Helo po Kwento ko lang po ang buhay ng isang Waiter,,,, ang mga waiter po ay may ibat ibang level din Pinkamataas ay ang Head Captain Waiter, sumunod mga Captain Waiter,,tapos mga leader sila po yung mga naiiwan sa area at tumutulong sa pag oorder take ng mga order,may tinatawag din po tayong mga runner sila naman po yun mga pumapasok sa kusina na nagfofolow up at taga kuha po ng mga pagkain para dalhin sa dining area kung nasan ang mga lider at ordertaker tapos si lider o ordertaker na po ang bahala magserve sa mga guest..yan po ang sistema sa mga fine dining resto... may ibat ibang klas po kasi ang mga waiter, ndyan yung mga fine dining waiter,mga banquet waiters sila po yung mga nasa mga malalaking events kung saan buffet po o cocktail po ang style ng service..napakalawak po ng mga dapat pag aralan mo sa pagiging waiter dahil marami pong klase nang service ito hindi po biro ang pagiging waiter dahil kailangan mo ng mahabang pasensya lalo na sa mga makukulit na guest,,.alam nyo po ba na ang pagiging waiter ay dumadaan na ngayon sa maraming seminar? tama po marami pong seminar dahil ang Waiter po ay isa ng propesyonal na trabaho hindi po biro ang pagiging waiter lalo na kung nasa fine dining restaurant ka..... bakit ko po ito alam??? kasi Isa rin po akong Waiter kasalukuyan Lider/Ordertaker sa isang malaking pribadong kumpanya na syang tumutulong sa ibat ibang bansa mga banyaga po ang aming mga guest... salamat po...
Whaha pangarap ko dati yan lodi kso dpala gnun kalaki sahod haha 😂 😂 kla ko mganda ng trabho yan pero my mganda pa pla, pero atleast my trabho kesa wala.