I was in Grade 5 nang mamatay ang bunsong kapatid ng Tatay ko. Dalawa lang silang mag-kapatid at parehong lalaki. Sobrang nalungkot ang Tatay ko ng mangyari 'yon at agad silang pumunta sa burol. Sa Orion, Bataan naka-tira si Tito. Hanggang sa mailibing ang Tito ko ay nag-stay roon ang Tatay at Nanay ko.
May tatlo palang anak si Tito at puro babae. Nang time na mamatay si Tito, 'yung misis niya ay parang nawawala sa sarili, dala marahil ng kalungkutan. Kaya nag-decide ang Tatay ko na kunin na lang ang bunso, kasi napapabayaan ang mga pinsan ko. Siya si Lolita, magkasing-edad kaming dalawa. Matanda ako sa kanya ng isang buwan.
Mag-kasundo naman kami ni Lolita, pinag-aral siya ng mga magulang ko at minahal namin siya na parang tunay na kapatid, para hindi siya maka-ramdam ng kakulangan sa buhay niya. Ako, dahil Daddy's girl ay lagi akong pabebe sa Tatay ko. Minsan ay nakikita ko si Lolita na naka-tingin sa akin at parang naiinis. Pero 'di ko na lang pinansin 'yun. Kasi sabi ng Tatay ko na intindihin namin siya. Siyempre, mga bata, kaya lagi kaming galit-bati.
Minulat ako ng mga magulang ko na maging mabuting bata dahil ibe-bless ka daw ni Lord.
Lumipas ang mga buwan, biglang nag-bago si Lolita. Lagi niya akong inaaway at sina-sabunutan pero hindi ako lumalaban kasi minsan ako pa ang napapahamak kay Tatay. Madalas akong mapalo nu'n dahil sa kaniya.
Month of March, patapos na ang klase. Sabi ni Nanay ay pupunta kami kay Ate Rose 'pag wala nang pasok, kasi may fiesta sa kanila that time, tsaka roon daw muna ako magba-bakasyon. Syempre, tuwang-tuwa ako kasi makakasama ko ang mga pamangkin kong sina Adam, Naomi, Sarah at Ruth (mga anak ni ate Rose). May isa pa akong Ateng dating nakatira roon, si Ate Aubrey.
Narinig kami ni Lolita at sabi niya na sama rin daw at umiyak pa siya sa Nanay ko. Malulungkot daw kung aalis ako na 'di siya kasama. So, pumayag na rin ang Nanay.
FF: Nasa Lubao na kami at tapos na rin ang fiesta. Iniwan kami ni Nanay roon sa Lubao, kay Ate Rose.
'Yung bahay ni Ate Aubrey ay malapit lang doon, may mga alagang baboy si Ate Aubrey at may limang kural ng baboy sa likod bahay. Tatlo sa kaliwa, dalawa naman sa kanan. May mga bakante na kural at 'di ginagamit. Nabenta na kasi ang ibang baboy. Tapos sunod sa kanan ang CR. Doon kami nakiki-gamit, lampas ng apat na bahay. Then yung likod na no'n is a vacant lot na maraming tanim na puno, naka-bakod ng alambre. At pagkatapos ay palayan. Creepy ang place. Madawag. Kayo na bahalang mag-imagine, I'm trying my best to describe the place.
Noong maliit pa ako (5 y/o) ay sinabi sa akin ng Nanay ko na 'wag akong pupunta sa likod dun kasi may mga engkanto raw sa lugar na 'yon. Tawag sa amin sa Kapampangan ay "manlilili". 'Yung ililigaw ka or isasama, tapos 'di ka na babalik. Alam din ng mga pamangkin ko 'yun. BTW, yung nanay ko ay nakakaramdam at nakakakita, bukas ang third-eye. Na-kuwento ko na siya before sa story kong "BIBLIA".
One day, nag-paalam si Naomi (anak ni Ate Rose) na masakit daw ang tiyan at tatae, mga 1PM 'yon. Sumunod kami sa kaniya, tapos naglaro kami ng mga pamangkin ko sa mga kural-baboy ng bahay-bahayan. Ako, si Lolita, Naomi, Sarah and Ruth. Hinintay namin na makatapos si Naomi, HAHAHA. Siyempre 'pag bahay-bahayan, may anak at nanay. Kunwari nagluluto, natutulog, namamalengke,ganun. Anak kunwari ni Naomi sila Sarah at Ruth, ako naman ay anak ko si Lolita. Edi nagluluto kami kunwari tapos mamamalengke. Nanguha kami ng mga dahon-dahon du'n sa bakanteng lote--kami ni Naomi. Si Lolita sumunod naman sa amin. Lumusot kami sa alambre.
Sabi ni Naomi, "Tita huwag kang pupunta riyan."
Pero tumuloy pa rin siya at kumuha ng kamachille at atis.
"Makulit talaga siya", sabi ko.
Tapos tumuloy na kami at nagpunta sa kulungan ng baboy. Luto-luto.
Nagka-yayaan na kaming umuwi nu'n nang napansin namin na ang tagal ni Lolita. Tapos narinig namin siyang sumigaw, tinawag niya ako.
"Ate, Ate!"
Pumunta kami sa likod ng pamangkin ko at hinanap namin siya. Magkakasama kami at takot kaming maghiwa-hiwalay. Tapos nakita namin ang tsinelas ni Lolita, pati ang hawak niya kaninang laruang pinggan at kutsara. Pati ang kinuha nyang atis at kamachille. Hinanap namin si Lolita pero 'di namin siya nakita. 'Di namin alam kung paano kami uuwi at sasabihin kay Ate ang nangyari.
Sobrang galit ni Ate Rose nang makauwi kami at nang malaman na nawawala si Lolita. Nag-hanap sila ng asawa niya, hanggang kinabukasan ay wala pa ring nakitang Lolita.
Ni-report na ito sa mga kapulisan, sa bayan ng Sta. Cruz at Floridablanca.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Walang report tungkol kay Lolita. Dalawang dekada nang nakalipas, 22 years to be exact pero wala pa rin kaming alam kung nasaan na ba ang pinsan ko. Sobrang lungkot ni Tatay no'n.
Nang mauso ang Facebook ay sinubukan ko siyang hanapin. Pero bigo ako dahil ang mga kapangalan niya ay apelyido pala ng mga asawa nila 'yun. Chinat ko pa 'yung mga account.
Nu'ng bata ako inisip ko baka nga sinama siya ng mga manlilili o engkanto na sinabi nila sa amin.
Nararamdaman kong buhay pa siya. Kung sakali mang inampon siya at pinalitan ang pangalan ay malamang hahanapin niya kami, kasi may isip na rin siya that time.
Palaisipan pa rin sa akin 'to, madalas kong mapanaginipan 'yung nangyaring yun na tinatawag niya ako at parang nagpapa-saklolo.
Yung mga ate nya, 2 years ago lang namin sila na-trace at nabigla dim ng malamang nawawala si Lolita. Naging masalimuot din pala ang naging buhay nila.
Thank you and God bless!