White Lady sa Puno

6 89
Avatar for mikaella27
4 years ago

My Tatay's POV

Caretaker ako ng isang private resort, ang lugar na ito ay medyo malayo sa kabahayan at tago. Ang may-ari nito ay namamalagi sa maynila, kung kaya't sa akin ipinagbilin ito. Ako ay 17 taong gulang no'n, napakagala ko na bata at pilyo. Kaya palagi akong napapagalitan ng nanay at tatay ko. Sapagkat kung umuwi ako ay gabi na, minsan pa ay umaga na.

Makalipas ang isang buwan, habang ako ay naglilinis sa resort ay bigla na lamang ako nakarinig na tinig ng babae. Ang tinig na ito ay nanggagaling sa kung saang malayo at tinatawag ako nito. Binalewala ko na lamang kung ano ang narinig ko, at nagpatuloy sa ginagawa ko. Pagsapit ng umaga ay nagkayayaan ang tropa na mag-palipas ng gabi sa kubo. Tatlo kaming magkaibigan na laging magkasama, halos sa lahat ng bagay. Ang nakapaligid sa lugar na napagtripan namin tulugan ay kakahuyan, malamig doon kaya't nagustuhan namin. Tuwing umaga ay laging mag naggagamas dito, at umaalis din naman pagkatapos. So, yun na nga dito kami natulog. Unang beses ko makasama ang mga kaibigan ko, kaya't gayon na lamang ang saya na aking naramdaman no'ng gabi na iyon.

Ngunit ito pala magiging isang bangungot para sa akin, na hindi ko malilimutan no'ng kabataan days ko. Sumapit na ang umaga, pagkagising namin ay agad na naghiwa-hiwalay ng landas, upang makauwi na sa kani-kanilang bahay. Nang makauwi na ako, wala ako sa sarili at nakatulala. Binuksan ko ang radyo at mahina lamang ang volume nito. Palipat-lipat ako ng station. - Kuwento ito ng ama ko, kasi wala ako sa sarili since no'ng nakauwi ako ng bahay. Ipinagtimpla ako ni tatay ng kape, dahil napansin niyang iba ang mga kinikilos ko. Nagulat si tatay dahil ininom ko ang kape ng dere-deretso (napakainit pa nito dahil bagong timpla) kaya't ganoon na lamang ang gulat sa mukha ni tatay. Kumuha ako ng kutsilyo habang nanlilisik ang mata ko. Umalis ako ng bahay dala dala ang kutsilyo, sinundan ako ni tatay at tinungo ko ang puno ng mangga sa resort. Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng mangga at nakayuko habang nagsasalita mag-isa. Pag angat ng aking ulo ay bigla akong nakakita ng white lady at biglang nawalan ng malay. Bago pa man ako makarating sa puno ng mangga, nawala na ako sa paningin ni tatay. Nakikita ko siya ngunit, di niya ako nakikita. No'ng magkaroon na ako ng malay, nasa ibaba ng kakahuyan ako at wala na sa puno ng mangga.

Bigla naman dumating si tatay "Halika na umuwi na tayo nak, kanina pa kita hinahanap. Bigla ka nalang kasi nawala sa paningin ko, nalingat lamang saglit. " Aniya ni tatay na may halong kilabot at takot bakas sa mukha nito. Sumunod naman ako kay tatay pauwi ng bahay. Pag-uwi ko ang taas ng lagnat ko at agad akong tinawas at hinilot ni nanay. Ang nanay ako ay isang manggagamot (albularyo). Marami nadin nagamot ang nanay. Matapos akong tawasin ni nanay ay, nakita sa tawas ay white lady at may puno. "Nagkagusto sa iyo ang white lady, iyan kagagala mo". Wika ni nanay. Ngunit hindi pa nawawala ang taas ng lagnat ko, kaya nanghingi ng tulong si nanay kay mommy ( kapatid ni nanay). Isa din kasi itong manggagamot. Sinabi ni mommy na mag alay daw ng manok, kaya't sinunod naman nila ito. Sa kabutihang palad ay napagaling naman ako ni mommy. " Hay nako pamangkin, huwag kana babalik doon hah!" Wika ni mommy sa akin. "Opo mommy, dina po ako babalik doon".

Mahilig kasi ako matulog sa kubo (cottage ng pool) kung saan malapit doon nakatayo ang puno ng mangga. Simula ng pangyayari na iyon, nag-quit na ako bilang caretaker ng private resort. Kaya pala walang tumatagal na tagabantay doon, ganoon ang nangyayari. Namalagi na lamang ako sa aming tahanan at iniwasan na ang mag-paabot ng hating gabi sa daanan at kung saanman.

Maraming salamat po ulit sa mga nagbasa ng story ko.

10
$ 0.51
$ 0.51 from @TheRandomRewarder
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty
Avatar for mikaella27
4 years ago

Comments

Ang creepy.. hehe mahilig taalag ko manood or mgbsa ng mga nakakatakot pero sa totoo lang matatakutin talaga ko..heheh

$ 0.00
4 years ago

ako din po hahaha pero sanay na ako sa mga ganyang bagay eh kaya di na ako natatakot. sanayan nalang hahaha pero nakakatakot pa rin talaga kapag na experience mo ulit yung ganong pangyayari hehe

$ 0.00
4 years ago

nakakatakot din. naalala ko nung nakatira din kami ng mama ko sa isang tistisan ng puro kahoy ang gawa, nasa 15 taong gulang palang ako nun sa valenzuela kami nakatira.. 6 pm nangyare yun, lagi din kaseng walang ilaw dun sa labas ng bahay namin, maya maya inutusan ng mama ko yung mga kapatid kong mag igib sa poso, maya maya sa kanilang pag balik ay nag hihiyawan sila at takot na takot ng makakita ng white lady, dali dali silang kumatok sa pinto at pagbukas namin ay tumambad saamin ang isang babae na nakaputing damit nakayuko ito at tila bay humihingi ng tulong.. nakita din talaga namin ng mama ko, hanggang sa pinapasok na namin ang mga kapatid ko at dali dali din naman. sinubukan namin ulit tingnan yung babaeng nakaputi pero wala na ito sa dilim.

$ 0.00
4 years ago

naalala ko tuloy yung nangyari sa akin sa probinsiya namin haha may poso rin kasi kame tapos napaka daming nakakatakot na pangyayari ang nangyari don hehe. nakakatakot naman po kwento niyo parang totoo talaga buti hindi po nagka sakit yung kapatid niyo

$ 0.00
4 years ago

Bakit kaya ang daming white lady he he..kahit dun sa bahay naming tinirhan dati ..lumang bahay ..at parang panahon pa ng mga hapon ..ang tawag namin dun ay white house parang hunted house na may malaking lupain at mga puno..dun sa may mangga nagpapakita ang white lady sabi ng mister ko pero diko pa sya nakita ..ang naririrnig kolang bawat hatinggabi ay may kumakatok at wala namang tao.medyo nakakatakot pero sa kalaunan ay nakasanayan na din namin.

$ 0.00
4 years ago

May mga ganyan mga kwento ako naririnig nung nakatira kami sa probinsya na may white lady daw sa malaking puno sa tabi ng abandonadong bahay sa lugar namina Kaya pag dadaan kami Don di kami dumadaan ng mag isa Lang kaylangan marami kami.

$ 0.00
4 years ago