Ang pagpapahalaga natin sa kalusugan ng ating katawan at isipan. Ito ay nagbibigay-daan upang malinang sa atin ang ugaling kumain ng tamang pagkain at magkaroon ng sapat na oras sa pagtulog, pamamahinga at ehersisyo. Gayundin ang pagiging maayos at malinis sa ating mga sarili. Lagi natin tandaan na "Ang Kalusugan Ay Kayamanan". Sinuman at lalo't higit ang ating Diyos ay magiging masaya kung inaalagaan natin ang ating kalusugan at pangangatawan.
Isa sa mga kasiyahan ng batang malusog ay ang pagpapamalas ng kasiglahan at tiwala sa sarili.
Bilang nilalang ng Diyos, may mga misyon tayo sa mundo na kinakailangang gampanan. Inaasahan niyang mapalago natin at mapangalagaan ang lahat ng kaniyang nilikha. Hindi natin magagawa ang misyong ito kapag madalas tayong magkasakit at walang kapayapaan sa ating buhay.
Handog ng Diyos ang ating buhay. Marapat lamang natin itong ingatan at pahalagahan para sa sarili natin at para sa iba na nagmamahal sa atin.