Isa na yata sa pinakamasakit na maramdaman bilang isang tao ay yung hindi masuklian ang pag-ibig na inalay mo sakanya, at natapos sa “Pasensya na. Hanggang kaibigan lang talaga”.
Mayroon akong isang tula para sa isang pagmamahal na kailangan nang pakawalan upang puso’y hindi na masaktan.
💠
Kaibigan, gusto kitang pasalamantan dahil sa dulot mong kaligayahan
Baka hindi mo namamalayan na hindi mo na siya gaanong nasasaktan
Bakit nga kaya? Isang tanong na laging naglalaro sa aking isipan
O baka naman tinanggap ko na ang aking kapalaran na hanggang kaibigan lang?
Siguro nga, hanggang dun nalang.
Kaibigan, ang dami nating pinagdaanan pero nanatili pa rin ang aking pagmamahal
Kahit para sayo, bilang kaibigan nga lang…
Ang dami na nating pinagsamahan at pinagsaluhan na sana’y hindi ito masayang ng ganun lang
Hinihiling ko na sana ganun pa rin ang turingan at hindi mo ako iiwasan
Hindi mo kayang gawin? Pakiusap, kahit para sa pagkakaibigan nalang natin.
Kaibigan, may tanong lang ako, wala ka bang napapansin na kakaiba sa aking mga mata?
Na tila ba’y kumikislap kapag nakikita ka
Wala ka bang napapansin sa aking mga ngiti na parang akong kinikiliti?
Di mo ba nakikita ang kaligayahan ng aking pagkatao sa tuwing nakakasama ka?
Kaibigan, may opinyon lang ako at sana basahin mo
Bakit di nalang natin hayaan na mahalin kita hanggang sa tuluyan nang mawala ang aking nadarama?
Ano sa tingin mo? Hindi ka naman talo dahil ako ang sumusugal sayo
"Hindi pwede na hayaan kitang mahalin mo ako dahil masakit din sa akin na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo" yan' ang sinabi mo bago pumatak ang aking mga luha
Siguro nga’y tama ka, dapat piliin natin kung saan tayo magiging masaya
Kahit paglisan mo ang tanging sagot para sa aking paglaya
Kaibigan, tayo’y nagkakitang muli at balita ko’y may nagpapangiti na sa iyong labi
Labis na kaba, nerbyos, sakit, at pagkaawa ang aking naramdaman
Nang makita kang may kasamang iba at higpit ng yapos ng mga kamay mula sa isa’t-isa
Hindi ko kinaya, hindi ko talaga kinaya
Ako’y naglakad palayo, umalis ako kasama ng sakit mula sa mga nakita ko.
Lumipas ang maraming araw at buwan….
Kaibigan, siguro nga isa akong talunan pagdating sa pagmamahal sayo
Pero para naman akong nanalo sa lotto dahil tayo’y naging magkaibigan na totoo
Wala sanang magbago sa kung ano ang ating nasimulan
Dahil mas masarap isipin na kahit binigyan mo ng espasyo ang ating mga mundo, hindi ka nagbago
Salamat sa iyo aking kaibigan.
Marahil ikaw ay isang great lesson pero hindi ang aking the one-person
The one-person na mamahalin ko at patuloy ko pa rin aantayin, kahit gaano kahaba ang aking lalakbayin.
Note: It happened between my two friends. This is based on the experiences happened within my circle of friends. Yes, this is true parehas ko silang kaibigan and we are 6 in the group (3 males and 3 females). We have been friends nor barkada since high school pero nagsimulang magkafeelings si Kate kay Md nung 4th year high school kami at lalong lumalim nung college na kami dahil tuloy-tuloy pa rin ang communication at attachments. That time, sobrang hirap ng sitwasyon ni Kate dahil inlove na pala siya at patuloy pa rin ang aming gatherings, outings, gala, at mga sitwasyon na masaya kaming magkakaibigan. Walang nakakaalam sa amin hanggang sa nagulat nalang kami na umamin na si Kate kay Md. Fastforward, alam ko lahat ng nangyari at nararamdaman nila both kasi isa ako sa naging mediator. Ang hirap sa part ko dahil gusto kong isave yung friendship na meron kami at ayokong masira dahil may involvement na feelings pero papano? Kung patuloy lang na nasasaktan yung isa dahil sa isa. So ayun, nagkaroon ng space ang friendship namin and they had no communication for several months. Hanggang sa nagkaroon na ng girlfriend si Md. Ayun naloka ang Ate Kate mo and to the rescue naman kami. Of course, ayaw naming maging biased dahil kaibigan din naman namin si Md kaya lahat ng ginagawa namin ay alam niya and he truly supported us for the sake na maging okay si Kate. Luckily, they both handled sa kung ano ang nangyari sakanila. Ngayon, natanggap naman na lahat-lahat ni Kate at parehas naman silang maayos at masaya.
Note ulit: 8 years yung feelings ni Kate kay Md. Mas matatag pa kaysa sa naging relasyon namin hahahaha.
Ganun talaga, may mga taong ibibigay sa atin para magbigay lesson, para patatagin tayo. Minsan, sa pagmamahal tayo nasasaktan pero yun lang din ang paraan para maging masaya tayo ulit. Masarap magmahal basta handa ka.
Alam ba ni Kate na sinusulat mo to 😂