This is way back gabi ng December 15, 2015.
Tanda ko pa yun kasi birthday yun ng Tita ko at kinaumagahan eh simuka ng Simbang Gabi.
Ako at ang parents ko lang yung nasa bahay. Yung ibang kapatid ko kasama mga pinsan ko, nasa bahay ng Tita ko kasi birthday niya.
Around 10:30 or quarter to 11 na yata. Umulan ng sobrang lakas tapos may matching kidlat at kulog pa. Sa sobrang lakas ng ulan, medyo tumaas na yung tubig sa gilid ng bahay namin (mababa kasi yung area).
Doon nakalagay yung doghouse ng aso naming si Ichi. (dapat Hachi yan, yung sa movie, kaso bata pa bunso namin at bulol kaya naging Ichi nalang) Narinig kong tumatahol na narang nagpapaawa si Ichi. Naisip ko na baka naabot na siya ng tubig, kaya sabi ko sa nanay ko na baka basa na si Ichi, ipapasok ko sa bahay at sa kusina na siya matutulog.
Sa sobrang madali ko, hindi na ako nakadala ng flashlight. kumuha nalang ako ng payong at to the rescue na sa aso. Sobrang lakas ng ulan at ang laki ng mga butil.
Yung likod bahay kasi namin may bakod at maliit na gate. Meron din sampayan na malapit sa gate. Ilang metro lang ang layo nun sa doghouse. Since sobrang dilim na dahil sa ulan, nakadepende nalang ako sa kildat para makita ko kung paano matatanggal sa tali yi Ichi.
Medjo natagalan ako sa pagbubuhol ng tali kasi nakatali yun sa kadena na connected sa doghouse kasi isang kamay lang gamit ko sa pagbuhol, yubg isang kamay ko may hawak na payong, may nahagip ako sa gilid ng mata ko na puti doon sa may gate. Akala ko may naiwan na sinampay yung nanay ko, pero naisip ko hindi naman siya naglaba ngayong araw.
Tinitigan ko talaga ng mabuti kung ano yung puti kasi parang bestida na hanggang tuhod. Sakto naman na kumidlat, nagkaroon ng konting liwanag yung paligid. nakita kong may hugis tao yung bestida.
May nakatayo na babae sa gate.
Alam ko na babae siya kasi kita ko yung buhok niya na hanggang dibdib. tapos kita ko binti niya, hanggang tuhod niya lang yung bestida. Hindi ko na nakita yung mukha kasi mabilis lang yung kidlat.
Kasabay ng kulog na nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Sinabayan pa ng iyak ng aso namin na gustong gusto na makawala.
Sinabi ko nalang sa sarili ko na baka trick of the light lang kasi nga kumikidlat at baka nilalamig na lang ako kasi half body ko basa na at naka short lang ako. Pero hindi talaga nawala yung nakaputi kahit sa dilim.
Sinabi ko nalang na kukunin ko lang yung aso kasi maulan at papasok na rin ako. Sorry kung maingay si Ichi at nagambala ka, sabi kong parang kinakausap siya kahit nanginginig na ako sa takot. Sobrang tagal ko pa matanggal yung tali kasi one hand lang gamit ko. Kaya ginawa ko tinapon ko yung payong at dalawang kamay ko ng tinanggal yung tali kasi everytime na kumikidlat nakikita ko sa gilid ng mata ko na parang palapit siya ng palapit. Nung natanggal ko na si Ichi, binuhat ko siya kahit basang basa na at kumaripas ng takbo papasok ng bahay sa sobrang takot ko.
yan palang yung first encounter ko kay ategirl at marami pa po. And that's a story for another time. Salamat.