Mapaglarong Starmall Alabang
Nagta-trabaho ang mom ko sa isang company ng gatas sa San Pedro, Laguna at every year, nagkakaroon ang company ng Bowling tournament pero nuong 2017, sa Starmall na sila maglalaro.
So first day ng laro nila, sumama ako. Actually lagi naman ako sumasama. Pero this time, mas excited ako kasi maganda at mas maayos na ang paglalaruan nila. Tho alam ko ang background story ng mall na iyon, ba't ko pa naman iisipin kung kasama ko naman ang mama ko at mga katrabaho nya diba. So yun, nagstart na sila maglaro. At ako nasa bench lang nanonood. Hanggang sa na-bored din ako at nagutom kaya nagpasya akong mang-hingi ng pera kay mama para bumaba at bumili ng pagkain.
So para lang po sa hindi pa nakakapunta sa mall na iyun, pagpasok nyo nasa kaliwang bahagi, 5th floor ang bowlingan nila at nasa kanang bahagi, 5th floor naman po ang cinehan. Sa magkabilang bahagi ay meron pong magkatabing elevator at escalator.
Going back, pumunta ako ng ground floor, left side parin, para bumili ng burger at fries. Pagkatapos ko bumili, napansin ko na may maingay na something sa bandang gitna kaya naglakad lakad muna ako. Mas madalas kami mamasyal sa Festival mall kaya hindi ko masyadong kabisado ang mall na ito. Pero sa kasagsagan ng paglalakad ko, hindi ko namalayan na ang dinadaanan kong escalator ay sa bandang kanan pala. At mas lalo na akong nalito sa paligid ko. Hanggang sa umabot ako sa 4th floor. Puro mga furnitures. Sofas, beds, cabinets, etc. Gusto ko pang suyurin yung floor na iyun pero sabi ko, hindi ko matanaw yung bowlingan nila mama. Kaya sa huling escalator na paakyat ay inakyat ko na rin. Pag akyat ko, bumungad sa akin ang napakadilim na cinehan at tanging zigzag type na led lights na kulay blue lang ang ilaw. Nakakabingi rin ang katahimikan. Nilibot ko saglit ang mata ko sa paligid baka sakaling matanaw ko yung pupuntahan ko pero wala, madilim. Nagtanong na lang ako sa lady guard na nasa harap ko.
"ate, saan po dito yung bowlingan po? Yung may mga naglalaro po ngayon?"
"baba ka lang jan(escalator) neng tapos akyat ka sa kabilang escalator. Pag-akyat mo, duon na iyun."
Habang magkausap kami ng lady guard, napansin kong may kuya guard na lumabas sa isa sa mga sinehan na akmang pupunta sa pwesto ko pero pagkasabi ng lady guard ng direksyon ay agad ko itong sinunod at pumunta na sa kabila.
So pagakyat ko sa 5th floor left side, napansin ko na mas maaliwalas dito. Siguro ay dahil may naglalaro sa loob. Pero nang dahil galing ako sa kabila ay sinubukan ko na rin itong lingunin para makita ang itsura nito. At paglingon ko sa aking likuran ay bumungad sa akin ang napaka-aliwalas na 5th floor at napakaraming tao na nakatambay sa gilid. Bigla itong nagkaroon ng daanan sa gilid paikot sa buong floor na ipinagtataka ko dahil nung nasa kabila ako kanina pinababa pa ako ng lady guard at sa kabila pinaakyat. Nagkaroon din ng tom's world sa tabi ng cinehan na napakaingay at may mga batang naglalaro. Nagkaroon din ng tindahan ng fries at popcorn sa kabilang gilid ng sinehan. At bigla ring nagkaroon ng parang castle sa kaliwang bahagi nito at may mga nagpipicture picture pa. Tinanaw ko ang cinehan at ganun padin, may kadiliman at nandun parin ang led lights pero si ate lady guard, wala na. Si kuya guard na lang ang nakita ko at nagtatanaw'an lang kami dahil parang pareho kaming nagtataka.
Salamat sa pag babasa.