pagiging matyaga..

0 11
Avatar for mikel
Written by
4 years ago

Ang pagiging matyaga kasama na ang lakas ng loob ay isang napakagandang ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad mo. Ang katangiang ito ay malilinang kung palagi mo itong isasagawa. Maraming matagumpay na tao tulad ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, na sa kabila ng pagmamalabis ng mga dayuhan sa kanyang pagkatao ay naging matatag sa paraan ng pagsusulat ng mga libro at inihayag ang kalabisang ginawa ng mga dayuhan sa mga pilipino. Sa kaniyang pagkakakulong sa Dapitan ay naging matatag sya at hindi sumuko sa laban para makamit ang inaasam na kalayaan. Nariyan din ang ating mga guro, mga doktor, at iba pang mga propesyonal na nakatapos ng kanilang pag-aaral dahil sa kanilang pagiging matyaga. Sila ay nagsisilbing modelo sa atin. Ang iba sa kanila ay maaaring mahirap ngunit hindi ito naging hadlang. Kahit na totoong sila ay kapos sa salapi at mahirap makapag-aral, tinanggap nila ito ng taos puso at hindi ito naging hadlang para sila ay magsikap. Gamit ang kanilang katatagan ng loob at tyaga naging maganda ang kanilang pamumuhay.

Ang pagiging matyaga at matatag ang loob ay maaaring magawa ng isang batang tulad mo. Halimbawa, ang isang batang mtyaga ay nakakagawa ng kaniyang mga takdang gawain at iba pang proyekto upang makakuha ng mataas na marka. Natatapos niya ng mahusay at madali ang mga gawaing naatang sa kanya sapagkat isinasabuhay niya ang pagiging matyaga at may tatag ng loob.

1
$ 0.00
Avatar for mikel
Written by
4 years ago

Comments