin na lang kita diyan.

Ako: Wag na Eonnie sabi naman niya pareho lang daw kami nang dadaanan pauwi kaya di daw yun abala sa kanya..

Eonnie: Ah okay o basta mag iingat ka diyan hah kumain ka sa tamang oras. Baka umatake na naman yang hyper mo.

Ako: araso!! copy po eonnie

Eonnie: O sige Bye Love you Bunso

Ako: Love you too eonnie, pakisabi na lang kay Amy. ba bye

Eonnie: okay bye

At nagpatuloy na ako sa pagtapos nang mga reports ko habang nakikinig nang mga kanta ng EXO. Sakto namang nang pag select ko ito yung nag play(PROMISE) hay naku pag naririnig ko itong kantang to hindi ko talaga mapigilang maiyak. Sa kantang ito naramdaman ko talaga ang pagmamahal nang EXO sa mga fans nila na ayaw nilang magtampo kami sa kanila, na dapat maging matatag rin kami kagaya nila. Nevertheless yung mga isyu na dumaan sa nakalipas na mga taon. Pinakita at pinaramdam nila sa amin,sa akin, na kahit na anong mangyari sila pa rin ang EXO na minamahal at nagmamahal sa mga EXOL na kagaya ko.

Sa totoo lang ang dami na talagang nangyari sa fandom na ito at sa EXO. Mayroong nasaktan dahil mali ang pagkainitindi nang ibang tao sa kaniyang mga salitang nasabi sa isang post. Meron ding isyu nang mga bisyo nila, lovelife,etc. At ang pinakamasakit ay yung iwan sila nang tatlong kasama nila, iyun ata ang para sakin pinakamasakit na nangyari na nasaksihan ko. Iniwan silang luhaan at hindi makapaniwala na sa pagiging malapit nila sa isa't isa kaya pala silang iwan nang ganun ganun na lang na hindi man lang inintindi ang mararamdaman nang mga iniwan nila. Dun ko rin nakita ang pagiging matatag nila lalo na ni Suho na leader nila, nakita kong ininda niya lahat at pinakita niya sa amin at sa mga kagrupo niya na kaya nilang magpatuloy sa laban para sa sarili nila at sa mga fans. Nandun din yung may mga di maka pag perform dahil sa mga injury, kagaya ni Kai na 4 months na hindi makasayaw dahil sa ankle injury niya, si Baekyhun na nagka ankle injury at nag ka eye rashes din, si Chanyeol na sumakit ang balakang, si Lay na hindi maka attend nang concert kasi nasa China. Pero ang naging prudokto ay ang EXO na matatag at nasa tuktok nang lahat.

Quintuple million-seller, most daesang awardees, best kpop band,etc....ang dami nilang na accomplish sa loob nang 7 taon at marami pang darating..

Hindi talaga ako nagkamali sa napili ko,masasabi ko talagang, " I stan the right group and the right fandom."

Kasi hindi ako iniiwan nang EXO at nang EXOLs, sila yung naging sanhi nang mga pagsisikap ko ,,maliban sa mga kapatid ko, naging parte na rin sila nang buhay ko.

Marami akong naging kaibigan, kaaway, kakampi pero pinakamasaya ako kasi naging malaki ang pamilya ko.

Manager: Anong nangyari sayo bakit ka umiiyak? Okay lang naman kung hindi natin matatapos ngayun to may bukas pa naman.

Ako: Ay hindi po maam ,malungkot kasi yung napakinggan kong tugtog kaya napa emo ako nang wala sa oras.

Manager: Hay naku akala ko pa naman dahil sa work. Ikaw talaga na ho hook ka na diyan sa EXO na iyan, gusto mo ba talaga sila,

Ako: Gustong gustong gustong gusto ko po talaga sila maam....sssssooooobbbbrrraaaa!!!!! (napatili nang wala sa oras_)ay sorry po..

Manager: Okay lang (natatawa) nakakatuwa ka talaga. Di talaga ako nagkamali sa pagkuha sa iyo kasi naging masigla na ang lugar na ito simula nang dumating ka. At least may kasama na akong babae at kwela pa.. hahahahaha !!!!!

Ako: Hehehehehe ganito talaga ako maam basta EXO na ang topic di ko mapigilang maging hyper ....

Manager: Di bale pag may mga free time tayo sasamahan kita pumunta sa mga concerts nila ako bahala sayo para maka pag bonding tayo nang tayo lang dalawa.

Ako: (excited na napatalon sabay tili/sigaw) Yaaaaahhhhh jinja maam thank you thank you talaga in advance, di ka talaga magsisisi pag napanood mo sila talagang mahohook ka sa kanila ...ahhhhh

Manager: O sige sige dadating din tayo diyan, o sige magtrabaho ka na, magpatugtog ka nga nang mga kanta nila,i connect mo sa speaker nang may kunting ingay naman tong opisina natin.wag yung emo baka pati ko mapaiyak..i select mo yung mga pop nila

Ako: Right away maam! ! !

Habang nagtatrabho kami ni Maam ay masaya akong sumasabay sa kanta nila. Hinahangad ko talaga na makita sila. Lalo na si Kai na pinakamamahal ko, totoong pag ibig na talaga siguro to, hindi na ito paghanga lang. Sana at makadaupang palad ko man lang siya.

Salamat sa pagbasa sa sumunod na walang kwentang storya nang imahinasyon nang batang Kim

God Bless!

Fin!

7
$ 3.47
$ 3.26 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 4
Sponsors of mommykim
empty
empty
empty
Avatar for mommykim
3 years ago
Topics: Promise, KPOP, Fiction

Comments

Cute ng kwento :D Iba na nga siguro yan. Mahal na ng siguro yan :D

$ 0.01
3 years ago

di ko na nga alam pano tatapusin😭😭😭

$ 0.00
3 years ago

Hehe ganun talaga pag madami gusto sabihin :)

$ 0.00
3 years ago

hahaha parang heheh

$ 0.00
3 years ago

Wahahaha ang cuteeee, ang hilig mo din palang mag imagine ano Noona πŸ€§πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

matagal na to baby gerl..nakita kocsa archieve nang wattpad acct koπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Ehhhh, ni publish mo dun Noona? Yiee nagsususlat ka pala dun eee

$ 0.00
3 years ago

nasa archieve nga lang..di ako nag susulat dun kasi nga wala akong talent ...at di pa tapos tong story na to..di ko alam pano tapusin

$ 0.00
3 years ago

Ang walang kamatayang Exo! hehe!!

$ 0.00
3 years ago

sari na...love ko eh

$ 0.00
3 years ago

EXO tlga eh...haha..

$ 0.00
3 years ago

sari na😍😍😍 lab ko ehh...wala akong lablayp dahil inlab ako kay KAI😍😍

$ 0.00
3 years ago