Neighbor

0 17
Avatar for mikaella27
4 years ago

Para sa ating lumaki sa modernong city, kadalasan mahirap sa atin paniwalaan ang kwento nang probinsya, lalo na kung hindi mo ito mismong na experience, at minsan saka na tayo maniniwala kung andyan na sa harap mo.

Ang kwentong ito ay kwento pa daw sa taong 1990, bata pa ako, at ang kaibigan ko na to ay mas matanda sa akin, kasi sa mga taong ito 13 years old na siya ako tatlong taong gulang pa . At kinuwento niya sa akin to nang mag 13 years old na din ako.

Sa liblib na lugar na yun nang probinsya namin, may isang matanda daw na dayo lamang sa lugar na yun, kung ilalarawan mo ay puti ang kanyang buhok, kuba na at kulu-kulubot na ang balat at madalas ito galit kung tumitig sa tao, bago pa daw sila makadating sa bahay nila, madadaanan daw muna nila ang bahay nang matanda, dahil malayo ang nilakbay nila mula sa bayan, nagrereklamo na daw ang kapatid niya na nauuhaw na, pinilit niyang patahimikin ang kapatid pero ayaw nito tumahimik sampong taong gulang naman ang kapatid niya.. Nasa ganung sitwasyon sila nang makita nila ang kapitbahay nilang nagwawalis, habang papalapit sila ay lalong nagreklamo ang kapatid niya, naghalo na ang galit at inis daw niya sa kapatid niya. Napatingin sa kanila ang babae dala ang matapang na tingin pero nang marinig nito ang reklamo nang kapatid nang kaibigan ko napangiti daw ito saka sinabing "nauuhaw yata ang kapatid mo" sa nakakakilabot na boses, ang boses daw nito tila kasing lamig nang hangin na nararamdaman niya sa mga oras na yun, at saktong nag-aagaw na ang liwanag at dilim.

Sinabi niya sa matanda na ayos lang pero yung kapatid niya reklamo nang reklamo, at parang gusto na daw niya hatawin sa galit niya.

"Nauuhaw siya, tika ikukuha ko kayo nang tubig"

umakyat ito sa taas, sa likod nang bahay nito ay napakalaking katawan nang balite, at saka ilog. Nang umakyat ito gusto niyang kurutin ang kapatid niya nang kurot na hindi daw nito makakalimutan sa boung buhay niya, hindi siya nagsasalita kasi sabi nang magulang niya sensetibo ang teynga nang mga nilalang na na kung tawagin ay aswang, madali silang makakarinig kahit bulong mo lang. Pagkababa nang matanda, dala nito ang baso na may lamang tubig at inabot sa kanila, tatanggapin na sana nang kapatid niya pero pinalo niya ito nang ubod nang lakas, sinabi niyang siya na tatanggap, naalala niya ang sinabi nang kanyang lola, na "kung gusto mo malaman kung tao o hindi ang kaharap mo, tignan mo sila sa mata, at kung baliktad ka hindi sila tao, o hindi kaya pag inalok ka nang tubig huwag mo hawakan sa pwet ang baso, hawakan mo ito malapit sa bunganga at kung malaglag ang pwet nang baso aswang siya"

Natakot man ay lumapit siya sa matanda na dala ang magandang ngiti, inabot niya ang baso, at hinawakan niya ito malapit sa bunganga tulad nang sabi nang kanyang lola. At nang bitawan na nang matanda ang baso, laking gulat niya na nahulog ang pwet nang baso, napatingin siya sa matanda, ganun din ang matanda sa kanya.

"Nako nabasag, hindi bali ikukuha ko kayo ulit"

Aakyat na sana ang matanda nang sinabi daw niyang huwag na at aalis na sila, yung kapatid niyang reklamador nakalimutan na nito ang uhaw nang kumaripas sila nang takbo, sa unahan napahinto ang kaibigan ko at nilingon ang kapitbahay nila, masama na daw ang titig nito sa kanila, at mas nanlaki daw ang ulo niya sa ginawa nito, nagpapalakpak daw ito nang kamay niya na ang tunog ay tila malaking pakpak na nag iingay sa hangin, habang nagpapalakpak ay nagpapatunog ang matanda nang tila isa siyang ibong kwago. Sa takot niya kumaripas ulit siya nang takbo at walang lingon-lingon, pero ramdam daw niya na tila may lumilipad sa gilid niya na nakatingin at nakangiti sa kanya, maluha luha daw siyang nananalangin kasabay nang takbo niyang tila hindi umuusad, parang hindi daw siya umaalis sa pwesto niya.

Nahimasmasan daw siya nang makita ang tatay ko na sinalubong siya, kasama ang tatay niya, dun lang siya nawalan nang malay at nagising siyang nasa bahay na nila.

Salamat po admin, madami pa sana ako i kukwento pero ito na lang muna, salamat po kung ito ay ma ishare, sana po naunawaan ninyo ang kwento ko, at sana huwag ninyo akong i judge, kasi kadalasan sa mga binabahagian ko nang kwentong ganito tinatawanan ako dahil nagpapaniwala pa daw ako sa mga kwentong panakot sa mga bata. May kaibigan ako na madalas ko din ka kwentohan, sa katunayan nagbabasa din siya dito.

Salamat sa pag babasa.

2
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty
Avatar for mikaella27
4 years ago

Comments