My Escort Girlfriend : The Transferee

19 38
Avatar for meitanteikudo
2 years ago

Ito na ang ikalawang bahagi ng kwentong : My Escort Girlfriend.

Naalala ko na medyo may kaingayan ang buong klase noon sapagkat first time ulit magkita kita ng iba sa loob ng ilang buwan. May mga nagkukwentuhan, may mga naghaharutan at syempre may mga lowkey na naglalampungan na. Wala ka namang masisi at "namiss" nila ang bawat isa.

Pagbukas ng pintuan ng silid aralan ay unti-unting kumalat ang katahimikan hanggang sa ang buong classroom ay nawalan ng imik. Ako'y nagtaka at medyo na-curious kung ano ang nangyari kaya lumingon din ako sa gawing pintuan.

Lumuwa ang mata ko sa aking nakita dahil hindi professor ang pumasok sa room sa mga sandaling 'yun.

Para bang bumagal ang takbo ng oras, hindi ko alam kung panaginip pero sigurado akong nakakita ako ng mga bituing kumikinang sa may bukana ng kwartong iyon at narinig ko magandang tugtog na A thousand years piano version sa bawat hakbang niya.

Tama ka, ang Dyosa ng campus, si Bianca Victoria Santos.

Hindi ko nagawang magtaka kung bakit nasa building namin sya, kung bakit nasa classroom namin sya, kung bakit nasa harap ko siya, nang biglaan siyang ngumiti at nagtanong sa akin.

"IT-6. It's this room, right?"

Medyo nablanko ata ako at hindi ko naintindihan ang sinabi nya at parang nakasulat sa mukha ko iyun dahil inulit nya.

"This room, this is IT-6 right?"

Ah, oo nga pala, 'yun nga pala ang address ng room namin, hindi ko alam ang gagawin at tumango nalang ako at sabay sabing

"Ah yes, and why are you here?" Shocks, English yun. Pinakiramdaman ko ang ilong ko, okay, wala namang dugo. Kaya to.

At hindi ko alam kung bakit ko nasabi at natanung yun, namamanhid na ang utak ko sa panahon na yun, 'the way her hair falls down to her chest, her angelic sweet smile, those kissable pinkish little lips, her big round eyes, the heaven in her breath, her sugar-coated scent' lahat yun, nababaliw na ata ako. 

"Oh, I shifted course for this semester. Hindi talaga ata para sakin ang masscom eh. Long story cut short, eto ako ngaun, and I presume we're classmates." sabi niya sabay abot ng kamay niya sakin.

"I'm Bianca, nice to meet you..." at 'yun na ang cue ko para magpakilala din.

"I...I...." bakit di ko masabi ang pangalan ko?

Kinakabahan talaga ako. Nararamdaman ko ang init paakyat sa mukha at tenga ko.

"Mikko James." sagot ko sabay abot sa kamay nya. 

Ang haplos nya, ang lambot ng kamay niya! Ayaw ko ng bumitaw pero ayaw ko din namang masabihang manyak ng ultimate crush ko kaya nagtimpi ako at dahan dahang bumitaw sa hawak nito.

"Mikko James huh, MJ na lang ah?" sabi ni Bianca.

"Syempre naman, basta ikaw." sagot ko...

At teka lang? Nasabi ko 'yun? Hindi ko rin mapaniwalaan sarili ko pero nangyari na. At nagpapasalamat ako at nangyari dahil ngumiti naman siya at natunaw ang puso ko, nararamdaman ko.

"Ah, may I?" tanong niya sabay turo sa bakanting upuan na hawak hawak ko.

"Yeah, sure. Of course."

"Thanks." sagot nya at umupo na siya sa tabi ko.

Napalunok na lang ako at natameme. Ramdam ko ang mga mabibigat na tingin at titig sakin ng mga tao sa room, pero may isang presensya na talagang tumatagos sa pagkatao ko, nilingon ko kung san nagmumula ang kakaibang pwersa na iyon at nakita ko si Melody sa kabilang dulo, masama ang titig sa akin.

Painosenteng ngiti ko sa kanya at sabay peace sign.

Mga ilang sandali pa ng katahimikan ay dumating na din ang professor namin. Discussion. Discussion. Discussion agad, first day pa lang?  Parang hindi naman ito nangyayari sa totoong buhay.


 "Okay class so that's it. Enough with the theories muna, I'll give you guys an exercise so that you can see what SQL can do, in an advanced level." 

Oo nga pala, second year na to, tapos na ang mga basic courses pero kung andito si Bianca at nagshift lang sya dapat balik sya ng first year. Nagiisip ako nang hindi ko namamalayang nakatitig ako sa kanya at nakatingin naman siya sakin. 

"MJ, okay ka lang ba?" 

"Ha? ha? Okay lang... bakit second year ka na kaagad? Kung nagshift ka dapat first year courses ka muna diba?" tanong ko.

"Yun ba ang malalim na iniisip mo? I took up crash courses, nung last year pa ako nagstart so halos nakasabay lang din ako. And I hope, tutulungan mo naman ako kung may di ako magets di ba?" malambing na tanong nya.

Teka, sandali. Tama ba ung narinig ko? Tulungan ko daw siya?

"Class unfortunately these computers over here are not connected to the network so you have to do this in pair. You can do it alternately. The one you're sitting beside shall be your partner for the activity. If you're ready you can start typing." 

Sa buong buhay ko pinangatawanan ko ang pagiging maginoo. Iyon kasi ang turo ng tatay ko, laging paunahin ang mga babae. Kahit ano mang bagay.

Ang aming mga mata ay nagtagpo, hindi ko maipaliwanag ang kaba sa aking dibdib. Isang tanong lang naman ang nais kong sambitin pero napipigil ng aking mga labi ang gustong isiwalat ng aking damdamin.

"Uhm... Bianca..."

"Yes MJ?"

"Bianca ... pwede bang..."

"Hmm..."

"Gusto mo bang ..."

Hey there!!!

And welcome back! How have you been? This is the second part of an old story of mine written in my native tongue. I am really out of topic to write today so I just decided to share the continuation of this old story. This part is too long so I had to cut it in two, I don't want you straining your eyes from reading this so, be back later for the continuation. Okay?

But for now, let's just chill and rest and as always ...

Cheers!!!

6
$ 1.44
$ 1.25 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 3
Sponsors of meitanteikudo
empty
empty
Avatar for meitanteikudo
2 years ago

Comments

The UK sex guide encompasses a wide range of information and resources that aim to educate and inform individuals about various aspects of sex as the uk sex guide delves into topics such as consent, safe sex practices, sexual health clinics, and contraception options. The guide not only provides practical information but also addresses issues such as sexual identity, gender diversity, and the importance of open communication in relationships.

$ 0.00
4 months ago

Ay meganern pala ditey... Mabasa nga yung iba. Hahaha.

$ 0.00
2 years ago

ay wow. May nakakita pa. hahaha :) thanks...

$ 0.00
2 years ago

Uu naghahanap ako ng mga Tagalog posts kanina eh. hehe

$ 0.00
2 years ago

hahah nagcocompile sa buwan ng wika ano. hahah

$ 0.00
2 years ago

Naghahanap ng ebidensya na kumikita naman kahit Tagalog. Hahaha.

$ 0.00
2 years ago

ahhh hirap naman eh.. ehe nagtagalog lang ako naging matumal ung bisita sakin. hahahaha pero madaming bisita sa ating mga friends. hahah

$ 0.00
2 years ago

Exactly. :)

$ 0.00
2 years ago

uyyyy baka may gusto si Melody kay MJ kaya masama tingin niya...ay nakku MJ anung pwede bang..lakas mambitin netoh..next na kasi alam kong late ako nagbasa lol!

$ 0.00
2 years ago

hahhaha tignan natin kung masundan. hahhaa

$ 0.00
2 years ago

nasundan na

$ 0.00
2 years ago

sunod sunod na. :) basta kaya. haha

$ 0.00
2 years ago

yipey!

$ 0.00
2 years ago

WAHAHAHAHAHA, tama tama dapat talaga laging paunahin ang babae sa lahat ng bagay, lalo na pag malapit ng....

Anyway, wahahahaha sino si Melody naman?

$ 0.00
2 years ago

ituloy mo Ruffa!! Ituloy mo!! Malapit na ehh... ang alin?!!! hhaha

ewan ko ba.. matagal ko nang naisulat yan, maganda lamang talaga ung pangalan na yun. haha

$ 0.00
2 years ago

BWAHAHAHAHA, kahit akin nga. Kung anonh nasa isip mo yun na yon, bwahahahaha.

Nagagandahan ka sa melody na name 😂

$ 0.00
2 years ago

hahhaha ayan.. tapos na hahhahaha

ah oo! :) cool eh

$ 0.00
2 years ago

Aba tagalog pla to.. buwan ng wika nb? 🤣

$ 0.00
2 years ago

haha oo as in. Hhaa kelan ba un?? Wala na kasing maisulat eh. ahha

$ 0.00
2 years ago