Napakasaya maging bata, pag kagising mo sa umaga nagmamadali kang mag almusal para makapag laro agad kasama ang mga kaibigan, ang mga kaibigan mong makukulit, masayahin, mapag biro pero mababait. Maglalaro kayo ng patintero, agawan base pero ang tawag namin ay awtan base, gera patani, tumbang preso o tumbang lata. Umaga hanggang gabi na ang laro, breaktime lang kapag kakain na ng tanghalian. Meron pa ngang time na makikitulog ka sa kaibigan mo, minsan pa nga sabay sabay kayo naliligo sa ulan nanghuhuli ng butete naglalaro sa putikan.. Napakasaya maging bata., ang saya balikan ng mga ganyang alaala.
Ang tanong nasaan na kaya ang mga kaibigan o kababata ko nuon, malungkot dahil dalawa sa knila may asawa na, ang dalawa may boyfriend na.. Ako meron akong partner pero hindi ko kagaya, sya ay babae. Oo babae, pero dati nagkaron din ako ng boyfriend pero di kami nagtagal, simula nun ilag nako sa mga lalaki. Di ko maamin sa mga kaibigan ko na babae ang minahal ko., pero alam ko na alam na nila, dahil dito parang ilang at iniiwasan na nila ako, may kaibigan kasi ako na ayaw sa tomboy. Malungkot kasi yung akala mong kaibigan na masasandalan mo ay iniiwasan kana, diko alam kung nandidiri o ano.. Kaya ako iwas ako pag usapan ang istado ng aking relasyon, ayaw ko kasing mahusgahan., hindi ko naman kasalanan ma inlove sa kagaya ko, sadyang sa knya tumibok ang puso ko. Kaya ngayon ang mga kaibigan ko ngayon ay yung nakakaintindi at sinusuportahan ako. Nagpapasalamat ako kasi hindi man yung mga kababata ko ang nasasandalan ko eh.. Nakatagpo naman ako ng tunay na kaibigan.
Sana wala ng discrimination, sana pantay pantay na tingin sa lahat. Dahil tao din kami may puso at damdamin.
Happy pride month❤️❤️❤️😊
Done subscribe too