Guardian angel

0 12
Avatar for mikaella27
4 years ago

It was May, 2017, 2nd year college ako nun na merong pinagawa sa amin ang aming teacher sa subject na Humanities na pumunta sa ibang lugar, at tumuklas ng kanilang sining, at kultura.

yung ibang classmates ko, pinili lng yung karatig-bayan. pero kami, since meron kaming kaibigan na taga balut island, kaya nag dare kaming pumunta dun. yes, balut island. yung pinaka southernmost island ng Pilipinas.

Saturday ng hapon kami umalis ng GenSan para bumyahe. but before that, nag pray muna kami syempre for protection, kase maraming nagsasabi na malakas raw ang alon papunta dun, at kapag tag ulan, parang nagkaka tidal wave sa gitna ng Sarangani bay.

before kami makapunta sa pier, nagmeet up muna kami sa malapit na gas station, and biglang umulan ng malakas kaya naisipan namin, sumakay nlng ng tricycle.

btw, 7 kaming magkakasama, and yung 3 kasama namin, ay nauna nang sumakay, kaya tumawag kami ng isa pang trike.

nung nakasakay na kami, ako lng ang isang tao na sumakay sa likod, katabi yung bag ko na itim.

then nung nakarating na kami dun sa terminal, nagbayad ako ng 40, since 4 kami, and tg 10 ang pamasahe. lakas pa nung ulan nun habang bumababa kami sa trike. and nagulat ako, nung sinabi ng driver na kulang daw lima raw kaming sumakay, katabi ko yung isa, and ininsist ko talaga na 4 lang kami, and bag yung katabi ko. sabi ko, wala talaga boss, eto lng katabi ko *pinakita ko yung bag ko na itim. sabi ng driver, "hindi, meron kayong kasamang matangkad na medyo mestiso raw, and nauna na raw dun sa barge. medyo nainip na rin ang mga kasama ko kase malakas ang ulan nun e. kaya binigay ko nlng yung 50 pesos. bago ako umalis, nakita ko sa mga mata ni manong na galit, kase ininsist ko na 4 lng kame. nung sinabi ko sa mga kasama ko, sabi nila, iniscam lng daw ako ng driver. haha. sana masaya na raw sya sa 10 pesos.

then nung nagbyahe na kami, sa lahat ng pasahero, ako lang yung hindi natulog. di ako kase sanay, and 1st time ko yun bumyahe sa dagat ng matagalan. nung time na yun, lumabas ako, nagpapahangin sa gilid ng barge/barko. nakita ko ang dagat na napaka kalma. hindi ko po 1st time sa gitna ng dagat, at kahit gabi. alam ko po kung ano ang hitsura ng dagat pag gabi.

parang isang kalmadong lawa ang dagat ng mga panahong yun. ni isang alaon, wala kang makita, at tanging propeller lng ng sinasakyan namin ang dumidistorbo sa tubig. napaka ganda ng langit nun, makikita mo pa ang milky way galaxy. tsaka mga 2:30 a.m(kase hindi ako natulog) lumiwanag ang dagat. mga bioluminescent na mga nilalang na hindi ko pa nakita. parang yung sa movie na Life of Pi. kaya ginising ko yung natutulog na tao dun sa labas(na palaging bumabyahe) kung normal lang yun. sabi nya, yun daw ay mga engkanto na gumagabay sa mga bumabyahe, para walang sakuna. di raw sila masyadong nagpapakita. kaya instead na matakot, namangha ako sa kagandahan. mga around 3 a.m, nawala na yung mga ilaw. di ko na kinuento sa mga kasama ko, di rin naman nila nakita e.

within 3 days, nag enjoy kami. instead na academic purposes aming punta, puro enjoyment napala namin.

then nung umuwi na kami, bumalik na sa dating bangis yung dagat. wala na yung magandang mga lights sa ilalim, at madilim na ang mukha ng dagat. malalaking alon na ang meron, tsaka ang rough nga byahe. sabi nung kasama namin, normal lang daw yun. nakabalik naman kami ng buo pa, pero 3 yrs later, until now, di pa rin ako makapaniwala sa experience na yun. gusto kong bumalik sa white sand, and mala-gatorade blue na dagat. ewan ko if guardian angel namin yung sinabi ng driver, and kung natural phenomenon lang yung nakita ko nung gabing yun. but one thing is for sure. in my lifetime, yung 3 days na yun ang hinding hindi ko malilimutan na experience.

salamat po, and pasensya if di masyadong magaling ang pagkasulat 😊

good day

1
$ 0.00
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty
Avatar for mikaella27
4 years ago

Comments