Masasabi ko na isa pa din ako sa may maayos na kalagayan ngayong panahong ito. Nakakakain pa din nang maayos, may trabaho pa din at ang pinaka importante ay walang nagkakasakit sa pamilya ko. Subalit ramdam ko pa din ang hirap ng sitwasyon na kinakaharap natin ngayon. Nakakarindi na ang balitang nababasa at naririnig natin sa radyo at telebisyon na wari ko ay paulit- ulit na lamang.
Bilang isang ordinaryong mamamayan, maigi na ang akong nagagawang tulong sa pamamagitan ng hindi paglabas at pagsunod sa alituntunin ng aming barangay. Sa paraang ito, ay nakakatulong ako upang hindi na kumalat pa ang virus na ito. Nakakalungkot nga lamang isipin na may ibang kababayan tayo na hindi natin masisisi na maghanap ng ipantatawid gutom araw araw. Sino ba ang dapat sisihin sa ganitong sitwasyon? Kanino ba ang pagkukulang?
Sa susunod ay pipilitin kong talakayin ang timeline kung paano nga ba nagsimula ang pandemyang ito sa ating bansa at ano ang mga naging aksyon ng gobyerno sa kasalukuyan. Nililinawa ko lamang na ito ay hindi politikal na artikulo, bagkus ay paglilinaw sa kasalukuyang sitwasyon natin ngayon bilang simpleng manggagawa.
laban lang 🤗😇❣️