My friend's story.
Explain ko muna yung orientation ng kwarto. Isang malaking room 'yon na may storage room sa gitna at dahil hindi kami ganun karami ay hinati ito. Nasa gitna ng dalawang classroom ang storage room. Ang classroom namin ay nasa left side, ang main door ay nasa right side kaya meron ding pintuan sa plywood na nagddivide para naman makapasok sa room namin at katapat ng pintuan na yun ang storage room. Ang storage room na nasa gitna ay tinatawag ding 'Dark room'.
Here it goes, madalas ipantakot ng mga teachers and dark room na yun sa mga studyante dahil bukod sa hindi ito nagagamit at walang ilaw ang kwarto na yon dahil nga storage room lang ay marami rin ang mga nakakatakot na kwento kwento dun. Holiday season na nun at malapit na rin ang aming christmas party sa school. Dahil ako ang naka-assign na cleaners, isa ako sa mga naglinis so dalawa kaming naglilinis sa magkabilang kwarto. Habang nagwawalis, pumasok sa room yung kaklase ko para takutin kami. "Pagbukas ko nito may makikita kayo!" pabirong sabi nito habang nakatapat sya sa pintuan ng dark room. Hindi naman namin sya masyadong pinansin dahil nga busy kami sa paglilinis at sanay na kami sa pananakot nya.
Tinuloy ko na ang pagwawalis habang binubuksan nya na ang pinto. Pagbukas nya, bigla na lang syang napaupo dahilan para mapatingin kami. Hinding hindi ko makakalimutan ang nakita ko noon, isang babaeng nakaputi na nakalutang. Sabay sabay kaming nagsitakbuhan dahil sa takot. Medyo maliit lang ang school namin na yun kaya agad na kumalat yung takot at nakarating na sa mga teachers. Pinapunta kami sa office at doon sinabi namin kung ano ang nangyari. Yung kaklase ko na nagbukas ng pinto, kilala syang loko loko at hindi mo basta basta mapapaiyak. Pero nung mga oras na yon, umiiyak at nanginginig sya sa takot.
Bumalik naman ang principal at teachers dun sa dark room para i-check dahil baka meron lang puti na bagay na nasa itaas katulad ng nakita namin pero wala silang nakita. Sigurado kami lahat sa nakita namin at alam namin na hindi kami namamalik-mata. Nasa office kami lahat para hintayin na ang mga sundo namin dahil uwian na rin naman nun.
Ako, laging late nasusundo nun kaya naman ako nalang ang natira dun dahil nasundo na silang lahat. Pagkaalis ng ibang students, dun na nagkwentuhan ang mga teachers at principal about sa mga nararamdaman nila school na iyon. Isang kwento ng principal namin ay isang gabi raw, habang nasa likod ang lahat dahil may event nun sa pagkakaalala ko ay graduation 'yon (May malaki kasing space sa likod ng school at dun ginagawa ang mga events namin) may napadaan daw sa harap ng aming school at may nakita syang nakaputing mahabang dress na babae na parang lasing na naglalakad sa bakuran ng school.
Hindi nya na ito pinansin dahil inisip nya na baka isa ito sa mga parents. Pero sabi ng principal namin, malabo naman daw na isa ito sa mga parents o studyante dahil wala naman daw nagsuot ng puting mahabang dress sa graduation. Pagkatapos nun ay ako naman ang tinanong kung ano yung nakita namin, pinadescribe saakin. Isa itong babaeng nakaputing mala-gown at ito naka long sleeves, pero hindi kita ang kamay nito, nakayuko sya at kulay itim lang ang bandang mukha nito. Nung nasabi ko na naka-long sleeves, bigla nilang naalala yung isang studyante doon na kinder.
Cj ang kanyang pangalan, sya ay isang bata na tahimik lang na lagi lang ngumingiti dahil hindi sya makapagsalita. Ilang buwan lang ang nakakaraan, nabalitaan namin nun na kakamatay lang ng mama nya sa isang tragic na pangayayari dahil ang tatay nya mismo ang bumaril. Syempre pumunta nun ang mga teachers at staff ng school para makiramay, at mayroon silang nakita na katulad ng description ko. Long sleeves ang suot ng mama ni Cj sa burol nito. Kinilabutan kami lahat dahil parehas ito sa pagkaka-describe ko.
Inisip nalang namin na baka hanggang sa mga oras na 'yon ay binabantayan parin si Cj ng kanyang ina dahil biglaan nga ang pagkawala nito.
Yun lang po! Isa pa lang din po ito sa aking mga nakakatakot na experiences sa schools, sana ay ma-post po ulit. Maraming salamat sa pagbabasa.