Gaano kahalaga ang 200 pesos para sa'yo?

0 26
Avatar for mariaclara
3 years ago

Hustisya para sa lahat. Hustisya para sa mayayaman.

Kahapon ng gabi, sumadya sa bahay namin si Tatay Mar (hindi nya tunay na pangalan) para daw kausapin ang tatay ko. Ayokong maki-usyoso sa mismong pag-uusap nila kaya tinanong ko na lang si mama kung ano yung sinadya ni Tatay Mar. Nalaman ko na nanghihiram pala siya ng pera na nagkakahalaga ng 200 pesos. Nang tanungin ko si mama kung para saan ang pera, sinabi niya na pang renta raw yun sa higaan ng kanyang anak na nasa bilangguan. Ang isang bilanggo o kahit kamag-anak ng taong nasa selda ay dapat magbayad ng 100 pesos kada buwan upang makatulog siya sa isang kama at hindi sa sahig ng bilangguan.

Nung nalaman ko 'yun, hindi ko mawari kung ano yung nararamdaman ko. Naghalo-halo yung lungkot para sa sitwasyon, yung galit para sa sistema at yung awa para sa pamilya nila. Noong nakaraang taon kasi, yung anak ni Tatay Mar ay maling nahatulan sa kasong may kinalaman sa droga. Sa madaling salita, isang biktima ng pekeng Oplan Tokhang ni Duterte at ngayo'y, humahagilap ng pera pang renta sa kanyang kama, na kung tutuusi'y hindi na dapat nila pinoproblema.

At paano ko nasabi na isa sya sa mga maling inakusahan?

Nakita namin kung gaano siya kasipag kumayod para sa pamilya niya araw-araw. Kung talagang kasangkot sya mga ilegal na gawain, hindi na dapat sya nagtyagang magmaneho ng jeep nang 10 oras sa isang araw para sa kakarampot na sahod; dapat mayroon silang isang marangyang pamumuhay ngayon, ngunit hindi. Kita ko yung hirap nung asawa nya para saluhin yung responsibilidad na naiwan nya dahil lang sa maling hatol ng hukuman. Nung nalaman ko 'yun dati, sobrang naawa talaga ako para sa kanila lalo na sa kanyang 3 maliliit na anak na dati, sobrang excited sumalubong sa tatay nila t'wing igagarahe ang jeep.

Naisip nila mama na kaya kinailangan nilang magrenta ng higaan ay dahil punong-puno na ang mga kulungan at ang paghiga sa kama sa gabi ay isa pa ring pribilehiyo.

You see, everything about the system is freaking wrong. Isipin mong kinailangan pa nilang umutang ng 200 pesos pambayad sa higaan ng kulungan.

 Isipin mong may mga taong kinakailangan pang mangutang ng dalwang daang piso (200) na kung tutuusin ay barya o wala lamang para sa mga mayayaman. Para sa kanila, hindi nila 'to tinuturing na maliit kundi katumbas nito ang dalawang buwang kaginhawaan sa pagtulog ng anak n'yang nasa selda.

Ilang tao pa nga ba ang kinakailangang dumanas ng parehong sitwasyon nang dahil sa corrupt na sistema. Nakakalungkot. Nakakagalit.

Totoo ngang ang hustisya ay para lamang sa may pera.

At kung di ka pa rin gising, aba, eh imulat mo 'yang mga mata mo kasi baka nabubulag ka na ng tinatawag nilang pribilehiyo.

2
$ 0.03
$ 0.03 from @kushina
Avatar for mariaclara
3 years ago

Comments