Isa sa mga di malilimutang outing namin ng mga kasama ko sa work ang pag punta namin sa Mindoro Island...
Muntik pang hindi matuloy ang pag punta namin doon nung mga panahon na iyon dahil sa nagbabadyang paparating na bagyo..
Marami kami nagplano at nasa mahigit 30 dapat kami pupunta doon pero dahil sa balita nga po na may paparating na bagyo ay di sumama ang mahigit sa kalahati sa amin ibig sabihin po ay 14 lang po kami na naglakas ng loob na tumuloy at bumyahe papunta doon..nagcommute lang kami mula sa cubao nagbus kami papunta ng Batangas Pier...
Mula po sa Batangas Pier kelangan namin sumakay ng mga ferry boat yung mga banka po na bumabyahe papunta ng Mindoro..
Kahit may paparating na bagyo di naman kami nabigo na tuloy pa rin ang mga bumabyahe na banka kakatakot nga lang sa totoo lang hahaha...
Kung nabalitaan nyo yung may lumubog na mga ferry boat dahil sa bagyo yun po yung mga bumbyahe pa mindoro,,sa awa ng Diyos nung panahon na kami ay bumyahe sakay ng ferry boat wala naman po masama nangyari medyo maalon nga lang hahaha pero adventure eh hehe lakasan lang talaga ng loob...
Habang kami ay bumabyahe sa laot di maiwasan ang kaba dahil nga maalon pero enjoy pa rin kasi ang ganda pagmasdan yung laot o dagat....
Sa wakas nakarating kami ng maayos at ligtas sa mindoro haha nakahinga kami maluwag...Pagdating namin doon walang sama ng panahin gaya ng inaasahan napakaaliwalas walang bagyo gaya ng sinasabi sa balita (dipa naman uso fake news nun bakit kaya)..pagtapos wala na paligoy ligoy pahatid kagad kami sa mga tricykle doon papunta sa Puerto Galera beach...
3 days kami doon sulit na sulit,,, Ang ganda ng mga beaches sa Mindoro white sand din sila gaya ng Boracay,kung anong meron sa Boracay ay meron din sa Mindoro ang ganda halos walang pinagkaiba sa Boracay talaga..ang mahal ng tubig doon haha ginto kapresyo ng mga alak langya...
Lalo pag gabi ang daming mga pwede panoorin mga nag fifire dancing, mga tumutogtog na banda at iba. pa.
Kinabukasan ay nag Island hopping pa kami nagpunta sa ibat ibang isla na may tourguide at banka kaming inupahan...ang linaw ng tubig ang ganda ng mga coral sa ilalim ng tubig makikita mo yung ibat ibang uri ng maliliit na isda yung mga pang aquarrium....andaming activities na pwede mo gawin dun sarap talaga sa malalayong isla puro fresh pa talaga ang mga tanawin at mga kapaligiran sana lang ay wag masira....
Ang ganda din po pla jn :)