Mga Bangungot ni Kuya

0 22
Avatar for mikaella27
4 years ago

Ang kuwento ko ay nangyari noong bata pa ako. Hindi pa ako nag-aaral nun. Masakitin ako gawa ng aking hika. Lagi lang ako sa bahay, minsan nakatanghod sa mga batang naglalaro sa kalsada. Nandun ako sa ginawang mesa at upuan ng Kuya ko sa ilalim ng umbrella tree, o balkonahe. Grabe ang dami kong namiss dahil sa aking hika. Praise God at pinagaling NIYA ako bago ako mag-7 years old. Dahil na rin sa marubdob na pananampalataya ng Nanay ko sa Diyos. Nakuwento ko na to dati sa story kong "Hika" ang title.

Yung Nanay ko nagwo-work na rin noon para makatulong kay Tatay, ang mga ate ko ang nagbabantay sa akin pag wala silang pasok. Pag meron naman ay yung hipag ko na bisaya. Itago natin sa pangalang Menchie. She's from Samar. Pinatitingnan ako sa kanya ni Nanay kasi that time sa amin sila nakatira. Mabait naman siya sa akin.

Ang work ng Nanay ko nun ay kapatas siya ng mga nagpapatanim ng palay. Bale siya ang humahawak ng tao kung ilan katao ang estimate na makakatapos base na rin sa laki ng lupa na ipapatanim ng palay ng may-ari. Sa kapampangan ay tinatawag itong "mandarul". Pag minsan na walang pasok ay pati mga kapatid ko (ate Annie, Ate Pattie pati si Kuya Norbert), sumasamang magtanim ng palay para may pandagdag gastos at pambaon sila. Masaya naman daw sila sa bukid, pag nagtatanim na. May mga biruan at kantahan. Maaga silang gumigising para gumawa ng baon. Madalas ay nagbabaon sila kasi madalang lang ang nagpapatanim na may libreng pakain. Ang baon nila ay ginagawa sa dahon ng saging tapos kakain sa bukid, imaginin ninyo. Masarap yun kahit ano lang ang ulam nun. Minsan pag umuuwi sila may mga dala silang tubo (sugar cane), mga bayabas, mangga o kasoy na galing sa bukid o bundok kung san sila nagtanim. Minsan naman ay may pang-ulam na kami sa dala nilang kangkong o kamaro. Wow! Sarap yun sa adobo. Simple lang ang buhay probinsiya, walang stress sa bills at kahit ano lang ang ulam ay makakaraos ka talaga.

Isang araw may pagtatanim sila na gagawin sa araw na yun. Malayo ang lugar ng bukid, ang tawag sa baryo ay Mabatu. Tinawag siyang ganyan dahil ang mahabang daan na papunta doon ay maraming bato. Ang lupang tatamnan nila ay sa isang Doktor na nakatira sa may kabayanan at nagbibigay din ng libreng serbisyo minsan. Ng umalis sila ay maganda naman ang panahon. Umalis sila ng 6:30 kasi ang layo talaga nun. Isang oras na lakaran. Tapos pahinga ng konti habang may pakape at pandesal at magsisimula na silang magtanim.

Bago mag 8am ay lumusong na sila para agad matapos. Sabi ni Nanay sa kanila kahit nag-uusap ay magtanim pa rin ng mabuti. Kasi bawal ang naka-tagilid at nakayuko ang palay. Dapat nakatayo. Para balanse pag dumating ang panahon na mammumunga na ito.

Pangkaraniwang araw lang yun sa tingin nila kaya nagtaka sila ng mga bandang 10am ay biglang umulan. Kahit umuulan ay nagtanim pa rin sila. Tumulong na ang Nanay ko para bumilis sila. Konti pa lang daw natatanim nila nun. Tapos yung mga tanim nila dahil sa lakas ng ulan ay nagsiyuko, pag reject at bubunutin at uulitin. Sobrang hirap kasi mas bumabaon mga paa nila. Tapos lalong nagsungit ang panahon sumabay pa ang pag guhit ng malakas na kulog at kidlat. Kaya pinatigil muna sila ni Nanay. Sumilong sila sa kubo na nasa gilid ng bukid malapit sa may water pump o patubig sa tagalog. Pinapatay na muna ang water pump gawa ng sobrang apaw na ang tubig sa mga pa-rectangle na hugis ng lupa na tina-taniman nila.

Dumilim ang paligid dahil sa sama ng panahon at ginaw na ginaw sila.

Sumapit ang 11:30 kumain na sila para kung titila ang ulan ay lulusong na sila. Pero sadyang di siguro nila matatapos ngayon kasi mga 2 pm na ay ganun pa rin ang panahon. Yung kulog at kidlat ay nandoon pa. Nakaka-kilabot na daw. May kasama pang malakas na hangin. Bandang 2:50pm ay humina ang ulan kaya mabilis silang lumusong at nagtanim na. Sabi ni Nanay bilisan nila at huwag na munang magkwentuhan. Abala na sila lahat sa pagtatanim nun. Ang kabilang bukid na titirahin nila sa susunod na araw ay ina-araro ni Mang Posong. Asawa naman niya si Aling Meding. Sila ang mga care taker ng Doktor sa kanyang mga lupain sa Mabatu at malawak yun. Pina-aasikan lagi ng palay. Mabait din si Dok sa mga trabahador nya. Siya ang nagpapa-aral sa mga anak ng mag-asawa. Anim ang mga ito.

So balik tayo sa kwento. Patuloy sa pag-aararo si Mang Posong ng bigla na namang kumidlat ng napakalakas. Kwento ng ate ko yun daw ang pinaka-matinding kidlat na narinig nya sa tanang buhay nya nun. Ang tindi. Unahan daw silang mga kabataan sa pagbabalik sa kubo at talagang takot na takot sila. Ang iba naman ay napaupo sa bukid at yumuko dahil sa takot. Ang Nanay ko ay kasama sa napaupo sa may bukid at nagdasal siya ng taimtim. Takot din siya sa kidlat pero alam niyang kasama nya lagi ang Dios. Kaya sabi nya Lord ingatan mo po kami naway makauwi po kami ng payapa sa aming mga pamilya... In Jesus name, Amen.

Nagsisigawan daw ng mas malakas ang mga kabataan at napatingin ang Nanay ko mula sa pagkakayuko. Sasawayin nya ang mga ito ng biglang gumuhit na naman ang matinding kidlat na yun. Mas nakakabingi ngayon. Tapos yung kuya Norbert ko napatingin bigla sa langit, gumuhit ang galit na galit na kidlat at napatingin sa direksyon kung san ito tumama. Ang mga kasama nya ay nakayuko dahil sa takot. Habang nagsisi-sigaw. Bigla nalang daw nagsisigaw si Kuya nun talagang nag-histerya siya. Kala ng mga kasama ay sumisigaw gawa ng kidlat. Unti-unting napaluhod ang Kuya ko na pinanginginigan ng mga laman habang tumutulo ang luha hanggang wala ng boses na lumalabas sa bibig nya at napaupo sa lupa. Basta tumutulo nalang ang luha. Tinapik siya ni Yan, ang dalagang maganda may gusto sa kanya. "Uyy grabe ka naman wala ng kidlat tama na yan", sabi nya. Hanggang may tinuro si Kuya sa isang direksiyon. Parang iisang ulo lang silang lumingon at ang lahat ay nahindik sa kanilang nakita. Nakatingin sila kay Mang Posong na tinamaan ng kidlat at tila ba may kuryenteng dumaloy sa katawan nito. Umuusok pa. Nakita nilang gumalaw pa at nanginginig. Nakahawak pa ang isang kamay niya sa pang-araro hanggang tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa maputik na lupa. Grabe, takot na takot ang kuya ko nun kasi nakita nya ng tumama ang kidlat mismo sa matanda. Di pa rin siya makausap at yung iba ay nagpunta sa bahay nina Mang Posomg para ipahanda ang sasakyan ni Dok. Si Kuya ko naman nun ay wala pa sa sarili at sinampal nalang siya para mabalik sa reyalidad. Niyakap siya ng Nanay ko at sinabing may mga nangyayari talagang ganun na hindi ina-asahan. Kaya dapat sa paglabas natin sa bahay ay hingin natin sa Diyos ang kanyang gabay at proteksiyon. Dagdag pa ni Nanay.

Samantala si Mang Posong ay dinala nun sa hospital, malayo sa kabayanan ang Mabatu. Iyak ng iyak nun si Aling Meding at mga anak. Pero dead on arrival na siya. Ang kanyang bangkay ay sunog na sunog na tila ba natusta ito.

Sa aming baryo naman nun nung kasalukuyang kumikidlat ay may mag-ama na dumadaan sa tapat namin marahil ay papunta sa ilog kasi dun ay maraming damo. Pakakainin marahil ang kalabaw nila. Yung kalabaw nun ay nag-stop pa sa tapat namin dun pa talaga tumae at gawa na rin ng ulan ay kumakat ang baho ng dumi nito sa kalsada. Nasa balkon kami nun ni Ate Menchie kaya nakikita namin at amoy na amoy ang masangsang na dumi ng kalavaw.. Naglalaro kami ng sungka. Ang balkonahe ay nakaharap sa daan. Ng biglang gumuhit nga yung malakas na kidlat na yun at napasigaw pa kami ng hipag ko. Sa pagyuko ko ay napasubsob ako at mauuna na ang mukha ko nun sa hagdan, nahila lang ni Ate ang binti ko huhu. Tapos may narinig kaming sigaw sa labas. Ng wala na yung kidlat ay napatingin kami sa mga kapitbahay habang nasa balkonahe at iniisip namin kung san nanggaling ang sigaw. Mahabaging Diyos! Ang mag-amang nakasakay sa kalabaw pala ang sumigaw at tinamaan sila ng kidlat. Dahil sa sungit ng panahon ay wala pang naglakas loob na bumaba nun. Takot din kami ng Ate ko. Ng humina ang ulan ay madilim na at dun pa napuntahan ang mag-ama. Wala na silang buhay at sunog ang kanilang katawan. Nakakatakot ang kanilang hitsura kaya tinakpan ni Ate ang mata ko at binuhat ako papasok ng bahay.

Late na nakauwi nun sina Nanay dahil tumulong sa paghahanda ng burol. Di pa daw muna itutuloy ang patanim kasi nga dahil namatay ang care taker.

Kinwento nila sa amin ang nangyari at habang pauwu sila ay nabalitaan na rin nila sa daan ang nangyari sa tapat namin. Ang kuya ko nun ay gabi-gabing binabangungot gawa ng nakita nyang pangyayari na yun. Ang pagkasunog ni Mang Posong, sigaw siya ng sigaw at naa-alarma na rin kami, gabi-gabi rin akong umiiyak nun dahil ang kanyang sigaw ay nakakatakot. Naaawa kami sa kanya ng nga ate ko at mga magulang. Gabi-gabing nagigising ang buong pamilya dahil sa kanyang kaka-sigaw.

Sa pagdating ng mga pagsubok sa amin ay laging nagkaka-isa kaming lahat. Kami ay nag-set ng family devotion. Halinhinang pagbabasa ng isang kabanata ng book of the Bible. Minsan ay kumakanta ang Nanay at mga kapatid ko. At halinhinan kaming mananalangin habang magkakahawak-kamay. Pagkatapos ng ilang araw ay naging okay na ang Kuya ko. Nagbalik ang kanyang pagiging masayahin at palabiro. Palagi na ring mga Papuri Songs ang kinakanta nya. Yun lang talagang paborito nya ang Dust in the wind.

Pag kasama natin ang Diyos at ang ating pamilya, makakaya natin ang lahat. Kaya kung may pagsubok ka mang pinag-dadaanan sa ngayon, maging matatag po tayo at lagi tayong kumapit sa Diyos at ang pamilya natin pangalawa sa Diyos ang tutulong sa atin. Minsan tine-test lang tayo ni BOSS kung hanggang saan ang ating FAITH.

The family that PRAYS together, stays forever.

3
$ 0.00
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty
Avatar for mikaella27
4 years ago

Comments