Dapat matutulog na ako eh. Kaso andami kong naiisip.
May mga oras na hirap akong mag isip talaga ng isusulat dito sa read. Gusto ko kase na organized, interesting, at maayos yung isusulat ko dito. Kaso wala talagang specific na topic yung kaya kong isulat.
Minsan naman may mga oras na may naisip na ako, pero parang pang noise sya sa ikli. Kaya minsan sa Twitter or noise ko na lang sya pinopost.
Sampol tong ginagawa ko ngayon na pagsulat. Spur of the moment lang to kase may mga naiisip ako pero di ko alam paano ikoconstruct.
Or basically hindi lang talaga ako makatulog. Hahaha!
Nga pala, kelangan ko na talaga matulog kase andami kong aasikasuhin para sa bago kong work. Naeexcite ako ng very light kase after a year, may trabaho na ako ulet. Kaya kelangan pag igihan ko. Kung kelangan magpaka-Jollibee (in a good way) gawin natin! Basta looking forward ako para doon.
Medjo hassle lang mag asikaso ng requirements ngayon na pandemic kase hindi ka talaga makakalabas at makakapunta basta basta. Kelangan mo magset ng appointment schedule talaga pag hindi available online. Ewan ko ba, madami naman pera gobyerno pero hindi magdevelop ng modern na paraan para sa mga ganito. Dami time mangurakot hayst.
Pinoproblema ko pa pala kung may open ba na pa-picture-an ng 1x1 sa mall ngayon. Di ko kaya mag edit ng picture wag kayong ano. Hahaha!
Siguro ikwento ko na lang din sa mga susunod na araw yung adventures ko sa pag kuha ng requirements. Sakto bukas, NBI Clearance ang nakasched kong gawin at pa-picture. Balitaan ko kayo.
Malapit na rin ako mag-birthday share ko lang. Tas the day after non, deadline ng requirements ko. So parang hindi ko ren maeenjoy birthday ko gawa ng kelangan ko masubmit agad requirements ko. Pero oks lang. Ganun talaga bhieeee tiis tiis lang. Anu pa't magiging ok rin ang lahat.
Kung hindi lang pandemic, baka nakaplano na kame ng asawa ko ng bakasyon. May mga times na medjo inggit lang kame sa iba na nakakalabas labas jan kase may kotse sila. Eh hindi tayo mayaman na may maraming pera pang antigen test so waley. Dito lang talaga sa bahay. Pero yun nga, tiis tiis pa rin. Anu pa't matatapos ren tong pandemyang ito.
Wag nyo na tanungin kung ilang taon na ako. Wala na ako sa kalendaryo. Hahahah!
O sha sige, pipikit na talaga ako. Try natin ulet magpost ng maayos na article in the coming weeks. Yung todo english ganon. Hahaha!
Sana bisitahin ulet ako ni Rusty kahit tagalog yung post ko. Huuuu I miss you Rusty!
Totoo na to. Magandang madaling araw!
Which is this language?? I tried to read it many times