ang pagtitimpi..

0 32
Avatar for mikel
Written by
4 years ago

Ang pagiging mapagtimpi ay isang pinahahalagahang ugali na dapat isabuhay. Gaya ng ating mga magulang, sila ay nagpapakita ng pagiging mapagtimpi sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.Ang ating mga guro ay ganoon din. Sa kabila ng mga kaguluhan, kakulitan, at pagiging pasaway ng mga mag-aaral, iniiwasan nilang magalit. Nagtitimpi sila dahil gusto nilang ipaalam sa mga mag-aaral na kailangan ang ugaling ito para sa magandang pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao. Naipapakita sa ugaling mapagtimpi ang pagmamahal na tapat sa isang tao.

Ang taong ay nalalayo sa pakikipag-away. Dahil hindi siya madaling magalit o mainis, kinagigiliwan sya ng marami: sa pamilya, paaralan, o pamayanan.

Sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin ang magtimpi. Sa ganito, magiging positibo ang pakikisalamuha natin sa kapwa san man tayo tumungo.

0
$ 0.00

Comments