Epekto ng Pandemya (4)

0 0

Narito ang ikaapat na bahagi ng aking timeline na tumatalakay sa paglaganap ng virus sa Pilipinas.

2020, January 30

Isang babaeng may edad tatlumpu't walo ang kinumpirma ng DOH na positibo sa virus kung saan ay nagtungo ito mula Wuhan patungong Pilipinas. Dito na iminungkahi ni Duque na pagbawalan muna ang mga biyahe mula China papasok sa Pilipinas na taliwas sa kanyang naunang pahayag.

Samantala, itinaas sa antas ng WHO ang virus na ito bilang isang "public health emergency of international concern" (PHEIC); ang pang-anim na pangyayari mula noong 2009. Sa panahong ito ay umabot na sa 7700 ang positibo habang 170 na ang nasawi. Habang 80 naman ang kunpirmadong kaso sa ibang bansa bukod sa naitala sa China.

Opinyon:

Pakiramdam ko ay masyadong naging kampante ang ating pamahalaan at ang ating kagawaran ng kalusugan sa pangyayaring ito. Masyadong naging maluwag ang mga patakaran sa pagpasok ng mga dayuhan. Maaaring ito ay dahil sa pinagbabatayan nila ang anunsyo ng international organization kung kaya pakiramdam ko ay nahuli ang mga babala. Bilang isang mahirap na bansa, dapat ay mas doble ang ating pag-iingat sa mga ganitong pangyayari dahil wala tayong resources at pondo para ilaan sa mga ganitong sakuna. O magkakaroon naman kung uutang na naman tayo sa ibang bansa.

2020, January 31

Sa panahong ito ay ipinag-utos na ni Pangulong Duterte na pagbawalan muna ang mga flights mula Hubei province at iba pang lugar na mataad ang kaso ng virus. Kumilos na din ang PAL at Cebu Pacific upang magsagawa ng disinfection program sa mga eroplano, maglagay ng thermal scanner sa mga paliparan at magpakalat ng impormasyon ukol sa virus. Samantala ay ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Iloilo sa Cebu Pacific na ikansela ang mga flights mula Hongkong na magtutungo naman sa Iloilo International Airport.

Opinyon:

Tama ang ginawa ng mga ahensya na maghigpit at magkansela ng mga biyahe na papasok sa Pilipinas. Subalit huli na. Pakiramdam ko ay dahil wala pa naman tayong isinasagawang testing ay nakapasok na ang virus sa ating bansa at marami na ang carrier dito. Mahirap labanan ang virus kung ito ay kumalat na at di na natin alam kung sinu-sino ang dapat itest lalo at kulang tayo sa mga testing equipment dahil nga sa kawalan ng pondo.

2020, February 1

Samantala ay sumunod na din ang Air Asia na magkansela ng mga flight simula Manila papuntang Hongkong, Macau at China na epektibo hanggang unang araw ng Marso.

Opinyon:

Tama ang hakbang na huwag payagan na makalabas pa ng bansa ang ating mga OFW. Sapagkat mahirap magkasakit kung malayo ka sa pamilya. Gayunpaman, dapat ay pagtuunan ng pansib ng gobyerno ang pagbibigay ng ayuda sa mga itinuturing nating bayani.

2020, February 2

Samantala, kinumpirma ang unang kaso ng pagkamatay sa labas ng China kung saan sa Pilipinas ito binawian ng buhay. Ito ang "Patient 2" o ang ang ikalawang nagpositibo sa Pilipinas. Kasama nito na nagbiyahe ang babaeng unang nagpositibo sa ating bansa. 24 naman ang PUI na nagkaroon ng contact sa mga positibo ang nagnegatibo sa testing.

Opinyon:

Mahirap malaman kung sinu-sino ang mga PUI at noong panahong ito kung tama ang pagkakatanda ko ay itetest ka lamang kung ikaw ay may sintomas. Subalit napag-alamang may mga taong "asymptomatic" o yung hindi makikitaan ng sintomas ng virus kahit positibo na ito.

Habang palalim ng palalim ang aking artikulo ay marami din akong natututunan sapagkat nagbabalik ang mga alaala sa akin sa kung paano tayo mamuhay bago pa lumala ang sitwasyon. Kung gaano natin hindi sineryoso ang ganitong bagay. Sana ay itanim natin sa ating mga isip na mainam ang handa sa lahat ng panahon. Mainam ang nagtatabi ng kaunti upang kapag may mga sakuna ay may madudukot tayo.

1
$ 0.00

Comments