This is my friend's story wayback 2018, nung nag ojt ako sa antipolo nung grade 12 ako. Techvoc kasi course ko tsaka school ang naghanap ng mapag oojtihan namen. 300 hours yun kaya inabot talaga kaming threemonths dun halos nag 12-15 hrs na kame a day matapos lang, nakakapagod na nakakaubos pa ng pera kakapamasahe mula pasig hanggang antipolo.
So ayon nga sa hotel kasi dapat may kasama kami na nag lilinis, per two bawat rooms o bawat gawain para mabilis 10 lang kasi kaming ojt at same school kame, 5 kame magkakaklase tas 5 din sa kabilang ng section. One time naassigned kame ng friend ko sa 2nd flr para mag mop, shempre mag start ka sa dulo paatras dun sa bandang hagdan. Sa dulong part na room may nakita akong tubig footprint na maliit shempre parang wala lang, normal lang hanggang sa next step ko sa tapat ng pangalawang pinto meron ulit so ginawa ko pazigzag ako to observe tas naginginig ako habang paatras ako sa tapat ko mismo yung bakas ng paang basa tinatagalan ko kasi parang namamanhid na yung tuhod ko hanggat mareach ko yung last room bago hagdan yun yung stockroom ng housekeeping.
Don tumigil ako tas sumigaw ako kasi nasa third flr ung kaibigan ko, naghiwalay kame ng gawain para lang mabilis kasi marami pa kaming next na lilinisin. Nakatatlo siguro akong sigaw bago nya ko narinig tas bumaba sya. Tinanong nya agad kung bakit tas sinabi ko nga at tinuro ko yunghuling dalawang pares ng basa. Etong tanga tanga nato kabang kaba nako sinabi pa saken bat ang liit naman daw ng paa ko hahahahah e gago nga nakasapatos ako tsaka bat ako aakyat ng basa tsaka napakaliit don pang 3years old ganon, that time gusto ko mainis pero natatawa ko sakanya.
Pag baba namen sinabi ko agad dun sa supervisor namen, actually lima sila pero sa housekeeping tatlo lang puro mga momshies. Nagpunta agad ako sa laundry area, tas andun ung isang supervisor namen nilinis ko ung mop na ginamit ko tas kinwento ko yun, parang di naman sila nagulat girl hahahaha parang normal lang. Tas tanghalian pumunta kami sa kitchen (wala pala kaming sweldo dun grade lang haha kaya dun kame kumakain) sinabi ko yun tas nag kwento yung mga supervisors na may namatay daw na bata doon dati, nalunod.
Yun daw laundry area namen kaya parang may terrace sa bandang taas, pool daw yun dati dun daw yun nalunod. May kakambal daw yung bata sabi nila maam. Nagpaparamdam daw talaga yun minsan pa nga daw may nag check in para sa party pero puro senior citizens, sa third floor ng hotel makikita ung pool sa 2nd flr, bumaba pa daw yun para ireport sa lobby na may batang tumatakbo sa pool bakit daw walang life guard baka malunod. Sinabi nila sa matandang babae na walang nag check in na family, at may kasamang bata. Sila lang daw yung tao sa hotel.
Diko na alam kung ano na napagusapan nila after non. Sa totoo lang di na namen alam kung masstay pa kami kasi apat kameng babae tas anim na lalakeng ojt una ok langnaman kaso tumatagal parang naiingayan na saamin yung mga lalake na una ang tatapang sunod sila naman napaparamdaman. Yung isa nakita nyang pumasok yung tela na white sa cr ng stockroom habang nasa loob kame. As in namutla sya natawa pa nga kame e hahahaha tas nakita namin na andun ung teka nakasabit sa shower curtain na bakal.
Nakakakilabot talaga ewan ko pano namen nakaya yun. Dun pa nga kami minsan nag stay ng whole wk mabait kasi manager namen ang layo layo namen tas araw araw byahe 12-15 hrs pa sa trabaho. Pinaglinis nga kame nang magkakasama sa bawat floors nun e hahahahaha siguro kasi kung ano ano na pinagsasabi namen baka naawa. Sa third floor sa isang room apat kame dalawa sa bedroom dalawa sa cr. Ako kasi actually gusto ko sa cr di naman kasi gaano madumi tsaka alam ko na din ginagawa step by step.
Pagtapos nagkwentuhan kame, nagulat kami sa may blanket naka lubog ung bandang gitna aayusin na sana namen tas pagtingin namen may bakas ng paa ng bata hahahahaha kakaloka inayos agad namin tas bumaba na kame. Kala ko nga ok na yun e kaso kinabukasan sa katabing room non pinaglinis kame sa cr ulit ako mabilis natapos yung kaibigan ko sa bedroom dalawa lang kasi kami kaya umakyat na sya sa fourth flr para ayusin dun. Nagulat ako kaya ko may supervisor ako sa likod taena pakitang tao pa ko sa pagkuskos ng tiles hahahahaha kasi te may anino PROMISE!!!!!
Paglingon ko lumabas akong room shempre to check kaso mami walang tao kaya dasal dasal lang ako talaga habang nag lilinis gulat ako sumara ung pinto as in nalocked sumisigaw lang ako pero di masyadong kabang kaba ganon para kunwari oks lang ako haha sabi kasi wag ipakitang natatakot pag ganon. Nag ppray lang ako sa isip ko habang tinatawa ko kaibigan ko tas dumating naman sya ano daw nangyare saken gosh inaway ko pa sya kasi baka pinagtripan ako e.
Namumutla sya mami, kasi imposibleng malocked ag ako ang nasa loob pero swear iniikot ko yung doorknob pero diko mahila. Nilagnat ako non kasi halos nagsunod sunod yung nangyare tas dimuna ko natulog dun umuwi ako tas umabsent ako ng 1day lang. Ayon lang po muna kwento ko po sainyo yung may gumaya saken sa pinag ojtihan ko tsaka ano pang mga naranasan namen don sa antipolo.
Thankyou po for reading.