Who am I? (Sino Ako?)
Article #59
August 03,2022
Have you ever ask yourself , Who am I?
Sino ba ako? isang tanong sa aking isip na di ko maiwasan halungkatin sa kasuluk_sulukan ng aking utak. Para akong nasa isang matayog na lugar kung saan abot tanaw ng aking mga mata ang buong mundo.
Ano nga ba ang misyon ko sa mundo?
Isa lang akong simpleng babae ,ina at asawa na bumuo ng pangarap para sa pamilya ngunit sapat naba ito para masasabi kong kilala ko kung sino talaga ako?
Hindi ako perpekto,may sarili akong kakayahan na wala sa iba, iniiwasan kong wag ikumpara ang sarili ko dahil iba ako.Gusto ko maging inspirasyon sa mga kababaihan na kaya natin gawin ang mga bagay na mahirap sa paningin ng iba.
I am what I am and I don't need to pretend to please the people around me for those people does not appreciate on me,It's not my problem anymore.
Habang lumilipas ang panahon,mas lubos kong nauunawaan ang kahalagahan ng buhay.Hindi man marangya sa kung ano man ang aking namulatan atleast nagpapaka tao ako ng marangal at hindi nang aapak sa karapatan ng ibang tao.
Ano ang ugali na meron ako?
Minsan gusto ko magalit ng bonggang_bongga kapag nasasaktan ako na parang ang sarap sumigaw para lang maibsan ang sakit na ramdam ko.madali ako magdamdam kapag nababaliwala ang mga opinyon ko lalo na sa mga taong mahal ko.nagagalit ako sa sarili ko kapag ganito ang reaksyon ko sa mga bagay sa alam kung di naman dapat. Masama na ba ako? Dapat bang maguilty ako? Isa lang naman ito sa mga bad sides ko pero isa din naman akong mapagmahal dahil tinutulungan ko sa abot ng aking makakaya ang aking pamilya sa paraan na alam kong tama.
Ano ang gusto kong baguhin sa sarili ko?
May dapat nga ba ako baguhin? para saan? para kanino?
Mahal ko kung sino ako,di ko kailangan ang appreciation ng ibang tao para lang may mapatunayan na ako ay mabuti sa paningin nila. Kung may gusto man ako baguhin siguro yung pagiging "marupok" dahil isa sa mga kahinaan ng isang babae kaya madaling nauuto char!! Gusto ko lang maging totoo sa sarili ko at yakapin ng buong puso sa kung ano ako.mas masarap mabuhay ng wala kang ibang iniisip kundi ang pahalagahan kung ano man ang maging kapalaran mo sa mundo.
Always remember that in this life,only you can handle yourself and don't let anyone judge you the way of what they see you physically.
Live your life with conscience and soulā¤
Thanks 4 reading!
Lead image from Unsplash
I love these words that I am what I am and obviously for sure we do not pretend only to please people