The Transferee II

12 43
Avatar for meitanteikudo
3 years ago

This is the continuation of the story : My Escort Girlfriend , The Transferee

"Gusto mo bang... mauna?" medyo kinakaban parin akong kausap siya.

"Nah, I haven't really read this part pa eh, So I think mauna ka na muna, panuorin na lang muna kita. Will that be okay?"

Bakit kelangan magpacute siya habang nagtatanong siya? Teka, nagpapacute ba siya o talagang cute lang talaga siya?

Napalunok na naman ako ng hangin, di ko na mabilang kung ilang beses ko na ginawa to this period.

"Okay." sagot ko. 'Yun na lamang ang tanging nakayanan kong banggitin habang nagpipigil ng lahat sa akin.

Nilapit ko na ang upuan ko kaharap ng computer screen.

Start server.

Naramdaman ko ang sya namang paglapit din ng upuan ni Bianca.

Choose schema.

Kita ko sa sulok ng aking paningin ang pagsulyap niya sa screen.

Database successfully connected.

Ang  buhok nya, ang bango hindi ko alam kung pano ako hihinga ng hindi nya iniisip na nilalanghap ko ang halimuyak nito. Excuse me, hindi ko kasalanan 'to. Sadyang tinatangay lang ng hangin ang samyo ng kaniyang buhok.

Nagsimula rin akong magtype ng queries at kung anu ano pa. Sa hinaba haba ng naitype kong mga stored proc hindi ko alam kung nasundan niya ako.

Nilingon ko muna siya bago ko i-run ang code namin. Ngiti din naman siya.

"Hope it works." sabi ko.

Pag click ko ng run. 'Boom' error kaagad.

Ramdam kong pumutla ang mukha ko dahil siguro sa kahihiyan.

"Oh, what happened. Let me see." sabi niya sabay abot sa hand out namin na nasa computer table ko.

Dumaan ang katawan niya sa harap ko sa pag abot niya nito. Para bang nanigas ang buong pagkatao ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kung saan lilingon, hindi ko alam kung anong gagawin kaya hindi ako gumalaw, kahit paghinga ko ay pinigil ko na rin. Nang makuha na niya eh sabay binasa niya ng mabuti.

Para mailigaw ang sarili ko sa pag iisip ng kung anu anong ideya eh binasa ko naman ang mga inencode ko.

"Nakita ko na," pagmamayabang ko sabay pindot sa keyboard.

"Kulang lang ako ng apostrophe dito" sabi ko. 

Nag run na nang maayos ang query namin.

"Wow, you're good." sambit niya habang nakangiti. Napangiti din ako habang titig sa kanya.

"Oh, ikaw naman." sabi ko. 

Tumayo ako para sya naman ang makaupo sa harap ng computer. Nagsimula na siyang gawin din ang second part ng exercise. Natapos niya at hindi rin nagtagumpay sa unang pagkakataon, at mukhang pagkakataon ko namang pumorma. 

Inabot ko ang mouse at hinanap kung san siya nagkamali at natagpuan ko naman salamat sa Diyos, kundi napahiya din ako. 

"Ang galing mo naman." she said while I'm leaning towards the computer passed her. At ang mukha naming dalawa ay magkalapit ng sobra, halos maramdaman ko na ang paghinga niya. 

Nag smile siya at medyo napaatras naman ako na nahihiya pa.

"Ah, thanks. Sinunod ko lang naman kung ano nakasulat diyan eh." 

Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang mabigat na titig ni Melody sa amin. Nagseselos kaya siya? O nagagalit siya dahil nagmumukha akong tanga. 

Natapos ang klase sa isang matamis na paalam ni Bianca.

"Thanks for your help MJ, I'm sorry but I'll rely on you with helping me with things, may I?" 

Anu pa ba naman ang masasagot ko?

"Sure Bianca. Anytime." sabay alis niya.

Parang isang panaginip na natapos ang pakiramdam ko at mahapding kurot ng reyalidad. Teka, masakit nga. May kumurot nga sakin, si Melody.

"Sus Mikey, ung ngiti mo kanina abot hanggang 3rd gate. Nakita mo bang tumulo ang laway mo?" tanong niya.

"Ha? Hindi nga?" sabay punas ko naman sa bibig ko. 

"Luko luko. Tara na nga uwi na tayo." sabi niya matapos akong batukan. 

Matapos ang isang oras at mahigit na biyahe nakauwi na kami ni Melody. Siya sa bahay nila at ako sa amin. Magkalapit lang din naman ang bahay namin mga limang bahay siguro ang pagitan.

Nakatira ako sa isang lumang subdivision na medyo malapit sa bayan kaya nagkalat din ang mga house for rent, bed space for rent at mga apartment for rent tulad nitong katapat ng bahay namin.

Medyo katatapos lang nito kaya mga bagong mukha at tao ang nakatira at titira pa lamang. Isang magandang gusali na may limang palapag ang building na iyon.

Pinagmasdan ko pa ng sandali ang apartment bago ako pumasok sa bahay. Diretso ako sa kwarto ko sa second floor.

Medyo maaga pa naman kaya ang lola ko pa lang ang nasa bahay. Nakatira ako kasama ang tatay ko na nasa trabaho pa sa ganong oras at kapatid kong babae na nakaduty sa ospital.

Hagis ang notebook na dala ko galing eskuwela at sabay bihis na ako. Naupo ako sa may bintana habang nakatanaw sa apartment habang katext pa si Melody, nangungulit pa rin siya tungkol kay Bianca.

Aaaah, si Bianca na ultimate crush ko, si Bianca na laman ng panaginip ko, si Bianca na nakasulyap din sa bintana ng apartment sa fifth floor. 

HAH? Bianca???!!!!!

Dali dali akong nagtago at ramdam ko ang tibok ng puso kong sobrang bilis. Aatakihin ba ako? Dahan dahan akong sumilip ulit at nakompirma kong si Bianca nga ang nasa apartment.

Shit. Anung gagawin ko? First, kaklase ko na siya, ngayon kapitbahay ko pa siya? Ramdam ko ang swerte sa araw na ito.

At nabago ang lahat ng makita ko siya, na nakatingin din sa akin. Naniniwala na akong nauubos din ang swerte, nang makita ko siya na nakasimangot sabay sarado ng kurtina niya.

Shit. Shit. SHIT! 

Hey there!!!

Here we go again with another part of an old gem of mine. I hope you liked it. The stories are linked together so if you haven't read the first part yet, you need to go back an article backwards.

Anyhow, I really appreciate your time spent here and I will be back to the usual blog posts tomorrow. Enjoy the rest of the weekends...

Cheers!!!

8
$ 1.18
$ 0.80 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Crackers
$ 0.10 from @FarmGirl
+ 4
Sponsors of meitanteikudo
empty
empty
Avatar for meitanteikudo
3 years ago

Comments

eh? nanigas talaga katawan mo Mikko ha... at eh? bakit siya napasimangot ? at sure ba Mikko na nakita ka niya? hmmmmm?

$ 0.00
3 years ago

hahah abangan sa susunod na..... kabanata. hahah

$ 0.00
3 years ago

aigooooo!!!! hihihih

$ 0.00
3 years ago

Wahahahaha, bat ganon isa't kalahating malantod din si Mikko ahahahaha. Ang cute nila kaasar. Pero bat nakasimangit ang anghel na bumaba sa lupa? Hahaha

$ 0.00
3 years ago

haha malantod tlaga eh. likas na. haha

yan ay malalaman natin sa pagbabalik... ng TV!!!patrol... hahaha

$ 0.00
3 years ago

Waitinggf, gawan mo na kasi agad. Wag ng magpa tumpik tumpik, kara karakas. Ahaha

$ 0.00
3 years ago

hahaha chill lang.. tamad pa ko eh.. hahhaha

$ 0.00
3 years ago

Ayyy HAHAHA sanaol klasmet na kapitbahay pa. Aba napaka swerte naman natin jaan 🤣

$ 0.00
3 years ago

hahaha ay sana kung ganun.. yari na talaga noon. :D

$ 0.00
3 years ago

It is totally Philpines Language. I translate it in english and then I read it.

$ 0.00
3 years ago

Does it make sense though, in translation?

$ 0.00
3 years ago

It gives more clearity and details to me.

$ 0.00
3 years ago