Nitong mga nakaraang araw, halos hindi ako makatulog nang ayos, ni sa pagkain wala akong gana. Iniisip ko pa rin yung sitwasyon ko ngayon at hindi ko maiwasang ikumpara yung lugar ko sa mga kasabayan ko at sa mga kaibigan ko.
Siguro hindi ko lubos na maipalawanag kung gaano ako ka-frustrated at paranoid para sa future ko.
Siguro para sa inyo paulit-ulit ako.
Siguro para sa inyo napakababaw ko.
Siguro para sa inyo wala lang ‘to.
Pero para sa akin, malalim ‘to at hindi ko alam paano pakakalmahin ang sarili ko sa walang katapusang agos ng kaisipan na halos hindi ko na makontrol.
Naikwento ko na paulit-ulit sa noise.cash at sa mga naunang artikulo ko na lumipat ako ng school at sa paglipat ko ng school hindi ko nakalkula yung panahon at pera na posibleng masayang ko. Ang tanging nasa isip ko lang nung mga panahon na iyon ay “gusto ko umalis at magsimula sa panibagong lugar” dahil iyon naman talaga ang matagal ko nang gusto, ang makaalis doon.
Nung Linggo, nagkaroon kami ng Bible study at every night daw yun for two weeks. Yung lesson nung isang gabi ay tungkol sa mga katangian ng Diyos. Napukaw yung atensyon ko dun sa sinabi nung leader namin na isa sa mga katangian ng Diyos ay ang duminig ng mga panalangin. Mayroon daw tatlong paraan ang Dyos sa pagsagot ng dasal - Oo. Hindi. Hindi sa ngayon.
Dun sa bahaging iyon tinamaan ako. Ang tagal ko kasing hiniling kay Lord na ilipat na lang ako kasi nga ayaw ko dun, hindi ako masaya. Ang totoo nyan, nakailang attempt na ako dati sa paglipat ng school, iniyakan ko pa yun dati dahil ilang beses naudlot. Ngayon lang talaga natuloy dahil sa pandemic. Kaya naisip ko,
“Tama ba ang ginawa ko?”
“Tama bang sinunod ko yung sarili kong gusto pero kapalit nun ay mas napatagal ang pag-aaral ko?”
“Paano kung hindi talaga ito yung plano sa akin ng Diyos at dahil sa kapipilit ko ng gusto ko, ngayon naman ako nagsusuffer?”
Nakwento ko na rin diba na 2 subjects lang ako this sem. At dun sa part na yun, pag naiisip ko yun, nabobother ako, sobra. Nabobother ako kung ilan pa bang semester ang kailangan kong igapang para lang maging third year ako.
Sa totoo lang, dapat graduating na rin ako ngayon pero pinili kong tumigil ng isang taon dahil ayaw ko makompromiso ng online class ang pag-aaral ko. Sapat na yung isang taon na pahinga dahil pagod na ako maghintay. Ngayon, dapat third year na ako. Akala ko magiging third year na ako. Mali pala. Maling akala na naman.
Dahil sa pagiging makulit ko, ayun, nadelay pa ako lalo. Hindi ako pinayagan ng school na makakuha ng mga subjects na pang third year kasi nga transferee ako at kailangan ko raw muna kunin yung lahat ng subjects pang 1st year at 2nd year.
Ang pinagtataka ko kasi at pinakabumabagabag sa akin ay bakit dalawa lang? Bakit dalawang subjects lang po ang binigay nyo sakin? Excited pa naman akong pumasok ulit tapos dalawang subjects lang? Daig ko pa ang kinder nito. Halos di ako makatulog kakaisip kung ilang taon pa akong mahuhuli. Na habang tinetake ko yung pre-clinical subjects, nag-iinternship na sila. Idagdag mo pa yung takot na bumagsak sa isang subject at ulitin na naman yun. Panibagong dagdag na naman sa taon. Hay. Pagod na ako mag-isip. Ayoko na mag-overthink.
Alam nyo yung pakiramdam na gusto mong maiyak pero walang luha na lumabas? Ganun. Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Halos sumakit na yung ulo ko sa kaka-overthink. Gusto ko lang po ng peace of mind pero bakit parang napaka-ilap non?
Gusto ko lang naman makagraduate at makatulong sa pamilya.
Gusto ko lang naman makabawas sa gastusin ng aking mga magulang.
Gusto ko lang naman matuto at makatapos.
Bakit kasi nagkaroon pa ng pandemya, edi hindi sana ako nag-iisip nang ganito ngayon? Hindi sana tayo nahihirapan ngayon.
Naikwento ko na rin to sa iba kong mga kaibigan pero hindi pa rin sapat. Ayokong magmukhang paulit-ulit sa harap nila. Kaya eto, idadaan ko na lang sa pagsulat ang mga salitang paulit-ulit at ilang araw ko nang dala-dala.
Awww, mahirap tlga kalagayan ng lahat ngayon dahil sa pandemyang ito. Gamitin na lang natin ang panahon ngayon para idevelop ang sarili natin. Ang isip, puso at kaluluwa. Mahirap man pero alam ko darating din sa atin na maunawaan ang mga aral na matututunan natin sa mga pangyayari ngayon.
God is good all the time. :) Magtiwala lang tayo sa Kanya kahit mahirap gawin. Hehe.